Chapter XXXIX

65.5K 1.4K 185
                                    

[39] The Jealousy

-Audrey-

“Stop staring.” iritadong sabi nya sa akin pero hindi pa din ako natinag. Kung ayaw nyang pumayag sa gusto ko, then I’ll get him by hook or by crook.

“No, Duke. Hindi kita titigilan kung hindi ka papayag na mag-leave kahit 2 days lang. Please!” pakiusap ko pero may halong pagbabanta. Syempre with pa-cute pa yan.

Sinamungat nya ako pero hindi sya nagsalita. Sumakay sya sa sasakyan nya at sumunod nalang din ako. Inirapan ko sya ng makapasok na ako. Hindi man lang ako pinagbukas ng pinto. Halik ng halik pero kapag ako naman ang may gustong ipakiusap, ayaw.

“I’m busy, Audrey. Nasa kalagitnaan palang kami ng pagsasalba ng company. Hindi ako pwedeng basta-basta mag-leave.” seryosong sabi nito bago mag-drive paalis.

Nalungkot ako dahil sa sinabi nya pero naiintindihan ko naman sya. Busy na syang tao, hindi na sya ang Duke na vocalist ng isang banda na kilala ko. May malaking responsibilidad na syang hawak.

“Okay.” walang-buhay na sabi ko at tumingin nalang sa labas ng bintana at hindi na umimik.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin ng magsalita sya ulit.

“Saan ka tumutuloy?” tanong nya.

Tumingin ako sa kanya saglit pero binalik ko din agad ang tingin sa kalsada bago sumagot. “Sa inyo.”

“What?” gulat na tanong nya kaya napatingin na ako sa kanya. Nakakunot ang noo nya at seryosong tumitingin sa akin habang nagda-drive.

Tumango ako. “Sino ang nagsabi sayo na tumuloy doon?” tanong nya at sa way nang pagkakasabi nya ay parang hindi ako dapat sa kanila pumunta.

Gulat na tiningnan ko sya at sobrang na-hurt ako sa sinabi nya. Napailing nalang ako sa sarili ko at gusto kong mapaiyak sa inis at lungkot at idagdag pa na pagod ako sa byahe.“Kung ayaw mo ako dun sa inyo, dalhin mo nalang ako sa kahit saan na hotel.” malamig na utas ko sa kanya.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nya bago ako tawagin.

“Audrey.”

Hindi ko sya pinansin at pinaglaruan nalang ang strap ng dala kong shoulder bag. Nagulat ako ng bigla nyang igilid ang sasakyan at ihinto.

Napatingin ako sa kanya at seryoso lang sya na nakatingin sa akin.

“What? May hotel na ba dito?” tanong ko at tumingin sa paligid pero ang tangi ko lang nakita ay ang mall na naroon.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya at saglit na pinaglapat ang mga labi namin. Sa sobrang bilis nun ay parang hindi ko man lang naramdaman. Naiinis na nga ako, binibitin pa.

Lumayo lang sya ng kaunti sa mukha ko pero sobrang lapit pa din namin na halos ramdam ko ang pagbunggo ng ilong namin at amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga ng magsalita sya.

“What do you want to eat? I’ll cook for you.” sabi nya at parang hindi ko pa sya maintindihan dahil hindi pa maproseso ng utak ko ang nangyayari.  “Tawagan mo din si Yaya Kendi kung ano ang kailangan na grocery sa bahay para makapamili na tayo. Ayokong magutom ka habang nasa bahay ko.” dagdag nya at tinanggal ang seatbelt nya.

Napangiti ako ng marealize ang sinabi nya. Bago sya lumabas ng sasakyan ay hinila ko sya papalapit sa akin saka sya niyakap. “Ang cute mo talaga. Ang sarap mo tuloy halikan.” natatawang biro ko sa kanya bago ako humihawalay sa yakap pero bago ako makalayo ay hinapit nya ulit ako papalapit sa kanya.

Nakangisi sya at nakatingin sa labi ko. “Well, you can kiss me whenever you want.”

*

Pinapanood ko sya habang gumagalaw sa kusina dito sa bahay nila. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakita na nagluluto si Duke my loves. OMG!! Lalo na ako pa ang pinagluluto nya. Kilig sagad to the bones.

“Wala ka talagang balak mag-leave?” tanong ko ulit sa hindi ko malamang beses ngayong araw.

Amoy na amoy ko na ang niluluto nyang sinigang at parang kumalam ang sikmura ko doon. Ngayon ko lang nadama ang pagod sa buong araw pati na sa byahe.

Tumingin sya sa akin pagkapatay nya ng stove. “Alam mo na ang sagot ko.” sagot nya sa akin.

Napasimangot nalang ako doon. Sabay kaming napatingin ng biglang pumasok si Sed, dala ang iba pang grocery na binili namin kanina. Binati nya si Duke at ngumiti naman sya sa akin.

“Thank you.” sabi ko sa kanya na may matamis na ngiti. Tumango sya sa akin at aalis na sana ng tawagin ko sya ulit.

May pasok si Duke bukas at ayoko namang mabagot sa bahay dito. Kaya mag-iikot ikot nalang siguro ako at isasama ko si Sed bilang driver.

“Free ka ba bukas?” tanong ko.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya at ang bahagya nyang pagngiti bago sumagot. “Oo naman.”

Ngumiti ako sa kanya saka lumapit. “Great. Pwede mo ba akong ipasyal bukas dito sa Cebu? Ayoko kasing mabagot dito sa bahay.”

“Sige--” Bago pa matapos ni Sed ang sasabihin nya ay may sumingit na sa pagsasalita nya.

“Magle-leave pala ako bukas. Ako na ang sasama sayo.” untag ni Duke at pareho kaming napatingin sa kanya. Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Tumango si Sed saka nagpaalam na. Hindi maalis ang ngisi ko at pati ang pagtaas ng kilay ko hanggang sa tuluyang makalabas si Sed.

“Akala ko ba busy ka?” nanunuyang tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng masama pero hindi nya sinagot ang tanong ko. Nilapag nya sa harap ko ang bowl na may lamang sinigang. Lumapit sya sa rice cooker at kumuha ng kanin. Amoy palang natatakam na ako.

“Nagseselos ka ba kay Sed?” tanong ko ulit ng nailapag nya na ang kanin sa harap ko.

Kinuha ko ang plato na hinanda ko kanina. Napahinto ako sa pagkuha ng kanin ng magsalita sya ulit.

“Wala akong dapat ikaselos sa iba pagdating sayo.” sabi nya at parang nawalan agad ako ng gana.

Anong ibig sabihin nya doon? Okay lang na lumapit ako sa ibang lalaki? Wala syang pakealam? Kung ako nga, may kausap lang sya na babae ay halos makalbo ko na lahat ng nakikita ko. Kanina pa talaga sya ah, ang sasakit ng mga sinasabi nya.

Binitawan ko ang sandok ng kanin at tumingin nalang sa plato ko. Hindi na yata ako gutom. Nagluluksa ang mga alaga ko sa tyan.

“Ahh ganun ba.” malungkot na sagot ko.

Tumayo ako at nagpaalam na magc-cr muna pero pinigilan nya ako bago ako makaalis. Niyakap nya ako mula sa likod at damang-dama ko ang init ng katawan nya.

Halos pigilan ko ang paghinga dahil sa pagkakalapit namin. Bawat sweet move na ginagawa nya ay parang tumatalon ang puso ko at hindi ako makahinga sa kilig. Lahat ng inis at lungkot ko ay parang bula na nawawala. Ganito ang epekto nya sa akin?

“Ang cute mong tingnan kapag nagtatampo ka.” bulong nya sa tenga ko at ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko dun.

“K-kainis ka. Hindi ako cute, maganda ako.” nauutal na sabi ko. Kunwari ay nagtatampo pa din ako pero ang totoo ay kinikilig talaga ako.

He chuckled. Ang sexy lang pakinggan. “Wala akong dapat ikaselos sa iba dahil akin ka na. Minarkahan na kita. Sino man ang magtangka na agawin sa akin ang pagmamay-ari ko, then he must be ready to meet the hell of me.”

Halos mabaliw ako sa mga sinasabi nya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya. Gusto kong magtitili sa kilig.

“Damn girl, I’m madly smitten and crazy with you.”

*

Comments? ♥

#TCAY @heyairaaa

P.S: Marami pang kilig moments. Hindi ko alam kung kelan ang next update. Alanganin kasi ang sched ko ngayon. Ang hirap palang maging college student.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon