Chapter 15: Time

3.1K 38 12
                                    

Chapter 15 (Time)

"Si Royce yung tipong kapag nasasaktan ka na, kaya niyang patayin ang may kasalanan. Hindi mo na naalala nung may nang-away sa'yong junior? Yung halos magpasa yung kamay nung babae sa higpit ng hawak ni Royce?" Tulala ako pero naiintindihan ko pa rin ang sinasabi sa'kin ni Dana. Nandito kami sa bleachers ngayon. Maaga pa naman kaya naisipan naming tumambay muna bago umuwi. "Yung sobrang nag-sorry sa'yo yung girl? Natakot yata sa banta ni Royce eh. Siya rin yung tipong maiinlove ka sa sobrang sweet. Napaiyak ka nga non nung 2nd monthsary niyo diba?"

Napangiti ako ng maalala ko yun. Wala kaming oras para magkita non dahil sa sobrang busy. Pero nakagawa pa rin siya ng way para masurprise ako.

"Hindi ko lang talaga alam kung bakit kayo naghiwalay. I mean, mahal na mahal niyo naman ang isa't isa, diba? Parang hindi na kayo mapaghihiwalay. Hmmm."

Sumandal ako sa inuupuan ko at pumikit.

**

"Hailey, can we talk?" Narinig kong sabi ng boyfriend ko. Nasa harap kaming dalawa ng room ko. Graduate na siya pero nakakapasok pa rin siya sa school namin. Malakas 'to eh. Palagi namang ganito kapag sinusundo na niya ko. Ngumiti ako sa kanya bago tumango. Magsasalita sana pero naunahan siya ng bestfriend ko.

"Hailey! Halika dito! Dali! May ikukwento si Glen!" Naagaw ni Dana yung atensyon ko. Nasa loob pa sila ng room at parang wala pang balak na umuwi. Tumingin ulit ako kay Royce. Nakita kong napatingin siya sa loob ng room namin. Mukhang na-curious din kung sinong tumawag sa'kin.

"Royce... Wait lang ah?" Dahan dahan siyang tumango. Ngumiti ako sa katabi niyang si Daniel. Naghihintay din to sa girlfriend niya na nasa kabilang class lang.

Dumiretso agad ako sa loob ng room namin. Hindi ko namalayan ang oras. Napatagal na pala ang kwentuhan namin. Nakalimutan kong nasa labas pala ang boyfriend ko.

"Royce!" Tinawag ko siya. Nakita kong naka-bench siya. Nakalagay ang siko sa hita niya at bahagyang nakayuko. Pero umayos siya ng upo nung marinig akong tinatawag siya.

"Tapos na kayo?" Nakangiti niyang tanong. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagawa akong mali.

"Pagod ka ba?" Lumapit ako at tumabi sa kanya. Umiling siya. "Si Daniel?"

"Nauna na siya. May gagawin pa yata eh. Let's go home?"

"Y-yeah... You sure you're okay? Sana hindi mo nalang ako sinundo. Mukhang pagod ka eh."

"Hindi naman, babe. Minsan lang ako magkaroon ng chance na makita ka. Hindi ko na sasayangin yon."

Totoo yon. Dahil busy din siya dahil college na siya, bihira nalang kami magkita. Every Friday or Sunday lang dahil dun lang luwag ang sched niya.

"Pero hindi mo naman kelangan pilitin ang sarili mo kung pagod ka eh. Baka kung ano pang mangyari sa'yo. Hintayin mo ko dito. Kukunin ko lang ang bag ko, tsaka magpapaalam na rin ako sa mga classmates ko."

"Alright." Ngumiti ulit siya sa'kin.

Bumalik ako sa room para kunin ang gamit ko. Nagpaalam narin ako sa mga kaibigan ko.

"Tara na?" Sabi ko kay Royce pagkalabas ko. Ngumiti siya bago kinuha yung bag ko para siya na mismo ang magbuhat. Hinawakan niya rin ang kamay ko. "Diba may sasabihin ka sa'kin kanina? Ano yon?"

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon