Chapter VII

105K 1.3K 57
                                    

[7] The Little Things

-Audrey-

Wednesday. Two days before the masquerade ball. Puno ng sigla ang paligid, lalong-lalo na ang mga babae na halos magpa-bonggahan sa isusuot nila sa gabing yun. Excited na din ang lahat dahil makakasama na din nila sa isang event ang mga crushes nila sa NorthU.

“Bakit mukhang naglalamay yang itsura mo? Hindi ka ba excited dahil makakasama mo ang Duke  my loves mo.” tanong sa akin ni Erica at talagang ginaya pa yung tono na ginagamit ko sa tuwing sinasabi ko yung, ‘Duke my loves’.

Pabirong inirapan ko sya. Kasi naman wala na sa bahay si Duke kasi maagang napauwi sila Tita Elle kasi nagkasakit sya. Hindi pa nga kami nagle-level up tapos umalis na sya agad. Yung huling pag-uusap namin ay nung nag-grocery kami na nauwi sa disaster dahil hindi natuloy kasi nagwala yung mga creatures ko sa tyan at tinawag ako ni mother earth.

“Ate AD!” napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si.. sino nga ba to? Basta isa sya sa members ng Royals.

Pagkalapit pa lang nya sa akin ay dapat itatanong ko na kung anong kailangan nya pero imbes na makapagsalita ako ay bigla nya akong inalog. Parang kilig na kilig pa sya.

“Ate! Di ba tutugtog mamaya ang Darker sa STG?” tanong nya at buti nalang at pinigilan sya ni Erica sa kakaalog sa akin. Ano ba itong batang ito, hihiluhin ata ako sa alog nya.

Oo nga pala, magpe-perform mamaya ang Darker sa restobar ni Kuya Matt, yung STG. Di ba sabi ko nga, every Saturday and Wednesday ang sched nila dun.

“Oo, why?” balik tanong ko dahil alam naman ng lahat na ganun talaga ang sched ng Darker lalo na kung Royals sya dapat alam nya yan kaya bakit nya pa kailangan itanong.

Ngumuso sya sa akin at tinuro nya si Kuya na busy sa pakikipaglandian sa isang cafe malapit dito sa freedom park na pinagtatambayan namin ngayon ni Erica.

“Babaero.” dinig kong sabi ni Erica kahit mahina lang ito samantalang ako napataas nalang ng kilay dahil para sa akin normal nalang ang view na ganyan kasi halos araw-araw ko yang nakikita.

“Sabi kasi ni handsome Aeron, hindi daw sya pupunta mamaya.” sabi nya at agad naman na tumakbo paalis kasi may tumawag na sa kanya. Napailing nalang ako sa kalokohan ni Kuya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon