Chapter XL

66.3K 1.4K 197
                                    

[40] The Feelings

-Audrey-

Sumandal ako sa upuan ko at tumingala sa langit. Napakadaming stars. Ang ganda nilang tingnan.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Nakatingala din sya sa langit habang may malalim na iniisip. Ako kaya yun? Hay, ang assumera mo talaga forever, Audrey.

Habang tinititigan ko sya, bigla kong naisip na parang ang daming nangyari nitong nakaraan. Pero kapag naiisip ko yung mga yun ay hindi ko alam kung bakit ngayon ay nauwi pa din ako sa tabi nya. Sa dami ng away, inis at pagtaboy nya sa akin ay hindi ko lubos maisip na makakasama ko sya ng ganito.

“What?” biglang tanong nya kaya napabalik ako sa realidad. Sa sobrang titig ko sa kanya at sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko na napansin na nakatitig na pala sya sa akin.

“Do you want to kiss me?” nakangising dagdag nya at halos malaglag ang panga ko dahil doon. Grabe lang talaga!

Inirapan ko sya. “Ang kapal! Bwisit, kailangan ba kapag tumitig may dahilan? Ikaw nga dyan halik ng halik, hindi kita inaasar.” inis na untag ko at binaling nalang sa langit ang tingin.

Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila. Kakatapos lang namin kumain at napagpasyahan na magpahangin muna bago matulog. Hindi na ako tumanggi. Mas gusto ko pa syang makasama ng matagal, baka kasi kapag natulog na ko, kinabukasan wala na tong lahat.

“I’m just joking. So, can I kiss you right now?” mahinang sabi nya at sobrang sexy nun sa pandinig ko. 

Napatingin ako sa kanya at nakangising nakatitig sya sa mga labi ko. Aba! Anong akala sa akin ng lalaking ito? Kissing machine?

“Hoy! Duke! Pwede ba tigilan mo na ako! Kapag ikaw humirit ng isa pang halik. Dito ka hahalik sa kamao ko.” biro ko sa kanya.

Napahinto ako sa pagtawa ng bigla nyang ilapit sa akin ang mukha nya. Kaya automatic na napapikit ako.

“I want to kiss you right now.” bulong nya at damang-dama ko ang paghinga nya sa mukha ko. Akala ko maglalapat na ang mga labi namin pero sa ilong ko ulit nya iyon lumapat. Ugh! Kanina nya pa ko binibitin.

“Pero sa ngayon, hanggang dito muna.” sabi nya matapos halikan ako sa ilong.

Dumilat ako at nakalayo na sya sa akin. Nagtitigan kami at sa tagal ng pagtititgan namin ay ang daming tanong na gusto kong sabihin sa kanya. Hanggang kelan kami ganito? O hanggang kelan sya ganito sa akin? Ayokong maging sobrang saya kasi baka may masakit na kapalit na naman to.

Alam kong may iba na sa amin. Hindi naman nya siguro ako hahalikan kung wala lang di ba? Saka iba mag-isip si Duke. Minsan nga kung hindi ko alam ang totoong edad nya ay iisipin ko na matanda na sya. Lumaki sya sa isang matured na pamilya. Maaga syang minulat sa responsibilidad nya.

Kaya sa sobrang gulo nya, pati ako naguguluhan na din. Pati buhay ko nagiging kumplikado. Hindi ba pwedeng mahal ko sya tapos mahal nya ko then happily ever after na?

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon