Chapter XVI

94.4K 1.2K 146
                                    

[16] The New Year’s Party

 

-Audrey-

December 31. Maingay ang lahat at puro ilaw ang paligid. Halos lahat may ngiti sa labi nila at pinapakita kung gaano kaganda ang mga suot nila. Syempre nandito na naman sila sa pinakahihintay ng lahat ng mayayamang tao sa syudad na ito. Ang ‘New Year’s Party’, na isang beses lang sa isang taon nagaganap kaya talagang pinaghahandaan ng lahat.

Pamilya nila Kieth ang host ng party ngayon, last year kami at every year nagpapalit-palit. Ang mga Villena talaga ang isa sa pinakamayaman dito kaya hindi na ko magtataka kung bakit ganito kabongga ang party na to.

“Ate Audz? Nakatulala ka dyan.” sita sa akin ni Harley na tanging kasama ko lang dito sa party.

Busy ang mga pamilya namin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila, ang Darker naman ay magpe-perform mamaya at si Kieth na kasama ko kanina ay nahila ng ilan din sa mga kaibigan nya na nandito. Kung pwede lang kasi magsama ng iba, sana sinama ko si Erica. Hindi naman kasi ganoon kayaman ang pamilya nila.

“Wala lang to.” sagot ko kay Harley. Gustong-gusto ko na talagang takasan ang party na to.

Isa pa yang si Duke my loves, simula nung mangyari yung aksidente dun sa amusement park, hindi na nya ulit ako pinansin. Hmm, pero normal naman yun di ba? Ganun naman kasi sya dati sa akin, hindi namamansin. Masyado na naman kasi akong nag-assume na baka yung ‘date’ kuno namin dun sa amusement park, dun na magsisimula ang lahat pero hindi pala.

“Alam mo ate, ang weird ng mga tao ngayon ha. Ganyan ba kayo? Laging nakatulala?” nakasimangot na sabi ni Harley. Natawa nalang ako, masyado nyang pinoproblema ang problema ng iba.

“Sino bang ‘kayo’ ang tinutukoy mo?” sabi ko nalang. Ako na nga lang ang kasama nya tapos hindi ko pa sya kakausapin.

“Ikaw saka si Kuya Duke. Well, hindi naman na ako magtataka kung bakit ka natutulala, malamang sa malamang kasi si Kuya ang iniisip mo pero itong si Kuya Duke parang ang laki ng problema sa mundo. Parang brokenhearted, ganun.” paliwanag nya at parang problemadong-problemado pa sya.

Napailing nalang ako at hinawakan sya sa balikat. “Harley, lagi naman yatang may problema yang Kuya mo. Saka paano yan magiging brokenhearted eh mahal na mahal ko yan, joke lang.” biro ko at natawa naman sya.

“Kaya boto ako sayo, Ate Audz. Wait, may sasabihin din pala ako pero secret lang natin to ah?” sabi nya at tumango ako. She’s always share her secrets with me. Isa din kasi sya sa tinuturing kong best friend.

“Sina Mom and Dad, weird din sila nitong mga nakaraang araw. Nakita mo naman sa bahay namin na may nadagdag na tatlong security guards. Feeling ko tuloy may kayamanan na nakatago sa bahay namin.” sabi nya at nag-isip ng malalim. Kanina pa talaga ako inaaliw ng batang to, masyado nyang pinapalaki ang mga bagay.

Kinurot ko ang mga pisngi nya na sobrang lambot. “Ang cute mo talaga, Harley! Baka may mga stalker na naman ang gwapo mong Kuya kagaya dati kaya nagdagdag ng guards. You know, obsessed fans.”

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon