Chapter XXX

79.1K 1.4K 214
                                    

[30] The Damn Rules

                     

-Audrey-

Ang bilis na dumaan ng panahon o ako lang talaga? Hindi ko kasi napansin ang oras at araw na dumadaan dahil busy ako sa pag-iwas sa kanya at sa nararamdaman ko. Parang kahapon lang nung huli kaming nag-usap dahil dama ko pa din ang sakit pero halos isang buwan na pala ang lumipas.

Isang linggo nalang at graduation na. Stress free na at puro practice nalang pero ako lang yata ang mukhang hindi masaya na gagraduate. Ang hirap ng nakikita ko sya pero mas mahirap yung halos hindi ko sya malapitan.

“Hey, earth to AD.” sabi ni Kieth na nagpabalik sa akin sa katinuan. Iwinawagayway pa nya ang kamay nya sa mukha ko kaya tinapik ko yun at sinimangutan sya.

Pagkatapos nya akong paghintayin dito ng halos kalahating oras tapos may gana pa syang ngumisi sa akin.

“Bakit ka late?” inis na sabi ko. Usapan namin na magkikita kami para sabay na kaming umalis pero heto at pinaghintay nya ako. Kung dala ko lang sana ang sasakyan ko eh di sana nauna na ako at iniwan sya. At oo, may sasakyan na ako. Advance graduation gift ng parents ko. Ang saya!

Inakbayan nya ako at halos masakal na ako sa higpit ng hawak nya. Pasaway talaga nito.

“Ang cute mo, AD. Tara na at malamang hinahanap na tayo ni Spade.” sabi nya kaya sumakay na ako sa sasakyan nya. Natahimik ako ng binanggit nya si Spade. Medyo nagtatampo pa ako dun kasi hindi nya sinabi sa akin kaagad na aalis na sya at babalik na sya sa Japan. Ang sinabi lang nya sa akin ay malungkot na nga ako kay Duke ay dadagdagan pa nya. Naikwento ko nga sa kanya ang nangyari.

Ngayon ang despedida nya na gaganapin sa STG, yung restobar ni Kuya Matt. Mga friends lang nya ang invited at ilang racers. Kahit papaano ay naging close ko na yun kaya mamimiss ko talaga sya.

“Ang pangit mo, AD. Try mo naman na ngumiti.” sabi nya sa akin pero sa daan sya nakatutok at binigyan lang ako ng sulyap. Mas lalo ko syang sinimangutan.

“Kanina lang sinabi mo na cute ako tapos biglang pangit? Yung totoo, Kieth? Gusto mong makatikim ng flying fist?” banta ko sabay pakita ng kamao ko at tumawa lang sya.

“Hmm, hulaan ko kung bakit ka malungkot. Sa pag-alis ni Spade or..” he paused at sumulyap sa akin saglit. “si Duke?” mahina nyang tinuloy pero narinig ko pa din.

Tiningnan ko sya ng masama at mahina syang sinuntok sa braso nya. “You said the forbidden word, Kieth. I hate you.” biro ko at pinilit na tumawa kahit parang tinutusok ng kung ano man ang puso ko. Naaalala ko na naman sya.

Yumuko ako dahil ayokong makita nya na naiiyak ako. Masyado akong emosyonal dahil naaalala ko na naman sya at idagdag pa na meron ako ngayon. Pakshet.

Naramdaman ko ang pagtapik nya sa akin at ngayon ko lang napansin na huminto na pala kami. Nandito na kami ngayon sa parking lot na malapit sa STG.

“Maybe, just maybe, may reasons si Duke kaya nya ginawa yon. Now, smile and don’t be upset dahil baka hindi ka maiwan ni Spade kung makita ka nyang ganyan.” wika nya na nagpangiti sa akin. Masaya ako na may kaibigan akong gaya nya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon