Chapter XLIV

57.2K 1.2K 143
                                    

[44] The Rest House

-Audrey-

Nang maghapon na ay napagpasyahan na naming umuwi. Nakakapagtaka nga na traffic na pagdating sa bayan. Sobrang bagal ng usad at ang tagal na namin dito.

“Bakit ba ang tagal?” tanong ko ulit at hindi ko na alam kung ilang beses ko na yang natanong simula kanina.

Hindi sumagot si Duke at kitang-kita ko sa mukha nya na naiirita na sya. Napansin ko ang mga tao na nagsisibabaan na sa mga sinasakyan nilang jeep at naglalakad nalang. Binaba ko ang bintana ng sasakyan at agad na sumalubong sa akin ang usap-usapan sa labas.

“Bumagsak yata ang tulay at bukas pa maaayos.”

“Ay, dios mio, napakalaking abala naman.”

“Mukhang hindi na talaga kinaya at sobrang luma na ng tulay. May naaksidente din daw kanina.”

Napanganga nalang ako sa narinig ko at tumingin kay Duke na mukhang narinig din ang mga usapan sa labas. “OMG! We’re stock here until tomorrow?” OA na sabi ko sa kanya kahit sa loob-loob ko na kinikilig ako dahil magkakasama pa kami ng matagal na kaming dalawa lang.

“Tss, let’s go to my parents’ rest house. Let’s stay there for tonight.” seryosong sabi nya at tumango nalang ako dahil mukhang masusungitan pa nya ako kapag nagsalita ako. Mukhang iritadong-iritado sya sa nangyayari at mukhang mas lalo pa syang nainis nung malaman nya na hindi talaga kami makakauwi.

Kaya in the end, nag u-turn si Duke at pumunta dun sa sinasabi niyang rest house. Natagalan pa din kami sa pagpunta doon dahil sobrang traffic talaga.

“Okay lang ba talaga sayo na dito tayo mag-stay?” tanong ko sa kanya matapos ng mahabang katahimikan naming dalawa mula kanina. Parang may bumabagabag kasi sa kanya na hindi ko malaman.

Huminga sya ng malalim pero hindi sya nagsalita. Pumasok kami sa isang gate at halos mapanganga ako sa nakita ko. Sobrang laki ng rest house nila! As in! Mas malaki pa yata sa bahay nila dun sa Manila. Ang liwanag pa ng paligid dahil sa mga christmas lights(kahit hindi pasko, lol) na nakapaligid sa bahay at mga puno.

“Wow! Grabe.. uh, wow.”

Halos hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sobrang ganda talaga. Alam mo yun, sobrang magical. Idagdag pa yung fountain na nasa harap na parang umiilaw ang tubig dahil sa buwan.

Sa kakaikot ko ay nahinto ang paningin ko kay Duke na seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagulat ako ng ngumiti din sya pabalik. Yung ngiting makalaglag everything.

“I supposed to bring you here tomorrow but..” sabi nya at nagkamot pa ng batok. Para syang nahihiya na ewan. Lumapit ako sa kanya dahil napansin kong parang namumula sya at tinatakpan ang mukha nya kaya hindi ko gaanong kita.

Unang hakbang ko palang ay tumagilid na sya at hinarang ang kamay nya sa akin. “Stay there.” utos nya pero syempre hindi ko sinunod at lumapit sa tabi nya.

“Uy, Duke? Bakit namumula ka?” inosente kong tanong kahit ang totoo ay nang-aasar lang ako. Hindi kasi ako makapaniwala na ang the great masungit na si Duke ay mamumula sa harap ko.

“Stop it, Audrey. Let’s go inside.” iritadong untag nya sa akin at naglakad pa papasok sa loob.

Sumunod ako sa kanya at naisipan na asarin sya ngayong gabi. Syempre, matapos nya akong sungit-sungitan sa buong maghapon at pakiligin, kailangang gumanti din ako.

Nang makapasok kami at saktong pagbukas ng glass door dun, kusang bumukas ang ilaw sa loob at kung maganda sa labas ay mas maganda sa loob. Agad na naggala ang mata ko sa paligid at talagang agaw pansin doon ay ang malaking picture ni Tita Elle at Tito King na magkatitigan at nakangiti sa isa’t-isa. Nakakakilig. Halos puro glass ang nandoon at halos lahat ng furnitures at gamit puro white. Kitang-kita din mula dito yung swimming pool sa labas at ngayon ko lang na-realize na medyo mataas ang pwesto nung rest house.

“Ang ganda talaga dito.” bulong ko sa sarili ko.

Napalingon ako kay Duke na sumalampak ng upo sa couch na nandoon. Umupo ako sa tabi nya at nagulat ako ng agad syang lumayo.

“Ano ba! Ang daming upuan bakit dito pa sa tabi ko?” inis na sabi nya at lumipat sya sa kabila.

Aba! Ano bang problema nito sa akin? Parang kanina ang bait nya tapos biglang sungit naman ngayon. Dinaig nya pa ang weather sa pagiiba-iba.

“Ang ganda naman dito. Mukhang alagang-alaga to.” sabi ko sa kanya at hindi nalang pinansin ang kasungitan nya dahil may naisip na ako na pwedeng ipangganti sa kanya.

“This is my mom’s favorite place. Every week may naglilinis dito.” paliwanag nya at hindi man lang tumingin sa akin. Busy sya sa pagte-text ng kung sino.

Napasimangot nalang ako pero agad akong ngumiti ng pagkatamis-tamis ng may naisip akong sabihin. “Ang romantic dito no? Ang ganda ng ambiance, ang tahimik, malamig pa at gaya ng sabi ko romantic na lugar...” dahan-dahan na sabi ko at sinigurado kong nakakaakit yun.

Napangisi ako sa loob-loob ko ng napahinto sya sa pagte-text at lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple nya nung lumunok sya.

“So, tayong dalawa lang ba dito?” casual na dagdag ko at halos mapahagalpak ako ng tawa ng nakitang nanlaki ang mata nya at nabitawan pa ang phone nya.

Hindi ko na talaga napigilan at tumawa na ako ng malakas. Feeling ko ay rinig na rinig ako sa buong bahay. Halos maluha na ako sa sobrang pagtawa lalo na nung maalala ko na naman yung mukha nya nung tinanong ko kung kami lang dalawa dito. Epic!

Napahinto ako sa pagtawa ng maramdaman kong may bumuhat sa akin at na-realize ko nalang na baliktad na ang mundo ko dahil sa pagbubuhat sa akin ni Duke na parang sako.

“Ugh!! Ibaba mo ko! Duke!” sigaw ko at patuloy na nagpupumiglas sa pagkakabuhat nya.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong paluin sa pwet! Jusko, nakakahiya naman to! Hindi ko na talaga aasarin si Duke kung ganito lang din mauuwi!! Waaaaah!

“Bad girl.” narinig kong sabi nya at may binuksan syang pinto saka kami pumasok doon.

Sinara nya yun at narinig ko pa ang pag-lock nya. Hala! Anong balak nya? OMG!

“Duke!! Ibaba mo na ko! Please lang. Nahihilo na ko.” pakiusap ko sa kanya na agad nya namang sinunod at binalibag ako sa kama. Buti nalang talaga ay sobrang lambot nun kaya hindi ako nasaktan.

Tiningnan ko sya ng masama nung maka-recover na ako. “Ano bang problema mo?” inis na sabi ko.

Ngumisi sya at unti-unting lumapit sa akin. Agad akong umatras papalayo sa kanya dahil ang creepy ng tingin nya.

“Anong ginagawa mo?” natatarantang tanong ko at iniharang sa sarili ko yung unan na nadampot ko.

Agad nya iyong inalis kaya mas lalo akong napaatras at mukhang wala na akong aatrasan dahil nakasandal na ako sa headboard ng kama.

“Hmm, di ba tayong dalawa lang? And like what you said, romantic ang atmosphere. Tahimik pa at malamig. Hindi kaya ito na ang perfect place?” nakangising sabi nya at halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil doon. Parang hindi si Duke ang nasa harap ko!

Tuluyan na syang nakalapit at halos ilang inches nalang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Titig na titig sya sa mukha ko at sobrang nakaka-conscious yun.

“H-ha? Anong perfect place?” mautal-utal ko pang sabi at nanlaki ang mata ko ng makita syang tumingin sa labi ko. Oh gosh!

Unti-unti syang lumapit sa mukha ko at automatic na napapikit ako at hinintay ang labi nya sa labi ko pero imbes na yun ang mangyari ay lumapat ang labi nya sa tenga ko saka bumulong.

“Perfect place to rest and sleep.” sabi nya at tumawa ng mahina. Napadilat ako at nakita kong wala na si Duke sa harap ko at nasa gilid na sya ng kama at tumatawa.

Tiningnan ko sya ng masama at binato ng unan na una kong nahawakan. “Kainis!” sigaw ko sa kanya.

Dahil sa sobrang kahihiyan sa pinaggagawa nya ay tumayo ako para umalis na sana pero bigla nya akong hinila sa tabi nya.

“Crap, I can’t resist you, Audrey.” bulong nya bago ko maramdaman ang labi nya sa labi ko.

*

Comments para ganahan mag-ud, please? ♥

#TCAY

P.S: Pipili ako ng 10 na magco-comment dito para mag-dedicate. Nawawala na naman kasi ang list ko. HAHAHA.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon