Chapter XXXVI

70.7K 1.1K 95
                                    

[36] The Vacation                     

-Audrey-

“Iha, ayos ka lang ba?”

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla akong kausapin ni manang habang naghahanda sya ng almusal ko para sa araw na ito.

Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong nya at kinain ang hinanda nya. Tanghali na at ngayon lang ako nagising. Hindi na din ako pumasok matapos nung nangyari kahapon. Sa sobrang daming nangyari kahapon ay halos hindi ako nakatulog buong magdamag kaya parang zombie ako ngayon.

Idagdag pa ang tawag sa akin ni Duke. Ang tagal kong natulala nun sa phone ko, buti nalang ay nandun si Harley para gisingin ako sa katotohanan. Pagkauwi ko kahapon ay sobra ang kaba ko. Muntik na akong mamatay pero hindi man lang alam ng magulang ko kaya punong-puno ako ng guilt lalo na nung makauwi sila.

Nakalimutan ko lang yun nung maalala ko ulit si Duke, ang banda at ang mga rason nya. Tinawagan ko yung number na ginamit nya na pantawag sa akin pero out of coverage na. Ganito nalang ba kami palagi? Magpaparamdam sya at pakikiligin ako tapos biglang iwan sa ere.

Yung feeling na ang sarap nyang ibalibag sa bermuda triangle dahil sa sobrang gulo nya. Yung feeling na gusto ko nalang sumuko at makinig sa iba na dapat ko nang tapusin tong nararamdaman ko. Yung feeling na sobra na ito at dapat na talaga akong huminto. Pero sa huli mas nangingibabaw pa din yung feelings ko sa kanya, yung pagmamahal ko sa kanya.

Anak ng putspa, gusto ko na ding ibalibag ang sarili ko dahil sa katangahan na ito. Hindi ko pinangarap na maging martyr at ayoko sa mga tangang babae na nasasaktan na nga sige pa din. Pero hindi ka pala pwedeng mag-judge kung wala ka sa pwesto nila kaya ngayon alam ko na ang nararadaman nila.

“Iha, ayos ka lang ba talaga? Patay na iyang manok, pinapatay mo pa.” untag sa akin ni Manang at napatingin ako sa kinakain ko. Natawa nalang ako ng makita kong lasog-lasog na yung manok.

“Sorry, nadala lang po.” biro ko at ngumiti lang sya habang nag-aayos dun.

“Nga pala iha, kanina pa tunog ng tunog ang cellphone mo. Wala ka bang balak sagutin?” tanong nya at napatingin naman ako sa phone ko na nasa gilid ko lang.

Umiling ako at pinindot agad yung cancel dun sa tumatawag. Kahapon pa ako nakakatanggap ng random calls galing sa mga schoolmates ko at mostly sa Royals. Kumalat sa buong school ang pangbu-bully sa akin pati na din na ako daw ang dahilan kung bakit nabuwag ang Darker.

Pati yung social media accounts ko napuno ng notifications at messages galing sa kanila. May ilang nangba-bash pero may ilang piniling hindi mag-judge. Kaya agad kong dineactivate lahat ng accounts ko. Ang bababaw kasi ng mga tao, agad silang nagju-judge sa mga nakikita at naririnig nila kahit hindi naman nila alam ang totoo. Mas gusto nilang paniwalaan ang pangit na side kesa sa maganda.

Napailing nalang ako doon. Nagring ulit ang phone ko at agad kong pinindot ang cancel. Gusto ko sanang patayin din to kaso baka biglang tumawag ulit si Duke. Okay, umaasa na naman ako.

Buong araw akong ganun at walang ginagawa. Nakatitig lang ako sa phone ko at hinihintay ang pagtawag nya ulit pero walang nangyari.

Dumating ang gabi at nagulat ako ng maaga umuwi sina Mom and Dad at nandoon din si Kuya Aeron na hindi ko nakausap kahapon. Alam na siguro nya ang nangyari sa akin sa school dahil nagtext sa akin si Kieth kanina na kalat daw sa buong school na suspended ang lahat ng involve kahapon. Ang mas ikinagulat ko ay kumpleto kaming kumain ng dinner. Bihira ito gaya ng sabi ko dati.

Tahimik lang ako at mostly si Dad at Kuya lang ang nag-uusap. Basketball and business. You know, guys.

“What are your plans in this coming vacation, Audrey?” tanong sa akin ni Mom kaya napabaling na din sa amin ang tingin ni Dad at Kuya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon