Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)

63K 699 104
                                    

Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)


Kendrick's POV

 

"Sigurado ka ba?"

 

"Yes, Kendrick. How many times do I have to tell you that I'm going with Jade and Gem? Chill babe, I'm fine."

 

"Fine, bye."

 

"Wait, daddy's here. Ipapakilala kita mamaya, okay? Ciao, See you later!"

 

Nang ibaba ko na ang phone ko nilapitan ako ng isang lasing na si Justin. "O, ano daw sabi pre?"

 

"Ayaw niya magpasundo,"


"Yaan na. Mas okay nga yan, riding solo tayong dalawa,"

 

Kinakabahan ako.


Hindi ko alam kung bakit pero namamawis yung mga kamay ko at hindi din ako mapakali.

 

"Kendrick, ayos ka na ba pre?"


Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin at inayos ang tuxedo. "Oo pre," pagsisinungaling ko. Dapat pala naglasing din ako katulad niya para mawala ang kaba ko.


 Sa totoo lang masyado akong kinakabahan sa puntong parang gusto ko na mag back out. Hindi lang dahil  sa ako ang napili ngayon para maging Emcee sa Auction bago ang grand ball, (dahil sa totoo lang hindi ko pa din ata kaya na magsalita sa harap ng napakaraming tao). Ang tunay na rason kung bakit ako kinakabahan ay dahil sa plano ko mamayang gabi.


Sht.


"Umamin ka nga bro, kinakabahan ka para mamaya ano? Hahahaha! Wag mo sa aking sabihin na hindi mo na naman kaya?"

 

"Wag ko na lang kaya ituloy? Sabi naman niya sa akin, pagkatapos ng tatlong buwan pwede na,"


Isang batok lang galing kay Justin ang nakuha ko pagkasabi ko nun.


"Gago ka pala! Sa tingin mo ba seryoso siya nang sinabi niya yun? Kendrick, makinig ka nga sa akin. Kabisado ko na ang mga babae pre, lahat ng sulok at butas nila sa katawan kabisado at napasukan ko na. Kaya alam ko na pagkatapos ang kontrata nyo tatakbuhan ka lang nun! Kaya habang maaga pa magtapat ka na!"


Isinigaw niya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang alcohol na nainom niya. Psh. Kung hindi ko na lang kaya 'to pasamahin? Masyado nang lasing!


"Oo na, sige na," sabi ko habang umiiling. "Kinakabahan lang talaga ako. Emcee ako mamaya sa auction, unang beses ko yun pare," Iniba ko na ang usapan, ayoko nang pag-usapan ang pagtatapat ko kay Belle mamaya. Mas lalo lang akong kinakabahan. Unang beses ko lang kasi manligaw at sa harap pa nang madaming tao.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon