Chapter XVIII

92.8K 1.3K 157
                                    

[18] The Personal Nurse

 

-Audrey-

 

Tuesday. Buti nalang maaraw na at di na tulad kahapon, sana ganito din bukas para di ma-spoil yung fair. Nag-check ako ng facebook at twitter ko, puro yung pagkakasakit ni Duke my loves ang nasa news feed ko.

“Hindi ka ba papasok, Audrey? Nauna na ang kuya mo.” sabi sa akin ni Mom nung sinilip nya ako sa kwarto ko.

Nakahilata lang ako dun, bagong gising at nagce-cellphone. Ngumiti lang ako kay mommy at umiling. Tinaasan nya ako ng kilay pero hindi na ako inusisa pa at lumabas na sa kwarto ko. May naisip kasi akong brilliant plan saka nakakatamad talagang pumasok.

Naligo na ako at nagbihis saka ginawa ang mga madalas kong ginagawa araw-araw. Nakita ako ni mommy nung bumaba ako at ayos na ayos. Nakakunot noong sinuri nya ako at bigla nalang tinaasan ng kilay.

“Hindi pumasok si Duke. Sa kanila ka ba pupunta?” may pang-aasar na sabi nya at napa-iling iling.

Ngumisi ako sa kanya at nag-wave. “Manghuhula ka na mom. Mukhang may future ka dyan. Bye, see you later.” sabi ko at umalis.

Syempre dahil may sakit si Duke my loves, hindi ko sya pwedeng pabayaan. Kaya napagplanuhan kong maging personal nurse nya ngayon. Nasabi ko na to kay Harley kahapon at pumayag naman sya. Syempre nagpaalam din ako kay Tita Elle at buti naman daw dahil aalis sila ni Tito King saka may pasok si Harley kaya walang magbabantay kay Duke my loves bukod sa maids.

“Sige, tuloy po kayo.” sabi nung isang maid pagkadating ko. Wala na sila at tulog pa si Duke kaya nag-ayos muna ako bago ako humarap sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto nya, halos mahimatay ako sa kilig dahil ang gwapo nya, ang bango ng kwarto nya at ang hot nya. Okay, may sakit sya at hindi ako pwedeng mag take advantage.

Ngumiti ako at kinuha yung dala ko kaninang kaldero at sandok na hiniram ko sa maid nila. Agad kong tinambol yung kaldero nung sandok kaya nakagawa iyon ng ingay at biglang bumangon ang gwapong si Duke mula sa kama nya. Ang cute!

Hindi ko inaalis ang ngiti ko habang sya naman ay kukurap-kurap pa habang tumitingin sa paligid. Ang shunga ko talaga, dapat hindi ganun ang ginawa kong paggising. Masesermunan na naman ako ni Duke my loves.

Nung naka-recover na sya sa gulat, tiningnan nya ako. Lagot! “Aha! Good morning, sunshine! Ang ganda ng umaga no? Kasing ganda ko. Ano pong kailangan mo ngayon, master?” biro ko. Pero sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

Ang sama ng tingin nya sa akin at ako ay awkward lang na nakangiti. Tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa tapos binalik ulit ang tingin sa mukha ko at dahil hiyang-hiya na ako ay nag-iwas na ako ng tingin.

“What are you doing here? And why are you wearing... that?” malamig nyang sabi tapos tinuro yung suot ko. Paano naman kasi  nagbihis pa talaga ako ng nurse uniform para mas feel.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon