Chapter VI

103K 1.3K 107
                                    

[6] The Passenger Seat

 

-Audrey-

 

Nandito ako sa park sa tapat ng school, konting lakad mo lang ay makakapunta ka na sa restobar kaya dito ako dumiretso. Nagiging takbuhan ko na talaga to kapag di ko alam ang pupuntahan.

Tulala lang ako habang nasa swing, sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko na yata alam kung bakit ako nandito. Wala na yung sakit at nangingibabaw na ulit ang pagkagusto ko kay Duke. Masyado lang naman kasing mababaw ang dahilan ko. Sinigawan nya ko? Ayos lang yun, kesa naman hindi nya ako pinapansin at parang invisible ako sa kanya lagi. First love? Eh una lang naman pala, ang tanong mahal pa ba nya? Saka lilipas din yan, papaibigin ko din sya.

“Oh? Bakit nandito ka?”

Halos malaglag ako sa swing dahil sa gulat ng may nagsalita. Agad kong nilingon ang lalaking nakasandal sa may poste ng swing at tiningnan sya ng masama.

“Bakit ka ba parang kabute at bigla-bigla nalang susulpot? Ang hilig mong manggulat.” sabi ko at inirapan ang walang iba na si Kieth. Napataas pa ko ng kilay ng makitang sobrang pormal ng suot nya, saan naman kaya to galing?

“Saan ang party?” dagdag ko dahil nga sa suot nya na hindi nababagay sa lugar na katulad dito.

Tiningnan muna nya ang sarili nya bago sumagot. “Tumakas ang sa business meeting ni Dad. Ang boring, wala man lang magandang babae.” sabi nya na tatawa-tawa pa.

Tiningnan ko sya ng matalim. No wonder kung bakit sila close ni Kuya, pareho silang mukhang babae. “Playboy. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.” sabi ko habang marahan na inuugoy ang sarili ko sa swing. Medyo payapa na ang kalooban ko kaya maya-maya ay aalis na ko.

“Anong connection dun? Kasalanan ko ba na sobrang gwapo ko kaya di umuunlad ang Pilipinas?” takang tanong nya at pakiramdam ko ay tinangay ako sa sobrang lakas ng hangin na dala nya. Dapat talaga hindi nagsasama si Kuya at si Kieth, masyadong nahahawa si Kieth sa kahanginan ni Kuya Aeron.

Natawa nalang ako at napailing hanggang sa natutok ang pansin ko sa lalaking papalapit sa kinatatayuan namin. Napansin siguro ni Kieth ang paninigas ko dahil tinapik pa nya ako.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon