Chapter XII

96.8K 1.2K 83
                                    

[12] The Smile On His Face

 

-Audrey-

Nung makaayos na ako sa pagkakabuhat nya ay unti-unti na syang tumayo. Medyo nahihirapan pa sya dahil alam ko naman na mabigat ako at medyo may galos din sya dahil sa pagkahulog namin. Nakaka-guilty tuloy tapos sya pa tong napeperwisyo sa pagbubuhat sa akin. Kawawa naman si Duke my loves ko kahit kinikilig ako dito, ayaw ko pa din syang mahirapan.

“Sorry, a-ah, Duke, kaya mo ba talaga?” nag-aalalang tanong ko kasi nakita kong napangiwi sya dahil sa nasagi ko yung sugat nya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya habang unti-unting naglalakad. Hindi ko tuloy maiwasang amuyin ang leeg nya, ang bango nya talaga sa kabila ng nangyari sa amin. Hindi ko din mapigilang ngumiti dahil naka-piggy back ride ako sa kanya!

“Stop that, Audrey.” saway nya sa akin. Hindi ko napansin na sobra ko na syang inaamoy. “Kahit hindi kita kaya, I don’t have a choice. Hindi tayo pwedeng mag-stay dun at hintayin silang hanapin tayo o hintaying maging okay yang paa mo.” malamig nyang sagot sa tanong ko kanina.

Napakunot noo din ako. “You mean itutuloy pa natin ang game?” takang tanong ko at tinitigan ang mukha nya na diretso lang ang tingin sa daan. Mukha pa syang nairita dahil sa tanong ko.

“Do you think we can continue the game in this kind of situation? Stupid.” sabi nya at hinigpitan ang hawak sa mga binti ko. Napasimangot ako sa sinabi nya pero namula din ako at the same time dahil sa paghawak nya sa binti ko.

Tumahimik nalang ako at baka kapag nagsalita pa ako ay masabihan na naman nya ako ng ‘stupid’. Maya-maya ay nagulat nalang ako ng bigla syang huminto. Baka nahihirapan na sya sa pagbubuhat sa akin?

“Okay ka lang, Duke? Magpa--”

Naputol ako sa pagsasalita dahil agad na syang sumingin. “I don’t know which way to go. The map got lost because of your clumsiness.” seryosong sabi nya sa akin kaya sinimangutan ko lang sya kahit hindi naman nya ako nakikita dahil sa daan pa din sya nakatingin.

Tumingin ako sa paligid, hindi ko din matandaan kung saan kami galing at kung saan kami dumaan. Halos magkakamukha ang mga puno at paliko-liko ang daan. Wala ding pwedeng palatandaan. Ano ba naman to? Bakit ba puro kamalasan lang ang nangyayari sa akin dito sa bakasyon na to? Oo ang swerte ko kasi kasama ko si Duke my loves pero sobrang perwisyo ang lagi kong naibibigay sa kanya.

“Anong gagawin natin?” walang kapaga-pag-asa na tanong ko kay Duke. Wala din naman kasi akong magagawa dahil injured ako.

“Tss, I’m tired. Let’s stay there.” sabi nya at pumunta dun sa may ilog. Ang alam ko ay kadugtong lang din ito ng dagat.

Inilapag nya ako sa batuhan at dun ako naupo. Malinis ang ilog kaya naisipin kong doon hugasan ang sugat ko. Halos kalahati pa lang ang nailalagay ko doon ay agad ko nang inahon ang paa ko dahil sa hapdi. Ang tanga ko talaga, may halong tubig alat ang ilog na to kaya malamang mahapdi talaga to.

Napangiwi ako sa sakit at nakita ko si Duke na seryosong nakatitig sa akin at umiiling-iling pa. I know, I’m so stupid. Kinuha nya ang phone nya kaya agad ko din na hinanap ang phone ko at na-realize ko nalang na naiwan ko pala yun sa room namin ni Erica.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon