Chapter XV

96.7K 1.2K 92
                                    

[15] The Horror House

 

-Audrey-

 

Ang tahimik namin pagkatapos nung ride. Hindi pa din kasi ako nakarecover sa sinabi nya. Ikaw ba hindi kikiligin kung sabihan ka ng ganun ng taong mahal mo? Anak ng pakshet, nagwawala yung mga creatures ko sa tyan. Pero syempre hindi pwedeng ganito nalang kami, minsan lang mangyari ang ganitong ‘date’ na to kaya dapat maging masaya to at yun naman talaga ang purpose kung bakit kami nandito, ang pasayahin si Duke my loves.

Tumingin ako sa paligid at biglang napahinto ang tingin ko sa isang lugar. May naglight-bulb sa utak ko at agad kong hinila si Duke papunta dun.

“Duke! Kanta ka dali!” sabi ko nung makarating kami dun sa isang booth kung saan pwede kang kumanta tapos depende sa score mo, yun ang makukuha mong price.

Sumimangot sya at umiling pero pinilit ko pa din sya at inabot yung mic. Bumunot na din ako ng kanta at binayaran yun sa babaeng nandun.

“I don’t want to, Audrey.” sabi nya at tinabig yung hawak kong mic. Naglo-load na yung kanta at mukhang masasayang lang yung pera ko. Sinimangutan ko sya at pipilitin ko pa sana sya ng may kumuha sa akin ng mic.

“Miss, ako nalang ang kakanta para sayo.” sabi nung isang lalaki. Napakunot noo ako nung tiningnan ko ang pamilyar na mukha na yun pero hindi ko maalala kung saan ko iyon nakita.

Bago pa ako makapag-react ay may umagaw din ng mic sa kanya at nakita ko na hawak na iyon ni Duke. “Forget it, I will sing for you.” masungit nyang sabi at napangiti nalang ako at hindi ko na ulit napansin yung lalaki kanina dahil kakanta si Duke para sa akin. OMG! Heaven!

[Soldier - Before You Exit(media)]

“You got holes in your jeans
and few in your heart
You don’t know what it means to me, to watch you fall apart
Cause your broken and bruised, but I can hold you close.
I’ll take you in my arms tonight, just me and you.”

Natahimik ang paligid at halos mapuno ang booth na iyon ng mga nakapaligid na tao. Puro nga halos mga babae na kilig na kilig sa panonood sa kanya, ang ilan din kilala sya at todo picture pa. Ayokong sabihin to pero talagang nagsisisi ako na pinakanta ko sya, masyado tuloy syang na-expose sa mga naglalaway na babae na to.

Inirapan ko sila at parang gusto ko nang hilahin si Duke paalis dun pero naisip ko, hanggang tingin lang sila at hindi nila makukuha si Duke my loves. Samantalang ako ka-date ko pa sya. Oo ako na assumerang frog.

“Baby in a heart beat,
I’ll take you with me
I just wanna get to know you
You’re throwing me off beat
So I can’t breathe
I just wanna get to show you
If we’re falling apart
I will fight for your heart
I can be your shield
I will fight on the field
Baby when our life gets colder
I’ll be your soldier.
Na na na na na
I’ll be your soldier
Na na na na na”

 

Dumako ang tingin nya sa akin at nagulat ako ng bigla nya akong sinimangutan pero bakas dun ang pagpipigil ng ngiti. OMG! OMG! Mahihimatay yata ako sa kilig dito! Kill me now, please. Joke! Hindi pa ako pwedeng kunin ni Lord hangga’t hindi pa tuluyang akin si Duke.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon