Chapter XIV

99.8K 1.2K 122
                                    

[14] The Wheel of Fate

 

-Audrey-

December 24, 5pm. A week after our vacation. Wala namang masyadong nangyari dahil nagkulong lang ako sa kwarto ko, natulog at nag-facebook, twitter at insta sa buong linggo na yun. Umalis kasi si Duke my loves kasama yung family nya at hindi ko alam kung kelan sya babalik. I miss him na.

Ilang oras nalang bago magpasko at for the first time sa linggong ito ay lumabas ako ng bahay. Ewan ko pero parang sinasabi ng instinct ko na lumabas naman ako ng kwarto ko. Kaya eto ako ngayon at nakatambay mag-isa sa playground ng subdivision namin. Ang tahimik ng paligid at punong-puno ng makukulay na ilaw. Ang peaceful kesa sa bahay na puro kadaldalan ni Kuya ang naririnig ko.

“Alone?” sabi ng isang malamig na boses.

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na yun na nanggaling sa gilid ko. Napatayo ako sa swing at gulat na gulat na tiningnan ang taong yun. Nandito na sya? Kailan pa? Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko ang rare na ngisi nya.

“A-ah, ha?” parang tangang sabi ko sa kanya. Wala akong masabi, masyado akong nagulat sa presence nya at na-overwhelm din ako sa katotohanan na nandito na sya. Baliw na ba talaga ako?

Tumawa sya ng mahina at umupo sa swing sa tabi ko. Sinundan ko lang sya ng tingin at bago ako umupo sa swing na inuupuan ko kanina ay kinurot ko pa ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako at baka hindi talaga si Duke my loves ang kasama ko ngayon.

“Wanna go somewhere?” tanong nya sa akin at ngayon ko lang na-realize na sobra na ang pagtitig ko sa kanya. Pero ano daw yung sinabi nya?

“Ha?”

Okay masyado akong speechless dahil mula nung dumating sya ay wala na akong nasabi. Kumunot ang noo nya at bigla nalang akong hinila dun sa isang motorbike. So anong balak nya?

“Ah Duke? Anong meron?” sabi ko habang titig na titig dun sa motor nya. Madalas ko yung nakikita sa bahay nila pero ngayon ko lang nakita na ginamit nya yun. Nabaling ang tingin ko sa kanya at bakas sa mukha nya ang kalungkutan. Anong meron? Bakit malungkot ang si Duke my loves?

Gusto kong usisain yung problema nya pero mas pinili ko nalang na manahimik at hintayin yung sasabihin nya. Ganun naman kasi yung iba lalaki, kahit ano ang payo na sabihin mo sa susundin pa din nila yung gusto nila.

“I want to have fun and I don’t want to do it by myself. You are the first person that I saw, kaya ikaw nalang ang isasama ko.” sabi nya at nakita ko pa ang pagsimangot nya. Mukhang nahirapan pa sya sa page-explain sa akin.

Ngumisi ako. Masyado akong kinilig dun at masaya ako na ako ang pinili nyang makasama sa ‘fun’ na hinahanap nya. “Sus, Duke, wag ka ng magpakipot dahil alam ko naman na gusto mo lang akong makasama.” biro ko sa kanya. I wanted to lighten the mood. Gusto ko din syang pasayahin.

Inirapan nya ako bago umangkas sa motor nya. Nakita na namula ang tenga nya. Gusto kong matawa, it’s either na namula sya sa kilig o sa hiya. Ang daldal ko kasi talaga masyado, gusto ko lang naman na mapangiti sya pero mukhang nainis pa.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon