Chapter XXVII

81.3K 1.3K 312
                                    

[27] The Wish

 

-Audrey-

Pakshet.

Ako lang ba at masyado akong paranoid o talagang iniiwasan nya ko? Dalawang linggo na ang lumipas matapos yung birthday ko at sa buong dalawang linggo na dumaan ay hindi nya ako kinakausap. Ilang beses kong sinubukan na lumapit pero umiiwas talaga sya. Now tell me, paranoid lang ba talaga ako? Hay, Duke my loves.

                                                                                   

“Baka naman busy lang kaya hindi ka na gaanong nakakausap.” sabi sa akin ni Erica nung huli kaming nagkausap at naikwento ko sa kanya yun.

Nagkakausap na din kami ni Erica dahil binati nya ako nung birthday ko. Simula noon ay nagtatawagan na kami pero ayaw nya talagang sabihin sa akin kung nasaan sya at kung ano ang lagay nya. Hindi na din ako nangulit kasi baka ayaw nya talaga.

Sa sinabi nya parang napanatag ako. Baka nga busy lang sya. Saka sino ba naman ako para kausapin nya lagi, di ba?

Binigyan ko sya ng ilang araw bago ko sya pinuntahan sa bahay nila at nakipagkulitan muna kay Harley habang hinihintay siya. Ang alam ko may gig sila at hindi ako nakapunta dahil inatake ako ng LBM pero buti na lang ay wala na.

“Hmm, Ate Audz? You know what, Kuya Duke is acting weird this past few days. Alam kong weird na sya pero mas lalong naging weird. You know... strange.” sabi sa akin ni Harley. We’re baking cookies habang naghihintay.

Nagkibit-balikat ako. “Ganun naman talaga sya di ba? Baka busy lang talaga.”

Sya naman ngayon ang nagkibit-balikat. Maya-maya ay narinig ko na ang boses nya at naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagpaalam ako kay Harley at dumiretso papunta kay Duke. Nakita ko syang paakyat kaya sinundan ko sya. Pumasok sya sa music room nila kaya dumiretso din ako doon.

Ang laki ng ngisi ko pero nawala din iyon ng malamig na tumingin sya sa akin. Binalewala ko nalang iyon at pinilit ulit na ngumiti. “Hi Duke! Labas tayo!” aya ko sa kanya. Miss ko na talaga kasi sya.

Hindi nya ako pinansin at parang hindi nya man lang ako narinig. Nilagpasan nya ako at lumabas ng music room.

Napakunot-noo ako. Ano ba talagang problema nya? Agad ko syang sinundan sya kwarto nya. Isasara nya na sana ang pinto pero agad akong nakaharang kaya wala na syang nagawa kundi hayaan ako. Hindi pa din nya ako pinapansin at dire-diretso na pumunta sa isang malaking cabinet para siguro kumuha ng damit.

“Labas na tayo, Duke! Kung ayaw mo si Spade nalang ang isasama ko.” banta ko. Alam kong sobrang childish nun pero gumana naman iyon last time kaya sana gumana din ngayon.

Kaso mukhang mali ako dahil hindi pa din sya nagsasalita at parang wala lang pakialam. Hinubad nya ang shirt nya sa harap ko. Nanlaki ang mata ko. Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa nasuot nya na yung isang plain black shirt na kinuha nya kanina.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon