Chapter IX

100K 1.3K 101
                                    

[9] The Vacation

-Audrey-

 

Nakatulala lang ako sa seryoso nyang mukha habang sila ay busy sa pag-iingay. Christmas vacation at syempre dahil two weeks lang iyon ay dapat talaga na i-enjoy  kaya napagdesisyunan nila na tanggapin yung offer ni Kuya Matt na pumunta sa resort ng pinsan nya sa isang province para na din mag-perform doon ang Darker. Oh di ba, nakapagbakasyon na sila, kumita pa.

So kaya eto kami nila Kuya, Clark, Kuya Matt, Erica, Princess--- oo kasama ang bruhildang yan, at syempre maiiwan ba naman si Duke my loves ko na halos tunawin ko ng tingin pati na din si bruha na todo pa-cute pa, eto namang si Duke pinapansin pero pagdating sa akin ubod ng sungit. Sa banda lang ata sya mabait eh. Oo masungit sya sa lahat ng babae pero sa akin iba ang level, yung pinakamalala talaga.

Sobrang ingay dito sa sasakyan, paano ba naman kasi may videoke dito. Iba talaga kapag si Kuya Matt ang may-ari, bongga talaga kaya eto sila kanta ng kanta. Wala akong balak makisali sa kanila kasi wala ako sa mood dahil sa bwiset na Princess na yun na patuloy sa pagtanong ng kung ano-ano kay Duke my loves ko.

“Oy! Audrey! Kanina ka buklat ng buklat dyan sa song book. Try mo kayang kumanta.” sabi ni Erica at inabot sa akin yung mic. Palibhasa kasi ang ingay nya ngayon dahil close sila ni Kuya Matt, pero kung wala sya malamang tahimik yan sa isang tabi. Napaka talaga nito.

Umirap lang ako at hindi sya pinansin pero naagaw ng pansin ko si Princess na hinablot sa akin ang song book at nginisihan pa ako. “Ako nalang ang kakanta.” sabi nya kaya agad kong hinablot kay Erica yung mic. Hindi ako papatalo sa kanya no.

“Oh ayan, kakanta na si AD! Wooooh!” pagchi-cheer sa akin ni Kuya Matt, yung susunod na kanta ay ang dapat na kakantahin ni Erica pero inako ko nalang. Baka may ibang balak itong bruha at may gawin pa sa Duke my loves ko.

“Minsan lang to. Mahal ang talent fee ko kaya sulitin nyo na tong libreng live performance ko sa inyo.” biro ko sa kanila at kinantyawan pa ako ni Kuya, epal talaga yun.

Napataas ang kilay ko ng makita ang title nung kanta, nananadya lang ba talaga ang tadhana o ano?

[Someday - Nina(media)]

Huminga ako ng malalim at tumayo para mas madama ko to. Buti nalang alam ko tong kantang to at ito ay para sa kanya.. Duke.

 

“Someday you're gonna realize
One day you'll see this through my eyes
By then I won't even be there
I'll be happy somewhere even if I cared”

 

Narinig ko ang hiyawan nila pero mas pinili kong pumikit kesa makita ko ang mukha nya at ang reaksyon nya sa pagkanta ko. He once said that I have a good voice. Sobrang kinilig talaga ako nun.

“I know you don't really see my worth
You think you're the last guy on earth
Well I've got news for you
I know that I'm not that strong
But it won't take long, won't take long”

 

Pumapalakpak sila at narinig ko pa na inaasar ako ni Clark.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon