Chapter XVII

93.5K 1.2K 126
                                    

[17] The Way You Look At Me

 

-Audrey-

“OMG!! School fair na Wednesday. Kaya excited ako sa last three months dito sa North High kasi ang daming events.”

First day ng class ngayong taon tapos ayan agad ang bungad sa akin ng mga students dito. Ito ang masayang parte sa North High kahit sobrang higpit ng school na to, maraming events sa last three months namin dito at syempre kasama dun ang NorthU.

Busy ako sa pagfa-facebook at twitter dahil wala pa naman yung teacher namin. Nakakatamad naman kasi talagang pumasok dahil may school fair or intramurals na agad sa Wednesday. So bakit pa kailangang magklase?

Nagpost muna ko ng status sa FB bago maglog-out:

No booths muna ko this year. I will enjoy my last year here in North High. Magfa-fangirl muna ko sa Darker and bonding with co-Royals. :)

 

Hmm, papasok pala ako mamaya ng NorthU dahil mag-aayos na sila Kuya ng booth nila para sa school fair. Disco booth, dun mo sila makakabonding at sinasabi ko lang, lagi yung puno at di nawawalan ng tao kaya wag na kayong magtaka kung iyon ang booth na may pinakamataas na kita tuwing fair.

“Ang lakas ng ulan sa labas. Sana naman wala na yan sa school fair natin.” sabi ni Erica na nasa katabi ko, nakatingin sya sa may bintana.

Oo nga ang lakas ng ulan, saradong-sarado kasi ang room namin kaya hindi maririnig ang ingay sa labas. Sana nga wala nyan sa school fair para mas ma-enjoy namin.

“Ano bang booth mo o may sports ka ba na sasalihan ngayon?” tanong ko kay Erica dahil tuwing ganitong may event madalas kaming hindi nagkakasama. Last year kasi sumali sya ng swimming at ako may booth kaya halos hindi kami nagkita sa three days na yun.

Nagkibit balikat sya. “Photo booth kasama yung ibang scholars ng North High. Ikaw anong balak mo?” tanong nya at inilabas ang gamit para sa first subject namin sa hapon na yun. Simula kanina iilan palang ang pumasok sa amin na teachers.

“Wala, ang totoo hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa school fair. Go with the flow nalang siguro. Last naman na natin to as a highschool student.” sabi ko habang nakapangalumbaba at nakatitig sa building ng NorthU na tanaw na tanaw dito sa room namin. Hay, Duke my loves.

Napabuntong-hininga ako at bigla ko nalang naalala ang mukha ni Spade Sarmiento. Napailing nalang ako nang naulit sa utak ko yung sinabi nya sa akin bago kami maghiwalay nung gabing yun.

“Kapag kailangan mo ng kakampi. I’m here, at your service.”

 

Kung makasabi sya ng kakampi para naman akong sasabak sa gyera nyan. Natapos ang oras ng subject namin ng di dumadating ang teacher namin. Sus, boring nito.

Napagpasyahan ko nalang na di na pumasok sa next subject dahil malamang wala na namang papasok na teacher nyan. Ang boring sa room kaya pinilit ko si Erica na sa caf nalang kami mag-stay kasi huminto na din ang ulan at medyo maaraw na.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon