Chapter XIX

93.1K 1.3K 174
                                    

[19] The School Fair

 

-Audrey-

Wednesday. Day 1. School Fair.

Maingay, nagkakagulo at lahat masaya habang ako dito nasa tabi lang mag-isa. Nakaupo lang ako at busy sa pagtunganga at paglantak sa popcorn na binili ko kanina.

Well, mula kanina nung dumating ako ngayon lang ako nagkaroon ng alone time. Paano ba naman kasi masyadong ginulo ng Royals ang mundo ko. Selfie dito, daldal doon, chika-chika din tapos kung ano-ano pa. Buti nalang talaga natakasan ko sila.

May bigla akong naalala na sinabi sa akin ng isa sa mga co-Royals ko. Dapat talaga babalewalain ko na lang yun pero hindi ko alam kung bakit ako ganito ka-affected. Simula nung marinig ko yun parang bigla akong nabagabag.

“Nagpunta ako kanina sa booth ng Darker. Grabe ang hatak nila! Pero teka, guys, napansin nyo ba kanina? Ang weird lang ni Duke, really weird.”

 

Tinanong ko sa kanila kung ano yung weird pero nagkibit-balikat lang sila. Hay, baka wala lang yun, di ba?

3pm na at hindi man lang ako nakapasok sa booth nila. Lagi kasing puno ng tao at ayoko namang makipagsiksikan. Malapit na ang last performance nila sa booth, yun talaga ang pinakaabangan ng lahat. Bakit? Kasi may three lucky girls silang pipiliin after nun tapos isasayaw nila. Kaya malamang talagang punong-puno yung booth nila ngayong oras dahil marami ang gustong maging isa sa tatlong swerteng babae na yun.

Gusto ko din namang maging isa dun pero sa tingin ko wag nalang. Matapos kong mag-walk out kahapon kay Duke ay parang wala na akong maihaharap sa kanya. Oo, pagkasabi nya nung banat nya na seryoso daw sya nung sinabi nya na wag akong umalis ay umalis ako sa harap nya. Kasi kapag hindi ko ginawa yun malamang baka sumabog ako sa kilig sa harapan nya.

Nag-vibrate ang phone ko at nung tiningnan ko kung sino ang tumatawag ay napataas ang kilay ko. Ano namang kailangan ni Kuya sa akin? Aba, may oras pa syang tawagan ako eh sobrang busy nila sa booth nila ngayon.

Pagkasagot ko ng tawag, tumambad agad sa tenga ko ang ingay doon. Geez, Kuya is really stupid sometimes. Tatawag sya tapos hindi man lang sya umalis dun sa crowd. Nagsasalita sya pero hindi ko maintindihan hanggang sa humina na yung ingay at mawala na. Buti nalang na-realize nya na hindi talaga kami magkakarinigan ng ganun.

“So, what’s up?” cool lang na sabi ko habang ngumunguya pa ng popcorn. Hmm, parang gusto ko din ng cotton candy.

“Hey, panget. Gusto mo bang mapanood ang last performance namin? VIP?” sabi nya na talagang nagpataas ng kilay ko. As in sobrang taas talaga. What did he just say? Feeling ko parang namali yata ako ng dinig.

“Anong meron, Aeron Valiente? Alam kong may kailangan ka, ano bang balak mo? Spill it.” inip kong sabi pero curious din ako. Gusto ko din naman mapanood ang last performance nila at kung seswertihin baka ako pa ang mapili ni Duke my loves.

“Tricky sister.” sabi nya ng tumatawa at umirap nalang ako kahit hindi nya naman nakikita. “Isa lang naman ang kailangan mo, bring Erica here and the VIP seats, Darker updates and my one and only guitar are all yours.” dugtong nya. Alam kong habang sinasabi nya yun ay sobrang laki ng ngisi nya. Napakunot-noo ako. Halos magpakamatay ako sa harap nya para lang makuha ang gitara nya na puro sulat ni Duke pero hindi nya binibigay pero ngayon.. tsk may balak talaga to.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon