Chapter X

102K 1.3K 72
                                    

[10] The Troublemaker

-Audrey-

Nakatingin lang ako sa kanila na nags-swimming sa dagat. Nandito lang ako sa may buhanginan at pinaglalaruan yun. Kanina pa nila ko inaaya pero ang sinasabi ko lang sa kanila ay maya-maya na ako.

Nasira yata talaga ang mood ko dahil sa pagkanta na yun pero bawi naman kasi masyado akong pinapakilig ni Duke my loves kaso nakakainis yung bruhildang Princess na yun na walang ginawa kundi sumunod ng parang buntot kay Duke my loves tapos kung makapag-expose ng katawan, ugh! Oo naka-two piece ako pero pinatungan ko yun ng blouse at shorts.

Naisipan kong maglakadlakad. Masyadong pangit ang view dito dahil sinisira ng Princess na yun na nilalandi ang Duke my loves ko. Kung hindi lang talaga sya kapatid ni Clark, malamang nasapak ko na yun. Pati si Erica iniwan ako dahil masyado ng close na close kay Kuya Matt.

Dalawang pa bago sila mag-perform sa isang restobar dito sa resort kaya pwede pa akong mag-ikot ikot at babalik nalang ako. Gusto ko sanang mag-swimming kaso ayoko dito na malapit yung Princess na yun at baka masabunutan ko lang sya.

Medyo nakalayo layo na ako sa kanila nung mapagdesisyunan kong tumigil sa isang batuhan. Pinagsisipa ko yung mga bato dun at sumalampak sa buhanginan.

“Bakit kasi hindi madaling magmahal? Bakit kasi nauso ang one sided love? Dapat kasi kung sino ang gusto mo ay gusto ko na din para wala ng nasasaktan. Bakit ang unfair?!”

Para akong tanga habang nakasalampak dito at binabato ang dagat ng mga buhangin at bato na nadadampot ko. Nagbabakasakaling sagutin nito yung mga tanong ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa dagat. Kailangan ko lang sigurong magpalamig, masyado na akong nababaliw dito.

Medyo malalim na ang nararating ko at patuloy pa din ako sa paglangoy, feeling ko nga ako na si Dyesebel. Aahon na dapat ako kasi parang nakakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko at bigla nalang akong hindi nakagalaw at parang nanigas ang mga paa ko.

Oh no, anak ka ng ina mo naman. Wrong timing!

 

Napapikit ako ng bigla akong napalubog sa tubig, pakiramdam ko gumana ang adrenaline rush sa akin dahil nagagawa ko pa ding ikawag ang kamay ko kahit ang dami ko ng nasisinghot na tubig.

“H-help! Help!” sigaw ko pero pakiramdam ko ay walang nakakarinig kasi nasa bandang dulo ako ng resort at ang mga turista ay nasa gitna lang kung saan nandoon ang mga main attractions.

Hindi ko alam kung gaano na akong katagal na tumatawag ng tulong. Wala na yata, wala na talaga, mamamatay yata akong hindi man lang naramdaman ang pagmamahal nya. Akala ko wala na talaga akong pag-asa pero akala ko lang iyon, sa di inaasahang pagkakataon, bago dumilim ang aking mga mata, isang mukha ang bumungad sa akin. Hindi ko maaninag kung sino yun pero kung sino man sya, salamat.

*

Unti-unti akong dumilat, sumalubong sa akin ang may kadiliman na paligid. Habang ina-adjust ko ang paningin ko ay napansin ko na nasa kwarto na pala kami. Napatingin ako sa katabing kama ko at nakita ko si Erica na tulog na tulog habang nakahawak pa sa kamay ko. Dahan-dahan ko iyong inalis at tumayo.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon