Chapter XLVI

55.3K 1K 84
                                    

[46] The Event

-Audrey-

“Bakit ba parang lagi kang tulala nitong mga nakaraang araw?” tanong sa akin ni Sed habang nagtatanggal ng mga damo sa garden nila Duke.

Umiling nalang ako at ngumiti. Dalawang araw na ang nakalipas simula nung matanggap ko yung text. Wala akong sinabihan na kahit sino, kahit kay Duke. Ewan ko ba, parang may nagsasabi sa akin na kailangan ko iyong itago.

Lagi kong kinukumbinsi na isa lang iyong prank o malaking kalokohan. Na wala lang magawa sa buhay ang nag-text na yun o baka yun yung mga insecure na mga sa school namin at napagtripan lang ako pero sa huli may kaunting takot akong nararamdaman. May iba, may mali.

“Sed.” tawag ko sa kanya. Nasa gilid ako nya ako at nakaupo sa malaking bato. Wala si Duke at nasa trabaho. Nakakainis nga yun at lagi nalang busy. Sabi ko nga sa kanya kahapon, uuwi nalang ako kung hindi naman din kami magkakasama, aba hinalikan lang ako at ayun syempre hindi ko naman matiis yung lalaking yun.

“Oh? Gusto mong umalis? Di ba may pupuntahan pa kayo ni Sir Duke mamaya?” sabi nya at hindi ko napigilan na mapataas ng kilay.

Hindi talaga ako masanay na tinatawag nyang ‘Sir’ si Duke. Feeling boss talaga dito yun. Ako nga nung una ang tawag ni Sed sa akin ay ‘Madam’. Naku! Buti nalang napapayag ko na Audrey nalang saka medyo naka-close ko naman din sya dahil kami lang ang madalas magkausap kahit madalas akong sungitan ni Duke kapag nababanggit ko si Sed sa kanya.

Umiling ako bilang sagot sa tanong nya. May event pa kaming pupuntahan ni Duke mamaya. Huminto sya sa ginagawa nya at umupo na din sa harap ko, dun din sa may malaking bato na pwedeng upuan.

“Gusto ko lang sana...” Napahinto ako dahil hindi ko talaga kaya na sabihin kahit kanino yung tungkol sa text. Gusto kong may makausap tungkol doon pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin na magsabi sa iba.

Umiling nalang ulit ako at ngumiti. “Ah wala pala! Sige bye na. Mag-aayos na ako para mamaya.” untag ko sa kanya at agad na umalis sa harap nya saka dumiretso sa kwarto ko.

Sumalampak ako sa kama ko at agad na kinuha ang phone ko na nandoon. Nanlaki ang mata ko nang may nakita na naman akong panibagong text mula dun sa unknown number.

From: Unknown Number
I’m back! See you, bitch.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang phone ko. Nakita kong halos kakarating lang ng text na iyon. Huminga ako ng malalim at nag-type ng reply.

To: Unknown Number
God bless you.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag-isip nalang ng magagandang bagay at ibinaon na sa limot ang bwisit na unknown texter na iyon.

“Unicorns, rainbows, pizza, pasta, ice cream, books, Duke my loves, happy thoughts, happy thoughts, ha--”

“What are you doing?”

“Ay anak ng unicorn!” gulat na sigaw ko at agad akong napadilat at napabangon ng kama.

Sumalubong sa akin si Duke na nasa pinto na pala ng kwarto ko at nakataas ang kilay. Hindi ko man lang napansin na binuksan nya ang pinto. Ugh! Nakakahiya yung mga pinagsasabi ko kanina!

Nangingiting lumapit sya sa pwesto ko kaya agad akong umatras. Wait, parang nangyari na to ah. OMG!

“What did you say? ‘Duke my--’ what?” pilyo nyang utas. Nagwawala ang mga alaga ko sya tyan kapag ganyan sya pero parang malalaglag naman ang puso ko sa kaba kapag ganyan ang ngiti nya.

Marahas akong umiling at iniharang ang kamay ko sa mukha ko. “Wala akong sinabi! Labas! Maliligo na ko para makaalis na tayo!” masungit na sabi ko sa kanya kahit sa loob ko ay kilig na kilig ako.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon