Kabanata 42- Clever

10.7K 406 109
                                    


PINAGTAWANAN ko na lang ang sinabi niya. Siguro kung naging mabait lang siya noong una naming pagkikita, magiging okay kami. At siguro kung hindi niya lang ako lagging iniinis, malamang magkaibigan na rin kami ngayon. Pero iba ang sitwasyon eh. may something sa kanya na parang ayaw niyang ipakita. Tulad na lang ng dahilan niya kung bakit bitter siya sa mga babae. Alam kong ilang lingo pa lang kaming magkakakilala pero sapat naman iyon siguro para sabihin niya lang ang dahilan di ba?

Hindi naman sa masyado akong usisera pero, curious lang naman ako. Titigilan ko naman siya kapag sinabi niya na ang dahilan eh. Tumayo siya at pumunta ng kusina. Nanatili lang akong nakaupo at pinapapak ang chichirya.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya bitbit ang isang pitsel ng malamig na tubig at dalawang baso. Inilapag niya iyon sa mesa at naupo ulit. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom.

"Gusto mo?" tanong niya.

Tumango ako sa kanya.

"Kumuha ka. Inaantok na ako eh," sabi niya at pasalampak na humiga sa sofa.

Sinasabi ko na nga ba eh. Alam ko na. Walang kada sampung minuto ang lumilipas na hindi niya ako iinisin. Bubuhusan ko ito ng malamig na tubig eh! Tumayo na lang ako at inabot ang pitsel at nagsalin n tubig sa isang baso. Kaagad ko iyong ininom. Pinaulanan ko naman ng irap ang kurimaw na ito. Aba at parang tulog na yata. Pero hindi siya pwede rito sa sala. Sasakit ang likod niyan. Pwede naman siyang doon sa kwarto ni Kelly matulog eh. Lumapit ako sa kanya at ginising siya.

"Hoy Craig!"

"Hmmm," walang gana niyang sabi.

"Lumipat ka ro'n sa kwarto ni Kelly. Baka mahulog ka," sabi ko habang patuloy pa rin siyang niyuyugyog.

"Sasaluhin mo naman ako 'pag nahulog ako di ba?"

Napabuga ako ng hangin. Lakas naman ng trip ng lalaking ito ha? Ano palagay niya sa akin? Taga-salo ng mga nahuhulog na tao? Nakakaloka!

"Hoy ikaw lalaki! Anong sasaluhin kita? Eh ang bigat-bigat mo kaya. Tapos sasaluhin kita? Aba't ang swerte mo naman 'pag nangyari 'yon ha. Asa ka namang sasaluhin kita. Hala. Tumayo ka na d'yan at lumipat sa kwarto ni Kelly!"

Natatawa siyang bumangon at sandali pa akong tiningnan. Namumungay ang kanyang mga mata dahil siguro sa beer na ininom.

"Alright," sabi niya at parang tinatamad na tinatahak ang daan papuntang kuwarto ni Kelly.

Niligpit ko muna ang kalat naming dalawa bago rin ako pumasok sa aking kuwarto. Pagkapasok ko sa loob ay humiga agad ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod at antok.

Nagising ako kinaumagahan na may ngiti sa aking labi. Ang ganda kasi ng panaginip. Saka ayokong sabihin. Secret lang iyon. Bumangon na agad ako at inayos ang aking sarili bago lumabas ng room. Napadaan ako sa room ni Kelly. Tulog pa kaya ang lalaking iyon? Dahan-dahan kong binuksan ang room at tinanaw ang kama. Wala ng tao roon. Ah, baka umalis na. Hindi man lang nagpaalam.

Hello Purita, bakit naman siya magpapaalam sa'yo? Close ba kayo? Hindi! Hindi kami close pero konsiderasyon lang naman sa tao sa condo di ba? Sabagay what do you expect girl? Eh kahit noong una naming pagkikita ay wala na siyang konsiderasyon sa akin. He's so ungentleman. Doon pa lang ay naiinis na ako. At mas lalo akong nainis nang makitang hindi man lang niya inayos ang kama ni Kelly!

Urgh. That burara man! Kung anong ikinagwapo ng mukha, iyon din ang ikinasama ng ugali. Pumasok ako sa loob at inayos ang magulong higaan ni Kelly. Sa pag-aayos ko ay may matigas akong bagay na nakapa sa ilalim ng unan. Kinuha ko ito at nakitang phone ito. Hindi kay Kelly phone ito ah. Baka sa lalaking iyon. Nakalimutan niya siguro.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now