Chapter XXXIV

68K 1.2K 111
                                    

[34] The Accident                     

-Audrey-

Nakatulala ako habang naglalakad papalabas ng bahay nila Duke. Wala sya doon at hindi ko alam kung kailan sya ulit babalik. Ganito nalang ba palagi? Papaasahin nya ako pero iiwan sa ere. Ganun ba kadali sa kanya ang saktan ako ng ganito? 

“AD!” sigaw sa akin ni Kieth ng lagpasan ko ang sasakyan nya.

Dirediretso lang ang lakad ko pero mabagal lang. Pakiramdam ko ay lumulutang pa din ako sa sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong umuwi at magkulong sa kwarto ko pero ayokong magmukmok lang doon at umiyak nalang hanggang sa manghina ako at antukin. Kailangan kong alisin ang stress at bigat na nararamdaman ko ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad ng humarang si Kieth sa harap ko at hawakan ang magkabilang balikat ko. Seryoso ang mukha nya habang sinusuri ang mukha ko.

“Anong sabi nila sa iyo?” tanong nya at bigla na naman akong nalungkot ng maalala ang sinabi sa akin ni Tita Elle.

“Months or years. I don’t know when, Audrey. May natanggap syang scholarship sa isang university doon at matatagalan sya.”

Napailing ako at hindi ko na napigilang mapaiyak. Nanginginig pa ang mga labi ko dahil sa pagpipigil ng hikbi ng sagutin ko sya. “Umalis sya at nasa Cebu daw sya.” simula ko at ikinwento ko sa kanya ang lahat ng sinabi nila sa akin.

Nag-iba ang ekspresyon nya ng tingnan ko at parang nagtataka. “Yan ang sinabi nila sayo? Shit. That’s bad.” bulong nya at nanliit ang mata ko dahil doon.

Napakunot-noo ako at pinahid ang luha sa pisngi ko. Napatingin sya sa akin at parang naalarma sya ng makita ang tingin ko sa kanya.

“May alam ka ba dito, Kieth?” galit na utas ko sa kanya.

Nakita ko ang pamumutla nya at ang marahas nyang pag-iling. “AD, ano kasi.. uhm, wala talaga akong alam.” pagsisinungaling nya kahit huli ko na sya.

Parang naiiyak ulit ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong kakampi. Umtras ako at tiningnan sya ng masama. Ayoko silang makita at gusto ko lang ngayon ay ilabas lahat. Umiling-iling ako ng nagtangka syang lapitan ako.

“Sinungaling! Tell me, Kieth. Bakit umalis si Duke? Nasaan sya? Babalik pa ba talaga sya? Bakit kailangan nyo pang magsinungaling sa akin?” sigaw ko at tumulo na naman ang luha ko kaya marahas ko itong pinahid.

Hindi ako iyakin na babae pero bakit nitong mga nakaraan ay lagi nalang akong umiiyak. Si Duke, sya lang naman lagi ang dahilan.

“No, AD. I’m not lying, we’re not. Wala din kaming alam.” frustrated na sabi nya at umiling-iling nalang ako. Napabuga ako ng malalim na hininga para mapigilan ko na yung mga luha kong nagbabadya na naman na lumabas.

“Liar. Lahat kayo sinungaling. Gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Duke pero katulad nya, iniwan nyo na din ako. Hindi literal pero yun ang nararamdaman ko.” madiin kong utas sa kanya.

“May dahilan si Duke kaya ginawa nya iyon. Calm down, AD and stop crying, please.” mahinahon nyang sabi pero hindi nya ako napigilan at tinulak-tulak ko sya.

“Fuck those reasons, ganun ba ka-importante ang dahilan nya para iwan ako, kami sa ere? Nag-quit sya sa banda at ang labo naming dalawa. Oo, sabihin mo na sobrang assuming ko pero alam ko at nararamdaman ko na may hindi malinaw na bagay sa aming dalawa.” sabi ko at gusto ko lang ngayon ay isigaw sa kanila ang lahat ng frustrations ko sa buhay.

“Alam nila Aeron ang rason nya at naiintindihan nila iyon.” utas nya at parang nagsisi agad sya na sinabi nya iyon nang makita nya ang naging reaksyon ko.

So, all this time ako nalang ang walang alam sa rason nya. Ako lang ang iniwan nyang hindi nalilinawan? Halos mapahagulhol na ako sa harap nya pero pinigilan ko iyon at agad na umalis sa harap nya.

Narinig ko ang pagmumura nya at ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin at nilagpasan sya. Dire-diretso akong naglakad papalapit sa sasakyan nya. Napamura sya ng malakas ng buksan ko iyon at paandarin. Narinig ko ang mabilis na yabag nya papatakbo sa akin.

“AD! Stop, please.” sigaw nya habang tumatakbo papahabol sa akin pero huli na sya dahil wala na akong balak magpapigil.

Mabilis ko iyong pinaharurot at pumunta sa lugar na alam kong malalabasan ko ng sama ng loob. Race, gusto kong makipag-race. Buti malapit lang iyon sa amin kaya nakarating ako kaagad. May iilang tao doon at nagpa-practice. Yung iba ay kakilala ko pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi sila ang pinunta ko dito.

Lumapit ako sa isang lalaki na naga-assist sa mga racers. Binati nya ako at buti nalang kakilala ko na sya kaya hindi na ako nahirapan na makakuha ng sasakyan ko. Nagbihis din ako ng mas kumportableng damit na ino-offer nila sa mga pumupunta doon.

Nakakagulat na marami-rami na ang pumunta dito kesa dati. Simula nung dumating si Spade ay marami na ang nahilig dito ngayon. Nag-init na naman ang gilid ng mga mata ko ng maalala ko si Spade.

Kahapon lang sya umalis pero heto ako at miss na miss na agad sya. Pero hindi iyon katulad ng pagkamiss ko kay.. Ugh! I’m really crazy. Yes, crazy in love with him.

Sumakay na ako at inayos ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at kasabay noon ay ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Hindi ko nga alam kung saan kumukuha yung katawan ko ng mailuluha ko dahil sa dami nun ay baka naubusan na ako ng tubig sa katawan.

Ini-start ko ang race car at nang marining ko ang ugong noon ay parang nakaramdam ako ng kung anong ginhawa sa katawan. Ang tagal ko na ding hindi narinig iyon.

Pumikit ako habang dinadama ang tunog ng sasakyan.

“You’re only mine, Audrey. Mine alone. Fuck all those damn rules. Fuck all the things in this world. Now, I will choose you, Audrey.”

Nag-echo sa utak ko ang mga sinabi nya at parang sinilaban ang buong sistema ko dahil sa galit, inis at kung ano-ano pa.

“AD! Bumaba ka dyan. That’s not a good idea.” Narinig kong sigaw ni Kieth at nakita ko na syang patakbo na lumalapit sa akin.

Nataranta ako at agad kong pinaharurot yung sasakyan ko. Halos mapasigaw ako sa tindi ng nararamdaman ko. Ang hirap ng wala kang karapatan na magtanong at manumbat. Wala akong karapatan kay Duke kaya hindi ako pwedeng magalit sa kanya.

Kasalanan ko to, masyado ko syang mahal at lagi akong umaasa sa kanya kaya laging nauuwi sa ganito. Iniiwan nya ako at nasasaktan dito.

Mas lalo kong pinaharurot yung sasakyan ko at parang unti-unting nababawasan yung sakit na nararamdaman ko dahil sa adrenaline rush na sumasakop sa sistema ko. Kaya mas gusto kong nagre-race dahil wala akong ibang nararamdaman kundi ang excitement tuwing naririnig ko ang ugong ng sasakyan.

Balak ko na sanang huminto ng pakiramdam ko ay kaya ko na ulit silang harapin at marami-rami na din kasi ang nagre-race. Kumalma na din ako pero bumalik ulit ang pagkaalarma ko ng hindi ko maihinto ang sasakyan. Kahit anong break ko ay walang nangyayari.

“Pakshet.” kinakabahang utas ko.

Binagalan ko ang  pag-andar ko pero no use. Hindi ko na din yun mailiko. Pakshet, mukhang wala sa magandang kondisyon ang sasakyan na ito.

Mas lalong dumoble ang kaba ko ng makita kong dire-diretso na pumupunta ang sasakyan sa pader na humahati sa racing field.

Napapikit nalang ako habang nakahawak pa din sa break at halos hindi ko na kayanin ang kaba na nararamdaman ko. Ganito pala ang nararamdaman ng namamatay, parang mamamatay ka sa kaba.

Isang malakas na tunog ang narinig ko bago magdilim ang paningin ko.

*

Comments? :) #TCAY34 @heyairaaa

Duke[media]

xoxo

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon