Chapter LIV

48.8K 1.1K 144
                                    

BASAHIN HANGGANG HULI DAHIL MAY DAPAT KAYONG MALAMAN NA BAKA DI NYO MALAMAN. LOL.

*

[54] The Talk

-Audrey-

'Cause all of me
Loves all of you~”

Oh gosh! He’s crashing in my room again and ruining my sleep! Ugh! Tinakpan ko ng unan yung buong mukha ko at nagtalukbong sa comforter.

It’s been a week since makauwi ako dito sa Manila and sad to say buong week din ako ginugulo ni Spade. Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa sya at hindi ako tinitigilan.

Hindi naman sa ayaw ko na kasama sya pero lagi nya talaga akong iniinis! Kanta sya ng kanta and it’s always the same song, inuubos nya lagi ang laman ng ref ko at sinisira nya ang tulog ko.

“Hey! Sleepyhead, it’s already 10am. Wala ka bang balak bumangon? Parang dinaanan ng bagyo yung kwarto mo.” sabi nya at nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng mabigat. Dinadaganan nya ko! Napakakulit talaga ng lalaking to!

Three days ng wala sina Mom and Dad because of business matters at si Kuya Aeron ay hindi ko alam twice ko palang sya nakikita simula nung dumating ako dahil madalas lang nandito ako sa kwarto ko at nagmo-movie marathon kasama si Spade or ako lang mag-isa. So, all in all, ang boring ng buhay ko ngayon.

Tinulak ko sya at sobrang hirap nun dahil ang bigat nya. “Ugh! Spade! Really? Ang aga-aga mong ginugulo ang buhay ko.” untag ko sa kanya at umupo na. Tinawanan lang nya ako.

Kinusot ko ang mga mata ko at nakita syang ang sarap ng higa sa kama ko. Tinulak ko sya ng konti at humiga din sa tabi nya.

“Ano na namang kailangan mo sa akin?” tanong ko at inagaw sa kanya ang unan ko.

Bumangon sya at ganun din ang ginawa ko. “Umiiyak ka pa din?” tanong nya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan.

Hindi sya nakaharap sa akin pero kita ko ang repleksyon nya sa salamin habang nililigpit yung mga nakakalat kong gamit doon. Sinilip ko ang sarili ko sa salamin doon at nakita kong medyo namamaga ang mga mata ko.

“Ha? ‘Di ah.” sagot ko kahit halatang-halata na nagsisinungaling ako. ‘Fake it until you make it’ sabi nga nila. Kaso ako, mukhang hindi ako effective na magpanggap.

Humarap sya sa akin at seryoso akong tiningnan. “At ako pa talaga niloko mo?” natatawang sambit nito.

Inirapan ko sya at sumalampak ulit ng higa sa kama ko. I just want to sleep all day. “Ewan ko sayo. Umuwi ka na, inaantok ako.” sabi ko at pumikit ulit.

Matagal din ang katahimikan kaya akala ko ay umalis na sya pero nagulat ako ng magsalita ulit sya.

“Babangon ka dyan o kakanta ako dito?” tanong nya na kaagad na nakapagpabangon sa akin.

Tiningnan ko sya ng masama pero bumangon ako ng tuluyan. He’s blackmailing me! Lagi nya yang ginagawa kapag hindi ko sya sinusunod and napaka-effective dahil isang beses akong hindi talaga sumunod sa kanya at halos buong araw nya akong kinantahan.

Kaya in the end ay pinalabas ko sya ng kwarto ko para makapaghanda na ako. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos bumaba ako at nakita ko sya sa living room na nanonood sa tv habang nakataas ang paa at kinakain ang pizza ko.

“Spade! In-ambush mo na naman yung mga pagkain ko!” inis na untag ko at tumabi sa kanya.

Kumuha ako ng pizza na kinakain nya at nakita kong nginisihan lang nya ko. Sya kasi ang bumili ng pizza na to kahapon pero binigay nya sa akin, so akin pa din yun. Di ba?

“Ano ba naman yang pinapanood mo? Puro barilan, wala naman akong maintindihan. Lipat mo nga.” utos ko at nagulat ako ng bigla nya akong tinawanan.

Sinamaan ko sya ng tingin at halos mabilaukan na sya sa kakatawa. “AD! You’re really funny! Bakit ba ang init-init ng ulo mo ngayon? Siguro-- pfft!” sabi nya at hindi na nya iyon natapos dahil tumawa na naman sya.

“Ah ganon?” untag ko at nilapag muna ang pizza na kinakain ko saka sya kiniliti.

Halos tawa lang kami ng tawa hanggang sa wala na akong naitawa kaya huminto na kami. Oo nga, masyado akong bad mood simula nung dumating ako. Hmm, kailangan ko ng magbago!

“Ang lakas pala ng kiliti mo, Spadey.” natatawa kong sambit at kinuha ulit ang pizza na kinakain ko.

Binawi ko sa kanya ang remote at nagsimulang maglipat ng channel.

“Duke’s back. I saw him earlier.” biglang sabi nya na nagpahinto sa akin. Sobrang out-of-the-blue nang pagkakasabi nya nun at talagang nabigla ang buong sistema ko.

Napatingin ako sa kanya. Really, Spade? The best ka talaga sa paninira ng momentum.

Lumunok ako at kumagat ng malaki sa pizza ko. Bumalik ako sa paglilipat ng channel at hindi na sya hinarap. “So? Ano naman ngayon? Mukha ba akong may paki?” dire-diretsong sabi ko kahit may pagkain pa sa bibig ko kaya muntik na akong mabulunan. Buti nalang ay naabot ko kaagad yung baso ng tubig na nandun.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Spade kaya tinapunan ko sya ulit ng masamang tingin.

“Medyo? Baka gusto mo lang malaman.” inosenteng sabi nya at kumain ulit ng pizza.

Binaba ko yung baso ng tubig at malungkot na tinitigan ang pizza na hawak ko. “Bastos ka talaga. Nagmo-move on ako dito oh.” natatawang biro ko pero halatang-halata ang pait doon.

Naramdaman ko ang kamay nya sa akin at bigla nya akong niyakap. “Sorry.” bulong nya at nangingilid ang luha ko nung niyakap ko sya pabalik. “Sorry, babe. Promise, di na kita lolokohin at di na ako mangangaliwa.” natatawa nyang dugtong kaya bigla ko sya naitulak.

Ano ba yan! Kelan nga ba nagseryoso si Spade? Pakipaalala please. Masyado talaga akong inaasar ng lalaking to.

“Epal ka talaga.” natatawang untag ko sa kanya pero bumalik din ako sa pagseseryoso. “Pero Spade,”

Tumingin sya sa akin at seryoso na din ang mukha nya. “Kasama ba ni Duke yung bruhildang si Aleyna?” tanong ko at bigla nya akong binato ng unan na nandoon.

“Yan ba ang nagmo-move on, Audrey Danella?” tanong nya at nauwi nalang kami sa tawanan.

Oo, magulo ang buong sistema ko dahil nalaman ko na nandito na din sya at magkalapit na naman kami. Pero hindi ko pwedeng hayaan na sirain nya ang araw ko. Masaya na sya at dapat mas maging masaya ako. Hindi sya kawalan sa buhay ko.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang phone ko at nakitang si Tita Elle, yung mom ni Duke, ang tumatawag. Ano kayang kailangan nya sa akin?

Napatingin ako kay Spade bago ko iyong sinagot. “Hello, Tita?”

Nagulat ako ng makarinig ang marahan na pag-iyak at ingay na parang may nag-uusap or nagtatalo at maya-maya ay bigla ding nawala. “Hello? Tita Elle? Hello?” natatarantang tawag ko.

“Ate Audrey, si Harley to, can you go here? Now? We need to talk to you. May dapat kang malaman.” sabi nya at napagtanto ko na sya pala yung umiiyak.

Magtatanong pa sana ako ng biglang naputol ang tawag. Napatitig pa ako sa phone ko. Ano ang nangyayari sa kanila? At ano yung dapat kong malaman?

*

Comments? ♥

P.S: Next chap na mention. Twitter: @heyairaaa #TCAY

Next chapter is the last chapter then after nun epilogue. Bye :)

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon