Chapter LIII

47.8K 1.3K 239
                                    

[53] The Broken Heart

-Audrey-    

“Kaya mo yan, Audrey. Maganda ka at di ka papaapekto kay Duke. Aja!” paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin.

Kanina pa akong 9am nakahanda at halos hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay ang bagal-bagal ng oras. Iniisip ko din ang mga tanong ko na ibabato sa kanya pati na din yung tungkol sa bwisit na Aleyna na yun at yung kaartehan nya nung nakaraan.

“Wag ka agad bibigay, AD. Baka makita mo lang sya, sunggaban mo agad, ah?” pang-aasar sa akin ni Spade habang pinapanood lang yung mga ginagawa ko mula kanina.

Inagaw ko sa kanya yung apple na kinakain nya at kumagat. “Whatever! Kung gusto nya talaga akong suyuin, magdudusa sya.” biro ko.

Todo biro pa ako ngayon pero ang totoo kabang-kaba ako. Halo-halo ang nararamdaman ko. Inis, galit, pagka-irita, at syempre ang pagmamahal ko kay Duke na puno ng katangahan.

“It’s almost 1pm. Punta na tayo?” aya nya at tumango ako habang humihinga ng malalim.

This time kasama ko na si Spade pero sa sasakyan lang sya maghihintay. Ewan ko ba, ayaw ko syang isabit dito sa kadramahan ko pero mas kumportable ako kung alam kong may tatakbuhan ako kapag sinaktan ulit ako ni Duke.

Nakatulala lang ako habang nasa biyahe papunta sa building nila Duke. Feeling ko mawawala lahat ng mga nilista kong tanong at sasabihin sa utak ko.

Habang kabadong-kabado ako dito sa sasakyan ni Spade ay bigla syang kumanta. Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa sobrang makabasag eardrums nyang boses.

“What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright”

Alam nyo yun, yung feeling na perpekto na si Spade, wag lang syang kakanta dahil masisira ang lahat. Tapos iisang kanta lang ang lagi nyang kinakanta kaya paulit-ulit na at sobrang nakakairita.

“Stop singing, Spade. Sinisira mo ang momentum ko dito.” sabi ko at inirapan sya pero ngumisi lang ang loko at kumanta pa din.

“My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind”

Tiningnan ko sya ng masama at buti tumigil na sya. “You’re crazy, AD, and I’m out of my mind.” maya-maya’y sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at napakunot-noo.

“Ha?” wala sa sariling tanong ko.

Saglit syang tumingin sa akin bago tumawa at umiling. Inirapan ko lang sya.

“'Cause all of me
Loves all of you--
aray!!

Kakanta pa sana sya pero agad kong binato sa kanya yung headphones na napulot ko dito sa loob ng sasakyan nya.

“Kumanta ka pa at itutulak kita palabas at ako ang magda-drive mag-isa papunta dun.” banta ko at buti hindi na sya umulit.

Maya-maya ay dumating na kami at saktong 1pm pa. Kabadong tiningnan ko si Spade at hindi pa din ako lumalabas ng sasakyan.

“Gusto mo bang kantahan muna kita?” biro nito at agad ko naman syang pinalo.

“Panira ka talaga ng momentum, oh!” natatawang sabi ko at huminga ng malalim.

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip lahat ng sasabihin ko.

For the nth time, huminga ulit ako ng malalim saka dumilat. “For the last time.” bulong ko sa sarili ko at tumingin kay Spade.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon