Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)

49.5K 654 208
                                    

A/N

Daming naiyak last update ah. Anyare? Hahaha tip of the ice berg palang yan bebe kaya kapit lang. ;)

Music: Last Kiss by Taylor Swift.

Twitter: @Ken_Adriano <<< papabebe hahaha

~~~O~~~

“Love can give you such happiness, then can break the very heart it filled, leaving a hole that can never be fixed or protected by any armour,”

-Kevin McLeod

Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)

“I love him,”

 

Inabot na ako nang hatinggabing  naka-upo sa sulok nang kwarto ko  at nakatingin sa kawalan…Nanghihinayang…umiiyak at niyayakap ang sariling katawan na suot ang natitirang T-shirt na naiwan sa akin ni Kendrick. Bakas pa dito yung amoy niya na pamilyar sa akin. Bakas pa dito ang pakiramdam na ang mga kamay niya ang nakayakap sa akin.

Hindi ko alam na ganito ang mararamdaman ko matapos ko siya ipagtabuyan papalayo.

Dati ako ang iniwan, ngayon ako ang nang-iwan. Hindi ko alam na mas masakit pala ang mang-iwan. Dahil pwede pa naman ipaglaban, pero binitawan ko agad.

Ang akala ko kasi matatapos ang sakit at ang pag-iyak ko nang gabing iyon.  Ang Akala ko lilipas din ang pagsikip nang dibdib ko kapag nag-umaga na. 

Pero hindi e.

Mas lalong sasakit pa pala.

Iyak lang ako nang iyak. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako sa sulok, nagising na lang ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Boses yun ni Kendrick na kumakanta nang ‘Little Things’

Nilunok ko ang masakit na barado sa lalamunan dahil sa pagpipigil nang luha. Ang hirap palang pigilan ng luha ano? Hindi lang ang puso ang sasakit sayo kung hindi pati na din ang ilang parte ng katawan at pagkatao mo. At lalo pa, walang ginawa ang mga mata ko nitong nakaraang gabi kung hindi maglabas lang nang luha at manghinayang sa pinakawalan ko.

But when I looked at the screen? A new and different kind of sadness washes over me. A kind of sadness that can make me go insane.

‘Happy anniversary, Ma. Isabelle Asuncion Silva! I love you.’

April 13 2014 12:13 am

“Kendrick…” paulit ulit kong nasabi habang niyayakap yung phone na naglalaman nang alarm.  Ilang beses ko binasa ang caption. Ilang beses ko pinaulit ulit sabihin yung ‘I Love You’ sa dulo.

Tandang tanda ko pa ang araw na kinuha niya ang cellphone ko para mag lagay nang alarm ng anniversary namin. May plano kasi siyang dalhin ako sa rest house nila sa Tagaytay. Pero ngayon Malabo nang mangyari yun... Wala nang tagaytay…wala nang Kendrick.

Simula noon hindi na ako nakatulog. At nirereplay na lang yung boses niya na kumakanta ng ‘Little Things.’ Pilit na inaalala yung mga sinabi niya nang gabing nagtapat siya sa akin. I know I am being pathetic. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngayon palang talaga nag si-sink in sa akin na pinakawalan ko siya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon