Chapter XXXI

76.3K 1.2K 146
                                    

[31] The Bad News

                     

-Audrey-

Tulala ako at parang tangang nakangiti dito. Paulit-ulit sa utak ko yung nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na sinabi nya yun. Parang panaginip. Hindi pa din maproseso ng utak ko na totoo ang lahat ng nangyari.

“You’re only mine, Audrey. Mine alone. Fuck all those damn rules. Fuck all the things in this world. Now, I will choose you, Audrey.”

Napangiti ulit ako ng maalala yun. Bago pa ako makapagreact nung sinabi nya yun ay umalis na sya sa harap ko. Pagkatapos nun ay parang nawala na ako sa sarili. Daig ko pa nga ang may hangover dahil sa pagkalutang ko hanggang ngayon.

“Stop smiling, Audz. Ang creepy mo na.” iritadong sabi sa akin ni Erica.

Nandito ako sa isang coffee shop at nakatambay. Kakatapos lang ng practice ng graduation namin at may balak sana akong puntahan si Duke para tanungin sya about dun sa kagabi kaso nag-aya naman tong si Erica na mag-skype daw kami dahil may importante syang sasabihin. Siguro ay pupunta nalang ako sa bahay nila pagkauwi ko mamaya. Nakakatamad na din kasing magtago papasok ng NorthU.

Pero imbes na sya ang magkwento ay ako ang nagsimulang dumaldal sa kanya at kinwento ko ang nangyari kagabi. Ayun na-shock din ang loka.

“Kinikilig lang talaga ako.” sabi ko at halos mapatili na dito. Napapatingin na nga din sa akin ang mga tao sa ibang table.

Nakita kong umirap sya. “Pero Audrey, ano yung rules na sinasabi nya? Like some bro code or band rules? Ang babaw.” untag nya at umirap ulit. Kita ko pa sa background nya na nasa isa syang computer shop.

Napabuntong-hininga ako at napaisip din doon. Rules? Ano naman kaya iyon? Narinig ko na kina Kuya yung tungkol sa band rules nila pero hindi ko alam kung ano-ano yun. Napailing ako, ang babaw nga pero mga lalaki sila. We will never understand boys.

Nagkibit-balikat ako bilang sagot doon at tinanong sa kanya ang kanina pa gumugulo sa akin. “Erica, sa tingin mo totoo yung sinabi nya? Natatakot ako, kapag nagiging sobrang saya ako ay madalas pagkatapos nun ay may hindi magandang nangyayari.”

“Ewan ko ba naman kasi dyan sa Duke Emmanuel na yan. Dinaig nya pa ang math sa sobrang hirap intindihin. Ang gulo-gulo, minsan sweet tapos masungit. Gwapo sya, oo pero yung ugali, no thanks. Kaya hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ka dun.” reklamo nya at napasimangot nalang ako. Ang nega talaga ng babaeng to pagdating sa mga lalaki.

Habang umiinom sya na sa tingin ko ay shake yun, may naisip akong pang-asar sa kanya. “Eh si Kuya Aeron, anong masasabi mo sa kanya?” sabi ko at tinaas-baba pa yung mga kilay ko.

Nakita ko ang pagkasamid nya at umubo-ubo pa. Napahagalpak ako sa tawa kaya pinagtinginan ako agad ng mga tao sa coffee shop. Para na siguro akong baliw dito na tinatawanan yung laptop ko.

Tiningnan nya ako ng masama nung mahimasmasan na sya. “Bakit naman nasingit yung babaero mong kuya dito? Saka bakit ba kung saan-saan na narating ang usapan na ito?”

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon