Chapter LV

53.3K 1.2K 201
                                    

[55] The Last

-Audrey-

Nagmamadali kaming pumunta ni Spade sa bahay nila Duke. Hindi ko nga alam kung bakit sumama pa sya pero sa tingin ko kung makikita ko si Duke dun ay kakailanganin ko si Spade.

Sumakay na kami sa sasakyan nya para mas mabilis kami. “Ano kayang nangyayari?” nag-aalalang tanong ko dahil bigla ko na naman naalala ang pag-iyak ni Harley.

“Hindi ba sasakyan yun ni Duke?” sabi ni Spade nung makasalubong namin yung isang itim na sasakyan. Sinundan ko lang iyon ng tingin at binalewala.

Agad akong dumiretso papasok sa bahay nila nung makarating kami at sinalubong agad ako ng yakap ni Harley at ramdam ko ang paghagulhol nya.

Habang pinapatahan ko sya ay hinanap ng mga mata ko si Tita Elle or si Tito King.

“Gusto kang makausap ni mommy.” bulong sa akin ni Harley at dinala ako sa may garden nila.

Wala akong masabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin or tatanungin ko. Nakita ko din si Spade na nakasunod sa amin. Habang papalapit kami sa garden nila ay dinig na dinig ko ang pag-uusap ni Tita at Tito.

“Hindi na dapat natin sya ipasok dito, Hailey.” dinig kong sabi ni Tito King kay Tita Elle.

“Please, dapat nyang malaman to. Sya lang ang makakapagpabago ng isip ni Duke.” iyak ni Tita Elle.

Ang pagkakarinig palang ng pangalan ni Duke ay nagbibigay na ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko. Masyado na akong naguguluhan.

“Mom, Dad.” pagpasok ni Harley sa usapan at parehas silang napalingon sa amin.

Bumuntong-hininga si Tito King at malungkot kaming tiningnan. “Bahala na kayo.” sabi nito at umalis doon.

Napatingin ako kay Spade na nakatingin din sa akin. Parang naguguluhan din sya sa mga nangyayari.

“Tita..” tawag ko at lumapit sa kanya.

Umupo sya sa upuan doon at umupo ako sa harap nya. Mukhang hinang-hina na sya sa kakaiyak. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

“Mom, tell her.” umiiyak na sabi ni Harley at napatingin ako kay Tita Elle na hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Audrey, sorry sa lahat lalo na sa pagpapasok ko sayo dito pero sa tingin ko ikaw lang ang magpapabago sa isip ni Duke. Umalis sya, Audrey. Iniwan nya kami. Please, pigilan mo sya. Kulang ang oras para ipaliwanag ko ang lahat pero pangako ko kapag napigilan mo si Duke sa pag-alis nya, sasabihin ko ang lahat.” pakiusap nya at patuloy pa din sa pagtulo ang luha nya.

Mas lalo akong naguluhan. Aalis? Iniwan? Si Duke? Masyadong komplikado ang pagkakasabi ni Tita Elle na mas lalong nagpagulo sa akin.

“Papunta na syang airport ngayon, Ate Audz. Pigilan mo sya, please. Nagmamakaawa kami sayo. Sayo lang yun makikinig.” iyak sa akin ni Harley.

Binawi ko ang kamay ko kay Tita Elle at nakita ko ang pagkabigo sa mga mata nila. “Wala pong pakialam sa akin si Duke, kaya imposibleng sa akin sya makikinig.” hindi makapaniwalang sambit ko at may bahid pa ng pait.

Nakita ko ang dali-daling pag-iling ni Tita Elle. “Hindi, kilala ko si Duke. Ikaw lang ang babaeng minahal nya. Duwag sya, Audrey, kaya tinalikuran ka din nya. Nakikiusap ako, please, habulin mo sya.”

Hindi ko namalayan na naiiyak na din pala ako habang pinapanuod sila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako pero gusto ko silang tulungan. Sobra-sobra ang pakikiusap nila sa akin at ang tanging paghabol kay Duke lang ang tangi nilang gusto kong gawin.

Matagal ko nang hinahabol si Duke tapos ngayon pa talagang pinakakailangan saka pa ako susuko?

Naramdaman ko ang kamay ni Spade sa likod ko at nagulat ako ng inabot nya sa akin ang susi ng sasakyan nya. “Go.” sabi nya at matagal akong tumitig yun bago ko iyon tinanggap.

Narinig ko ang pagsinghap ni Tita Elle at Harley. Tumayo ako at tumingin sa kanila bago tuluyang umalis. “I’ll be back...” sabi ko at dinugtungan ko iyon sa sarili ko. “..with him.”

Agad kong pinaandar yung sasakyan at talagang binilisan ko iyon. Kailangan ko syang maabutan. Ngayon ko siguro magagamit ang mga natutunan ko sa pakikipag-race.

Sinubukan kong tawagan sya pero ring lang iyon ng ring. Medyo malapit lang din ang airport mula rito pero halos aabutin pa din ako ng 15 minutes. Ilang beses kong sinubukan ang pagtawag pero wala pa din kaya binato ko nalang iyon sa tabi ko at saktong nahulog pa. Hinayaan ko nalang iyon.

“Bwisit na stoplight.” inis na utas ko.

Dahil sobrang tagal ay napagpasyahan ko nang tumuloy. Bahala na kung mahuli.

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections ♫

Napatingin ako sa phone ko na nagri-ring at nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Duke na nakaregister.

Agad-agad ko iyong kinuha at sinagot. “Audrey...” Bumilis ang tibok ng puso ko.

Humarap ako sa daan at nanlaki ang mata ko ng makitang may kasalubong akong itim na sasakyan. Sa gulat ko ay nabitawan ko na ang phone ko at hinarang kamay ko sa katawan ko. Hanggang sa nagdilim na ang lahat.

*

Comments? ♥ Twitter: @heyairaaa #TCAY #BitinAlamKo

P.S: Boom panes.

Next chapter is the epilogue.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon