Chapter XXIII

88.6K 1.2K 93
                                    

[23] The One That You Love

 

-Audrey-

“Ate Audz, let’s go to the mall!” masayang sabi sa akin ni Harley pagkapasok ng kwarto ko pero agad na nabura ang ngiti nya ng makita na ayos na ayos ako at may lakad.

Lumapit ako sa kanya at kinurot sya sa pisngi. “Sorry, Harley. May pupuntahan kasi ako. Next time, kay?” sabi ko at inayos yung mga gamit na dadalhin ko.

It’s been a week since that rain scene. Napapairap nalang ako sa kawalan kapag naaalala yun. Bakit? Kasi pagkatapos akong pakiligin ni Duke my loves, iniwan ba naman ako sa gitna ng ulan. Ano kaya yun? Kainis. Kaya halos isang linggo ko na din syang kinukulit at binaon ko na sa lupa ang time and space na sinasabi nya. Parang back to normal lang. Habol ako, iwas sya pero naghimala ang langit at hindi na nya ako madalas sungitan. Natatakot yata na ipagpalit ko. OMG! Enebe, kinikilig ako!

“Isama mo nalang ako sa pupuntahan mo!” excited na sabi nya at gusto kong mapairap nalang sa kakulitan ng batang to.

Ngayon gaganapin yung event na sinasabi ni Spade. Well, hindi naman sya gaanong kabonggahan na race na gaya ng sinasalihan ni Spade, parang purong katuwaan o hobby lang ang mga sumasali rito. Yung hindi competition talaga ang habol. Halos ilang buwan na din akong hindi nakapag-race kaya tuwang-tuwa ako ng malaman na meron palang gaganapin na event at mukhang maraming sponsors.

Madalas kasi pera lang ang price o kaya mga parusa naman sa talo. Purong katuwaan lang talaga o hobby gaya ng sabi ko kanina.

“Ate, please! Ang boring kaya sa bahay. Si Kuya umalis at si mom and dad, puro landian. Eww.” naiiritang sabi nya at natawa nalang ako.

Umiling-iling ako agad. Kahit gusto ko syang isama ay hindi pwede. Kung gusto kong protektahan ang sikreto ko, kahit sino o ano dapat tiisin ko. “Hindi pwede, Harley. Bawal bata dun.” natatawang sabi ko at nagmadali na para hindi na nya ko mapilit pero sadyang mapilit sya. Kung ang kuya nya lang ang ganyan, malamang siguro nagta-tambling tambling na ko dito. Kaso hindi eh.

“Saan ka ba pupunta? Sa gay bar? Bawal bata? Duh, ate Audz.” sabi nya at inirapan ako. Okay, may ugali rin pala sya na katulad ng kay Duke.

Tinapik ko sya sa balikat at ngumiti. “Promise, next time, all day tayong magma-mall. Kay?” sabi ko at kinuha yung bag ko bago nag-wave sa kanya papaalis. Wala na syang nagawa kaya sinimangutan nya nalang ako. Yan ang hirap kapag wala ka nang iba pang kapatid, lalo na at isang babae lang sya. I hope Tita Elle and Tito King can have another angel. Wag sana kasing evil ni Duke.

Maya-maya ay nakarating na ako. Usapan namin na dito nalang kami magkikita ni Kieth. Marami-rami na din ang tao.

First time ko nga lang makasali sa malaki-laki na event na gaya nito, madalas wala pa sa 100 ang nanonood sa amin pero ngayon ay mukhang nasa 300 na ang mga tao. Ang lakas talaga ng hatak ni Spade at napapansin ko nga ay puro mga babae ang nandito. Mukhang mas interisado kay Spade kesa sa race ang mga ito.

Nandito ako ngayon sa racing field na pinagdalhan sa akin ni Spade nung una kaming nagkakilala. Mas malaki ito sa mga field na ginaganapan ng event namin. Kabado ako pero puno ng excitement ang puso ko, gusto ko kasi nacha-challenge ako. I love challe-- wait! Stop, I hate challanges pala. Hay, Duke, why are you doing this to me?

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon