Chapter XXXIII

70.8K 1.2K 131
                                    

[33] The Judgments                     

-Audrey-

Nagising ako dahil sa pagkatok ng isa naming katulong. Ang sabi nya ay bumangon na ako dahil may pasok pa. Gusto ko nga syang sugurin dahil sobrang sakit ng ulo ko sa puyat at sa nainom ko kagabi. Wala na sana akong balak bumangon ng biglang may kumatok ulit at napabangon na ako sa inis para buksan iyon.

“What?” galit na utas ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sumalubong sa akin si Kuya Aeron na nakangisi na naman, as usual.

“Get up, sleepyhead.” sabi nya at napataas ang kilay ko. Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan sya. Mukha syang normal at parang hindi naglasing at nagbasag ng vase kahapon.

“Why are you looking at me like that?” tanong nya at umiling-iling nalang ako at sinaraduhan sya ng pinto.

“Ugh! Brat, bumaba ka na. May pasok ka pa.” pahabol na sabi nya at narinig ko ang yabag nya na papalayo sa kwarto ko.

Mariin akong pumikit at sumalampak ng higa sa kama ko. “Oh, it’s time to face the wonderful day.” bulong ko na punong-puno ng sarkasmo.

Pagkatapos kong mag-ayos at kalmahin ang sarili ko ay bumaba na ako. Wala na si Kuya. Mas mabuti na yun at malamang ay aasarin na naman nya ako.

Pinili kong pumasok nalang para i-ready ang sarili ko. May tatlong oras pa ako bago umuwi at kausapin si Duke. Siguro pwede na yung tatlong oras na iyon para makapag-isip.

“Halos isang buong araw nga ako nag-isip kahapon pero walang nangyari. Ano pa kaya ang magagawa ng tatlong oras?” I mumbled to myself. Napabuntong-hininga nalang ako habang pinapanood ang mga buildings na nadadaanan namin papuntang school.

Bigla akong kinabahan habang papalapit na kami sa gate ng school. Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayong araw pero binalewala ko agad yun. Siguro ay masyado lang ako kabado sa pagharap ko kay Duke.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay pakiramdam ko ay parang ang daming nangyari kahit hindi naman talaga. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at nagpaalam na sa driver namin.

Dirediretso ako sa paglalakad sa hallway. Nakakapanibago dahil parang ang tahimik dito pero siguro ay masyado lang ako maagang pumasok saka wala naman talagang ginagawa na ngayon.

“She’s here!” may narinig akong sigaw sa likod ko. Hindi ko na sana iyon papansinin kaso nagulat nalang ako ng maramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko.

Napayuko ako at napapikit sa gulat. Nung dumilat ako ay nakita ko ang blouse ko na puti na ngayon ay halos brown na at basang-basa. Nabuhay ang galit sa sistema ko at agad na hinanap kung saan nanggaling yun.

Napaatras ako ng makita na pinalilibutan ako ng mga babae. Nakita ko doon si Princess at ang mga alipores nya pero ang mas ikinagulat ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko at kapwa ko Royals na ang sama ng tingin sa akin.

Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan na tingnan ako ng ganyan ng ibang tao. Bakit nila iyon nagawa sa akin? Nagsalita ang isa sa kanila at iyon ang naging kasagutan sa tanong ko.

“You bitch! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang Darker! Kulang pa iyan sayo.” sigaw nung isa na may hawak na timba na sa tingin ko ay ang bumuhos sa akin.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nag-quit si Duke! Akala mo kung sinong fangirl lang pero ang totoo gusto mo lang sayo lang si Duke. Malandi ka kaya umalis si Duke dahil binigyan mo sya ng dahilan para gawin yun.” galit na utas ni Princess sa akin.

Nagliyab sa galit ang mga mata ko. Malamang sya ang dahilan nito. Malamang sya ang nagsabi sa lahat na ako ang dahilan ni Duke kaya sya umalis. Hindi naman ako di ba?

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon