Chapter XLIII

58.2K 1.3K 153
                                    

[43] The Last Night

-Audrey-

Pagkatapos ng ilang oras ng pakikipagkulitan namin sa mga bata, napagpasyahan na namin na umalis. Akala ko uuwi na kami pero nagtaka ako ng makitang sa ibang way kami dumadaan.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko pero hindi sya sumagot at seryoso pa din sa pagda-drive.

Alam nyo yun? Yung sobrang sweet nya kanina tapos ngayong kami nalang dalawa akala mo wala syang kasama. Hindi ko talaga alam kung bakit kahit anong sungit nitong si Duke my loves hindi ko magawang pagsawaan sya.

“Bakit ba tuwing tayo nalang ang magkasama ayaw mo na kong kausapin?” tanong ko ulit pero kahit isang tingin ay hindi man lang nya ako tinapunan.

Huminga ako ng malalim at pagod na pagod na ako sa kasungitan nya. “Ano bang nagawa ko at nagsusungit ka ng ganyan?” pagod na utas ko at inisip ang mga ginawa ko sa kanya simula nung dumating ako kahapon.

Napakunot-noo ako ng bigla akong may naalala. “Ahh! Di ba may sinasabi ka kagabi na hindi ko narinig? Iyon ba? Duke! Sagutin mo naman ako!” sabi ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin pero saglit lang at nakita kong ang sama ng tingin nya. So, iyon nga talaga ang dahilan?

“Yun ba, Duke? Yun ba?” kulit ko sa kanya pero hindi na nya ulit ako nilingon kaya nanahimik nalang ako dito at sumimangot.

Pinilit kong alalahanin ang sinabi nya sa akin pero nangibabaw talaga ang tili ni Yaya Kendi sa tenga ko kaya parang blurred na yung  boses ni Duke saka halos binulong nya lang yung sinabi nya.

Ano kaya yun at ganito nalang sya kung makapagsungit? Baka naman nag-confess sya tapos hindi ko pala narinig? Ayy, charing lang para namang gagawin yun ni Duke.

Binaling ko ulit sa kanya ang tingin ko at tinusok-tusok pa sya sa braso nya. “Uy, Duke.” tawag ko sa kanya habang tinutusok-tusok ko sya sa braso gamit ang daliri ko.

“Duke, ano yung sinabi mo kagabi? Bakit ang sungit mo ngayon? Yun ba ang dahilan? Meron ka ba? Bakit ayaw mo akong sagutin? Saka bakit dinala mo ako sa orphanage? At saan tayo pupunta? Ba--” sunod-sunod na tanong ko at wala talaga dapat akong balak tumigil kaso nagulat ako ng bigla sya prumeno at halos masubsob ako harap. Buti nalang may seatbelt ako.

Gulat na tiningnan ko sya at halos maghabol ako ng paghinga dahil sa gulat. Humarap ako sa kanya at napaatras ako ng makita na sobrang lapit nya sa akin. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa gulat.

Mataman nya akong tiningnan saka umiwas ng tingin. Hinampas nya ang manibela at doon dumukmo. Hindi ako makaimik at pinagmamasdan lang ang mga galaw nya. Humarap sya sa daan at kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang nya at ilang mura na lumalabas sa bibig nya. Bad.

Huminga sya ng malalim at kitang-kita ko ang pamumungay ng mga mata nya bago tumingin sa akin. “Damn, I’m just happy that you are with me and hindi ko alam kung paano yun ilalabas. So please, stop asking.” sabi nya at wala akong nagawa kundi ang mapatanga at kiligin sa mga sinabi nya.

Hindi na ako nakaimik habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung bakit malimit magsalita si Duke pero kapag may sinasabi sya ay laging nauuwi sa pagkatameme ko at pagkakilig.

Makalipas ng halos kalahating oras, dumating kami sa isang hindi ko alam na lugar. Lumabas sya kaya sumunod ako at napakunot-noo ako ng wala akong makitang kahit ano doon bukod sa malawak na damuhan, may ilang puno ng mangga at mga bata ng naglalaro ng saranggola dahil malakas ang hangin.

Ganito ba talaga ang pananaw ni Duke my loves sa date? Kung hindi sa ampunan, sa isang lugar na malayo sa kabihasnan.

“Bakit tayo nandito saka ano to?” tanong ko at tumabi sa kanya na nakasandal sa sasakyan nya. Tinuro ko pa yung malawak na lugar na yun na puro green ang nakikita ko dahil sa damo.

Hindi sya sumagot at biglang umalis sa tabi ko at may kinuha sa likod ng sasakyan. Nakita kong may dala syang tela, isang basket saka yung gitara nya.

“Picnic.” tipid nyang sagot habang nilalatag yung tela na dala nya. Umupo ako doon at sumunod sya.

Napangiti ako dahil doon. Hindi na din pala masama. “Ang sweet mo naman.” nakangising untag ko sa kanya pero sinimangutan nya lang ako.

“This is Yaya Kendi’s idea.” sagot nya sa akin at ako naman ang sumimangot ngayon.

Kailangan pa talagang sabihin yun? Kinikilig na nga ako tapos panira pa pero hayaan na nga, at least ginawa nya ang idea ni Yaya Kendi kahit ang corny nun para sa kanya.

Humiga ako at tumingin ng diretso sa langit. Blue na blue at konti lang ang ulap. Ang ganda tapos komportable pa ako sa malambot na damo. Ahh! Ang saya din pala dito, fresh at hindi polluted ang paligid.

Naramdaman ko ang pagtabi nya sa akin at humiga din. Tahimik lang kami at tanging ang huni ng mga ibon at tawanan ng mga bata ang naririnig ko.

“Audrey..” tawag nya sa akin.

Lumingon ako sa kanya pero diretso lang ang tingin nya sa langit. Binalik ko din doon ang tingin ko at hinintay syang magsalita.

“I have my reasons why I brought you to the orphanage and here.” utas nya at agad akong napalingon sa kanya dahil doon.

Nagtatakang tiningnan ko sya at nagtanong. “Bakit?”

Hindi sya lumingon sa akin at diretso pa din ang tingin nya pero kitang-kita ko ang malungkot na ngiti nya bago ako sagutin.

“Gusto kong tanggapin mo ako.” sabi nya at mas lalo akong nagtaka dahil doon.

“What do you mean? Tanggap kita, sobra.” sagot ko pero sa mga mata nya bakas na parang hindi sya naniniwala sa akin.

“Doon ako nagmula, Audrey. Yung mga bata kanina, ako din sila nung bata ako. Yung tingin mo sa kanila nung una mo silang nakita, yun din ang tingin na binibigay mo sa akin noong mga bata tayo. Gusto kong mas makilala mo pa ako, Audrey.” paliwanag nya at habang sinasabi nya iyon ay parang may sumasaksak sa puso ko. Punong-puno ako ng guilt dahil doon.

Tama sya, masyado ako nanghusga sa kanila. Lumapit ako ng higa sa kanya at saka sya niyakap. Nakaunan ang ulo ko sa dibdib nya at damang-dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso nya.

“Sorry. I love you, Duke.” bulong ko sa kanya at sobrang nasasaktan ako para sa kanya. Bigla kong naalala ang pananakit ko sa kanya nung mga bata pa kami.

Naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko. Nakarinig pa ako ng mahinang mura sa kanya. Kailangan ko na syang bawalan sa susunod pero hayaan nyo munang kiligin ako ngayon.

Humigpit ang yakap nya din sa akin at halos kilabutan ako ng bumulong sya sa akin.

“Damn, this is so gay, kinikilig ako.”

*

Comments para sipagin mag-ud? ♥

#TCAY

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon