Chapter III

115K 1.6K 108
                                    

[3] The Other Side

-Audrey-

 

OMG! Hell week is over!

Sumalampak ako sa damuhan dito sa freedom park ng school, dito malayang nagkakasama lahat ng students ng NorthU at North High pero minsan lang ako pumunta dito dahil hindi din naman pumupunta dito si Duke my loves ko, ang arte kasi ni Kuya Aeron, hindi daw bagay sa katulad nyang gwapo na tumambay sa ganitong lugar. He’s sooooo... arte.

“Hala, Audz! Hindi ko nasagutan yung last part nung exam natin sa english. What to do? What to do? Baka bumagsak ako!” sabi ni Erica na nakasalampak din sa damuhan at niyuyugyog ako. Sobrang GC nya kasi kaya wag na kayong magtaka kung bakit sya ganyan.

“Let it go, Erica. Five points lang yun, may 95 ka pa.” sabi ko at sinuot ang earphone ko. Dahil sobrang yaman ng school namin, may free wifi kaya makakapag-open ako ng facebook account ko. Kailangan kong ibalita sa madlang ROYALS na sa Friday na ang masquerade ball at magpe-perform ang DARKER! Friday ngayon at isang linggo nalang ang hihintayin ko! I’m so excited kasi last year hindi um-attend si Duke my loves dahil may sakit sya.

Pagkabukas ko ng phone ko, nakita kong may text message ako kaya agad kong binuksan at halos maihagis ko yun dahil sa nabasa ko.

From: Harley my future sister-in-law

Ate Audrey! We’re at your place. We’ll be here for a week. See ‘yah! :)

 

Napatampal ako sa noo ko. Bakit ko ba nakalimutan na doon sa amin muna tutuloy sila Duke my loves? Akala ko naman kasi joke lang, naku pag nakita ko talaga si Harley, ililibre ko sya ng make over dahil nagiging cupid na naman sya sa amin ng masungit nyang Kuya.

Nag-facebook ako sandali and twitter para sa announcement then agad akong tumayo. Kailangan kong umuwi ng maaga! OMG! Yung puso ko parang lalabas na anytime sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. Nakakatulog na ako sa bahay nila dahil kay Harley pero iba na to dahil sa amin naman sya.

Tinapik ko si Erica na busy sa pagbabasa at nagtatakang tumingin sya sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong nya at binaba ang hawak nyang libro.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon