Chapter XLIX

50.2K 1.1K 145
                                    

[49] The Childhood Best Friend

-Audrey-

“OMG! Duke!” tili ni Aleyna at patakbong lumapit kay Duke at saka ito niyakap.

Bakas sa mukha nito ang gulat at hindi ko alam ang dapat gawin sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay epal lang ako doon pero mas pinili kong manood at makinig lang sa tabi.

“I missed you so much.” sabi ni Aleyna at kitang-kita ng dalawang mata ko ang takas na luha sa mga mata ni Duke at saka niyakap pabalik si Aleyna.

Pumikit ako sa hilo at kirot na nararamdaman ko. Masakit na nga ang ulo ko, pati ba naman puso? Hindi ba dapat masaya kami ngayon? Bakit ang bilis bawiin? Ganito nalang ba lagi? Kapag masaya kami, bigla nalang may problema agad na darating?

“You’re real. You’re really here.” hindi makapaniwalang sambit ni Duke.

Nang idilat ko ang mga mata ko, para lang akong nanonood ng isang love story kung saan nagkita ang dalawang nagmamahalan. At ako? Pakiramdam ko ay ako ang kontrabida ngayon.

“Yes, I’m here.” sagot ni Aleyna at bumitaw sa pagkakayakap pero hindi pa din sila naglalayo. “So, how are you?” tanong nito.

Tinitigan ko sya. Parang anghel ang mukha nya at para syang model. Mukha din syang mahinhin at babaeng-babae. Malayo sa akin. Ganyan ba ang tipo ni Duke? Hay, inaatake na naman ako ng insecurities ko.

“I’m good. You? I thought you will never come back.” mahinang untag ni Duke at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang manood.

Oo, martyr ako pero sobra na to. Tama na. Umatras ako para umalis na sana pero kung minamalas nga naman, ngayon ko pa nasagi yung vase at nabasag pa. Pareho silang napalingon sa akin at agad akong tumalikod at umupo para damputin yung nabasag.

Baka makita nilang umiiyak ako. Ayoko. “Sorry, sige tuloy nyo lang yan.” sabi ko at pinilit ko talagang sabihin iyon ng diretso.

Mabilis kong dinampot yung mga basag na piraso ng vase pero sa kakamadali ko ay natataranta na ako kaya nasugatan tuloy ako. “Damn, ang malas-malas ko talaga.” inis na bulong ko.

Ginamit ko ang isang kamay ko para pahidan yung mga luha na tumulo sa pisngi ko. Masakit na nga ang ulo ko, pati puso, pati ba naman katawan? Torture talaga no? Mahal na mahal ako ni kamalasan.

Itutuloy ko na sana ang pagdampot ng maramdaman kong may humila sa akin patayo. “What do you think you’re doing?” iritadong sita sa akin ni Duke habang nakatingin sa isang daliri ko na may hiwa at dumudugo.

Agad kong binawi ang pagkakahawak nya sa kamay ko at napatingin kay Aleyna na nakatingin sa aming dalawa. Yumuko ako at tinago ang kamay ko. “Okay lang ako.” sabi ko at ambang aalis na sana pero pinigilan ako ni Duke.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

“Kukuha ako ng walis. Lilinisin ko lang ito at baka matapakan nung mga bata.” sabi ko at tinuro pa yung mga bubog.

Ramdam ko na ang paghapdi ng sugat ko kaya napapikit ako. “Ouch.” mahinang daing ko at tiningnan ang kamay ko na kumakalat na ang dugo.

Narinig ko ang pagsinghap ni Duke at nagulat ako ng bigla nya akong hilahin at iniwan si Aleyna doon sa sala ng mag-isa.

“Teka, Duke.” tawag ko pero hindi sya nagpapigil at pinaupo ako sa upuan doon sa kusina.

May kinuha sya sa isang cabinet doon at nakita ko kaagad na first aid kit iyon. Kinuha nya ang kamay ko at dahan-dahan na ginamot.

“Napaka-clumsy mo. Hindi mo iniingatan ang sarili mo. You always make me worry. May sakit ka na nga tapos eto pa. Tsk.” iritadong sermon nya sa akin.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon