Chapter XXIX

74.1K 1.1K 85
                                    

[29] The Pain And Anger

                     

-Audrey-

Napadilat ako ng maramdaman kong ibinagsak ako sa isang malambot na bagay. Umiikot pa din ang paligid saka ang liwanag kaya napapikit ulit ako. Hinila ko yung may hawak sa akin kaya napahiga din sya at agad kong niyakap.

Ang bango-bango nya at gustong-gusto ko lang syang yakapin at amuyin para mawala ang hilo ko.

“Audrey.” bulong nito sa akin kaya napadilat ako. Tumawa ako ng malakas ng makita na kahawig ni Duke ang taong yakap ko. Ang galing-galing.

Kinurot ko sya. “B-bakit mo-- suot ang mukha ni Duke my loves?” natatawang tanong ko at mas lalo syang pinanggigilan. Pinapalo nya ang kamay ko para pakawalan sya. Ang bad nya.

“You’re drunk, Audrey. Stop it.” malamig na sabi nya at mas lalo lang akong natawa. Hindi ko alam kung ano ang tinatawa ko pero tawa lang ako ng tawa.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at pinagsusuntok ko na sya. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko sa mga pisngi ko. Hilong-hilo ako at para na akong tanga na hindi alam ang gagawin ko.

“Bakit ganun si Duke? Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin sya pero bakit lagi nalang akong nasasaktan?” sabi ko sa gitna ng aking hikbi.

May kalabog akong narinig pero hindi ko pinansin. Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nya. Parang lalong sumasakit ang ulo ko.

“There are reasons, Audrey. May mga bagay na mas maganda na hindi mo nalang alam.” sabi nya pero hindi ko ito gaanong naintindihan. Masyado na akong pagod para makinig. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

“I love him so much.Too much that my heart hurts more than my head.” bulong ko at ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko pero mas ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.

Pinikit ko ang mata ko at naramdaman kong umalis na sya sa tabi ko. Pinilit kong idilat ang mata ko kahit ang bigat na nito. Ang dilim na ng paligid at parang blur na sya sa paningin ko pero agad kong hinatak shirt nya.

“Don’t go.” sabi ko at pakiramdam ko ay masyado iyong mahina para marinig nya.

“Stay with me.” dagdag ko. Sana naririnig nya ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi to pero parang sinasabi ng sistema ko na gusto ko syang makasama.

“Okay, Audrey. As you wish.” sabi nito pero masyadong malabo kaya hindi ko na naintindihan. Napanatag nalang ako ng naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama ko.

“Thank you.”

Wala na akong maalala sa sumunod na nangyari at nakatulog na ako.

*

Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa ulo ko kaya agad kong pinikit ng mariin ang mata ko. Ang sakit sakit ng ulo ko at hindi ko maalala kung bakit nauwi ito sa ganito.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon