Chapter V

110K 1.5K 97
                                    

[5] The Name On His Guitar

 

-Audrey-

Back to normal na ang lahat kinabukasan at ang ibig kong sabihin dun ay wala na ulit pansinan ang nagaganap sa amin ni Duke, o mas magandang sabihin na hindi nya ako pinapansin kahit ako ay puro pagpapansin sa kanya ang ginagawa.

Saturday ngayon at maaga din silang umalis after mag-breakfast. Medyo kabado pa nga ako kaninang umaga dahil baka isumbong nya ako pero katulad nga ng sinabi ko parang walang nangyari kagabi at normal lang ang lahat.

May gig mamaya ang DARKER kaya may practice sila ngayon, pati na din sa nalalapit ng ball sa school. Ako kahit kating-kati na pumunta sa bahay ni Clark kung saan sila nagpa-practice ay hindi pwede dahil nandun ang mortal enemy ko na si Princess.

Nasabi ko na ba sa inyo na magkapatid din si Clark at Princess? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na kaya malamang ang bruhilda ay tuwang-tuwa dahil nandun ang Duke my loves ko.

Hindi ako mapakali dahil sobrang bagal ng oras. 6pm sila tutugtog at halos 4pm palang. Kaya kahit dalawang oras pa bago iyon ay pumunta na ako sa restobar na tutugtugan nila tutal naman kakilala ko ang may-ari noon kaya pwede muna akong tumambay dun sa room kung saan nags-stay yung mga nagpe-perform dun.

“Where are you going, Ate Audrey?” tanong sa akin ni Harley nung makita nya akong bihis na bihis at nag-aayos sa kwarto ko. Kami lang ang naiwan dito sa bahay bukod sa mga kasambahay. Nasa work din kasi sina mom and dad.

“Sa gig ng Darker. Wanna come?” tanong ko sa kanya dahil ang boring kayang mag-isa dito sa bahay. Saka restobar lang naman iyon at hindi bar kaya pwede sya.

Tinaasan nya ko ng kilay. “Really, Ate? 4:17 palang nga oh.” sabi nya at tumingin pa sa wall clock ng kwarto ko.

 Tinaasan ko din sya ng kilay. “Sasama ka ba?” tanong ko dahil kung ayaw nya keri ko naman mag-isa baka sya keri nya din ang mag-isa dito sa bahaay.

Ngumisi sya. “Syempre naman. Sinabi ko lang naman yung oras eh. Sige magbibihis lang ako, alam ko naman na masyado mo nang miss si Kuya.”

Natawa nalang ako nung patakbo syang lumabas sa kwarto ko. Tama naman sya, masyado ko nang miss ang kuya nya kaso kahit naman yata magkasama kami nami-miss ko sya dahil lagi akong invisible sa kanya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon