Chapter XXV

83.7K 1.1K 120
                                    

[25] The Happiest Moment

 

-Audrey-

Nakakatamad. Wala akong kagana-gana. Uwian na at dapat magsaya ako pero hindi ko man lang magawa kahit ngumiti.

They are cheering me up pero hindi ko pinapansin. Wala akong kasama, kasi yung best friend ko iniwan na ako. Gusto kong magalit dahil sobrang biglaan pero sa tingin ko may rason naman sya kaya nya ginawa yun.

Pumunta ako sa parking lot para pumunta sa sundo ko. Ngayon lang ulit ako uuwi na kasabay ang driver namin dahil madalas marami akong ginagawa kaya hindi na ako nagpapasundo. Ngayon lang talaga dahil wala ako sa mood na gumawa ng kalokohan.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may biglang humila sa akin. Hindi ako agad naka-imik dahil sa gulat at wala na din ako sa wisyo para makapagreklamo. Natauhan nalang ako ng maisakay nya na ako sa sasakyan nya.

Kahit hindi nya ko nililingon at kahit pumikit man ako, kilalang-kilala ko kung sino ang humila sa akin. Amoy palang nya, nagpapabilis na ng tibok ng puso ko.

“Duke..” sabi ko pero mas nagmukha itong bulong dahil halos ngayon lang ako nagsalita sa buong araw. Parang may nagbabara pa na kung ano sa lalamunan ko.

“You brought me to a wonderful place yesterday. Now, it’s my turn.” malamig na sabi nya pero bakas sa mukha nya ang tipid na ngiti.

Napabuntong-hininga ako at parang nawala na lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Parang sa isang iglap, yung presence nya lang ang kailangan ko at magiging okay na ang lahat.

Napangiti nalang ako at tumingin sa labas ng bintana. Ngayon ko lang napansin na hindi gaanong maaraw at ngayon ko lang din na-realize na wala din palang magagawa ang pagda-drama ko. Kahit gaano ako magmukmok, hindi nun maibabalik si Erica dito.

Walang imikan, as usual. Medyo matagal na din syang nagda-drive. Saan naman kaya nya ko dadalhin?

“Are you okay?” biglaang tanong nya at muntik na akong mapatalon dito sa kinauupuan ko. Sobrang tahimik kasi tapos biglang magsasalita.

“O-okay lang.” mautal-utal kong sagot sa kanya. Nilingon nya ako saglit at binalik din agad ang tingin nya sa daan. May mapaglarong ngiti sa mga labi nya.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago sya ulit nagsalita.

“Nakausap ko kanina si Erica.” sabi nya na nagpalaki sa mata ko. Hinarap ko sya at kulang na lang ay alugin ko sya para malaman ang lahat pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

“Ano? Paano? Bakit?” Halos yan lang ang nasabi ko dahil hindi ako makabuo ng isang tanong.

Bumuntong-hininga sya at medyo binagalan ang pagda-drive. Tumingin sya sa akin saglit bago magsalita ulit.

“She texted me first. Tapos tinawagan ko sya and I’m trying to call her again pero out of reach na.” paliwanag nya at agad akong nanlumo. Gusto ko syang makausap dahil ang dami kong tanong.

The Chase and YouWhere stories live. Discover now