Chapter XI

100K 1.2K 97
                                    

[11] The Treasure Hunt

 

-Audrey-

 Kinabukasan, ang aga na nagising ng lahat. Maski man ako, kaso ang kaibahan lang halos di ako nakatulog. Sino ba naman kasi ang makakatulog kung sa isang araw dalawa ang kinaharap mong disgrasya. Ang ingay nila dahil nagpaplano sila kung ano ang pwedeng gawin ngayon. Three days lang kasi kami dito.

“May treasure hunt contest mamaya, mukhang malaki ang price, sali tayo.” suggest ni Kuya Matt at pumayag naman sila.

Hindi ako umiimik. Buti nga hindi na sinabi pa ni Duke yung tungkol dun sa nangyari kagabi kundi malamang sirang-sira na tong bakasyon na to dahil sa akin. Pasimple ko lang tinitingnan si Duke, tahimik lang din sya, as usual.

Buti nga ngayon at hindi na sya nilalapitlapitan ni Princess dahil kahit anong daldal nung bruha sa kanya ay hindi sya pinapansin ni Duke my loves ko. Buti nga sa kanya, kaya ayun nakikisali nalang sya sa mga pagpaplano.

“Ang tahimik mo? Di ka pa ba makaget-over dun sa nangyari kahapon? Naku, kung alam mo lang kung gaano kita gustong sabunutan ngayon sa sobrang pag-aalala ko sayo. Pero at least okay ka na ngayon kaya, hindi na.” sabi sa akin ni Erica nung nasa kwarto na kami para maghanda dun sa treasure hunt na sinabi ni Kuya Matt.

“Sorry, inaantok din kasi ako.” sabi ko at bigla akong may naalala kaya agad ko itong itinanong sa kanya. “Sino nga pala yung nagligtas sa akin?”

Kahit alam ko na yung sagot, gusto ko pa din marinig iyon sa iba. Pang-pakilig lang, joke. Gusto ko lang malaman saka sa sobrang bigla ko kagabi ay hindi ko na napasalamatan si Duke, siguro susubukan ko syang kausapin mamaya.

Tinaasan nya ko ng kilay at umirap pa. “Si Duke mo, kung hindi ka talaga nya nakita dun malamang... ayy tama na. Wag ka nang kiligin dyan at magbihis ka na.” naiirita nyang sinabi dahil ang laki ng ngisi ko sa kanya.

Kinuha ko yung damit ko at pumunta ng bathroom para magbihis. Medyo dumadaldal na nga ngayon si Erica, mas okay na nga yun para mas magkaroon pa sya ng mga kaibigan.

Pagkatapos naming magbihis ay pumunta kami dun sa contest at magpapa-register. Si Kuya Matt ay nagpaiwan nalang dahil may aasikasuhin pa sya nung pinsan nya kaya kami-kami nalang ang pumunta. Mukhang enjoy na enjoy naman sila lalo na si Kuya dahil puro pambababae ang inaatupag.

“Kailangan daw partners! Sakto, six tayo. So, sino-sino ang magkakapartner?” sabi ni Princess at pasimple pang tumingin kay Duke  at ngumisi. Masyado syang assuming kung iniisip nya na gugustuhin syang makapartner ni Duke.

“Bunutan nalang.” suggest ko kasi baka mamaya pilitin pa nya si Duke na makapartner, aba hindi ata ako papayag dun. Kaya mas maganda na yung bunutan para wala ng angalan. Sana lang talaga wag yang bruhildang si Princess ang makapartner ko dahil malamang baka hindi kami makabalik ng buhay sa treasure hunt na to.

Buti nalang at pumayag sila kaya humingi sila ng papel at ballpen, saka kami nagbunutan. Kinabahan ako, okay lang talaga kahit sino pero mas okay kung si Duke my loves ang mabubunot ko.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon