Prologue

368K 2.8K 231
                                    

“Once in awhile, right in the middle of an ordinary life, love gives us a fairytale.”

Lovelife.

Bakit si Cinderella nakaiwan lang ng sapatos may lovelife na? Bakit si Snow White kumain lang ng apple may lovelife na? Bakit si Aurora natulog lang may lovelife na? At bakit si Tatiana humalik lang sa palaka may lovelife na?

Ano nga bang pinaglalaban ko dito?

Eto lang naman ang gusto kong sabihin, bakit ako nakaiwan na ng sapatos--at take note hindi lang isa kasama pa yung kapares, kumain na ng fruit salad, araw-araw na natulog at--- wait, sinong nagsabi na humalik ako sa palaka? I will never kiss a frog, hell no!--so alisin na natin yun, at hanggang ngayon wala pa din akong lovelife. As in no boyfriend since birth at never been kissed, never been touched ang peg ko.

Sabi nga nila, ‘hindi hinahanap ang taong magmamahal at mamahalin mo dahil kusa itong darating’. Pero anak ng ka ng ina mo, malay mo naghihintay din sya at naghihintay din ako. Ano to forever hintayan lang ang gagawin namin?

Kaya ako, ako na mismo ang susunggab sa lovelife ko. At sino target ko?

Duke Emmanuel dela Vega.

Kahit di nya ko pinapansin. Kahit isa lang ako sa dinami-dami nyang tagahanga. Kahit ang tingin nya lang sa akin ay malaking epal sa buhay nya. Magiging akin din sya. Akin lang.

-01/23/14-

The Chase and YouWhere stories live. Discover now