Chapter XXXV

68.2K 1.1K 133
                                    

[35] The Phone Call                   

-Audrey-

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko pero napapikit din agad ako dahil sa pagkasilaw sa liwanag. Ilang beses akong dumilat at pumikit bago tuluyang makapag-adjust yung mata ko. Pinakiramdaman ko yung sarili ko at wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit ng ulo ko.

Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na nasa clinic ako ng race field. Sinubukan kong maupo at agad akong nakaramdam ng hilo. Tumingin ako sa salamin na nasa gilid ko at nakitang namamaga ang mga mata ko.

Bumalik sa akin ang nangyari kanina at halos mataranta ako ng maalala ang huling nangyari. Walang kontrol yung sasakyan ko at pabangga na ako. Chineck ko ang katawan ko at buong-buo pa naman ako at walang galos. Hindi kaya patay na ko?

“Pakshet.” mahinang utas ko at sinampal-sampal pa yung sarili ko pero okay pa naman ako bukod sa matinding headache na nararamdaman ko na malamang ay dulot ng matinding pag-iyak ko.

“Fuck you, Duke. Wala kang malalaman sa akin tungkol kay AD. Iniwan mo sya kaya wala kang pakialam kung okay sya o hindi ngayon.”

Nabaling ang tingin ko sa ingay galing sa labas. Boses iyon ni Kieth at hindi ako pwedeng magkamali, si Duke ang kausap nya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong bumalik ng higa at pumikit.

“Sinabihan ko si Harley na wag magsalita, lalo na sayo. Sinabi man nya na naaksidente si Audrey pero hanggang dun nalang yun. Kung gusto mong malaman na okay sya o hindi, pumunta ka dito.” malamig na utas ni Kieth at parang nabuhay ang loob ko. Nag-aalala kaya sa akin si Duke?

Wala nang nagsalita kaya dumilat na ako. Nakita ko si Kieth na nakatulala at ang ikinagulat ko ay kasama pala nya si Harley na nakatingin sa akin.

“She’s awake!” tili nito at dumiretso papunta sa akin. Napakunot-noo ako at kinabahan. Alam na nya kaya ang sikreto ko? Isinawalang-bahala ko muna iyon at gusto kong malaman kung anong sinabi ni Duke.

Binaling ko ang tingin ko kay Kieth na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. Tumayo ako at nilapitan sya. “Kieth, si Duke ba yun? Anong sabi nya? Nag-aalala ba sya sa akin? Dapat--”

Bago ko pa matapos yun ay nagulat nalang ako ng bigla nya ako hawakan sa magkabilang balikat at alugin ako.

“Bakit ka ba ganyan, Audrey? Halos muntik ka nang mamatay pero puro Duke ka pa din. Sa tingin mo ba si Duke lang ang nag-aalala dito? Shit lang, Audrey. Akala ko mamamatay din ako nung makita kong pabangga ang sasakyan mo. Anong sasabihin ko sa magulang mo kapag may nangyari sayo masama, ha?! Tapos ngayon si Duke pa ang mas iniisip mo. Paano naman kami na nasa paligid mo? Tirahan mo naman yung sarili mo, Audrey. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na gumana yung break bago ka  bumangga.” galit na utas nya sa akin at halos pabulong na nya sinabi yung huli. Kita ko ang mga luha nya sa kanyang mata na agad nyang pinahid.

Napatulala lang ako sa mukha nya. Ngayon ko lang kasi sya nakita na ganun. At sobrang na-guilty talaga ako dahil tama sya. Masyado na yata akong naging selfish sa nararamdaman ko ngayon.

“Kuya Kieth, calm down. Ate Audz, upo ka muna tatawagin ko lang yung nurse.” sabi sa akin ni Harley at agad ko iyong sinunod at umupo muna sa kama na hinigaan ko kanina.

Umupo naman din si Kieth at nakatakip yung dalawang palad nya sa mukha nya. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya saka tumabi. Kinuha ko yung isang kamay na nasa mukha nya saka hinawakan iyon.

Hindi sya tumingin sa akin pero hinayaan nya lang ako sa ginagawa ko. “Sorry, Kieth and thank you. Hindi ko kasi alam. Hindi ko makontrol yung nararamdaman ko. This feeling is driving me crazy. Halos hindi ko na naiisip ang sarili ko at ang gusto ko lang ay mapansin nya. Siguro naranasan mo nang magmahal sa tao na halos hindi mo malaman kung saan ka lulugar sa buhay nya.” malumanay na sabi ko at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at ngayon ay nakatitig na din sya sa akin. “Yes, yun din ang lagi kong nararamdaman sa babaeng matagal ko nang gusto.” mahina nyang saad at napatango nalang ako. Gusto kong tanungin kung sino yun pero hindi ko na ginawa. Ang alam ko lang ay crush nya noon si Erica.

Magsasalita pa sana ako ng tumayo sya at bitawan ang kamay ko. Huminga sya ng malalim at parehas kaming napatingin sa pintuan na bumukas. Dumating na si Harley kasama yung isang babae na sa tingin ko ay nurse.

“Don’t worry, walang alam si Harley o sino man sa sikreto mo.” bulong sa akin ni Kieth bago lumabas.

Chineck ako nung nurse at nagtanong ng kung ano-ano. Ang sinabi ko lang ay masakit ang ulo ko at ang sabi nya ay baka sa matagal lang na pag-iyak at kulang sa tulog. Nahimatay daw ako kanina dahil sa sobrang stress. Pagkatapos kong uminom ng pain reliever ay umalis na sya. Pwede na akong umalis maya-maya.

Alas-tres na ng hapon at hindi pa din ako nakakapag-lunch kaya siguro dumagdag sa sakit ng ulo ko. Buti nalang talaga ay may dalang pagkain si Harley.

“Sorry, Ate Audz.” mahinang utas nya habang nakatingin at kumakain ako.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi nya. “Para saan?” tanong ko nang malunok ko na ang kinakain ko. Wala na si Kieth at hindi ko alam kung saan sya pumunta. Kaya naiwan nalang ako dito kay Harley.

“Kasi kung hindi namin sinabi sayo ni mommy na umalis si Kuya ay hindi ka magkakaganito.” naiiyak na sinabi nya at agad ko syang nilapitan para yakapin. Ang masayahin na si Harley ay umiiyak sa harap ko ngayon. Nakakainis talaga si Duke, ang dami na nyang napapaiyak sa amin. Kung mahal na nya sana ako eh di sana lahat kami masaya ngayon.

“Shh, wala kang kasalanan. Ako. Pinili ko ito kaya ako dapat ang sisihin. Smile, Harley.” untag ko sa kanya at pinunasan ang pisngi nya. Ngumiti naman sya at tumango.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko ng magsalita sya ulit. “We lied, Ate Audz.”

Napaangat ang tingin ko sa kanya, nagtataka sa sinabi nya. “Hindi ko to dapat sinasabi sayo pero hindi ko kasi kayang tingnan ka ng ganyan. Hindi ko alam kung bakit ganito kayo kakumplikado dahil sa tingin ko ay gusto ka naman din ni Kuya Duke.” paliwanag nya na mas lalong ipinagtaka ko. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pagkarinig palang ng pangalan nya.

“What do you mean?” naliliit na matang tiningnan ko sya.

Huminga sya ng malalim bago magsalita. “Yes, it’s true na nandoon si Kuya sa Cebu pero hindi sya pumunta doon para mag-aral and hindi totoo na hindi namin alam kung nasaan sya. Sa tingin mo ay mapapayagan yun nila Mom and Dad?” sabi nya habang umiiling. Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sya sa pagsasalita.

“Nandun sya para ayusin yung business namin doon. Noon pa man sa kanya inaalok yun ni Daddy pero hindi nya tinatanggap hanggang sa kahapon nagulat nalang kami ng sinabi nya na pupunta sya ng Cebu para asikasuhin yun tapos agad-agad pa yung flight nya. Kanina ko lang din nalaman na nag-quit sya sa Darker. Sya din ang nagsabi na kapag may naghanap sa kanya ay sabihin namin na hindi namin alam kung nasaan sya at matatagalan sya.” dagdag nya at napatulala lang ako sa sinabi nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at pakiramdam ko ay naiiyak na naman ako. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya, Ate Audz. He’s too complicated.”

Natahimik kami hanggang sa marinig ko nalang ang isang phone na nagri-ring. Pamilyar ang ringtone at malamang ay akin yun. Hinanap namin kung nasaan iyon at inabot naman sa akin ni Harley nung nakita nya.

“Unregistered number.” bulong ko ng makita ang caller id bago ko iyon sinagot.

“Hello?” bungad ko pero tahimik lang sa kabilang linya. Ang tangi ko lang narinig ay ang malalim na pagbuntong-hininga. Mukha syang nakahinga ng maluwag na hindi ko malaman.

“Hello? Who’s this?” tanong ko ulit pero walang sumagot. Ibababa ko na sana ng may marinig akong tinig na nagpahinto yata sa tibok ng puso ko. His voice. Punong-puno ng relief ang boses nya nung sinabi nya iyon.

“Thank God, you’re okay.”

*

Comments? :)

Tweet me: @heyairaaa #TCAY

Kieth[media]

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon