Part 14

16.5K 605 34
                                    

Nagising si Purita kinaumagahan nang maramdaman niya ang nakakasilaw na sinag ng araw. Iminulat niya ang kanyang mga mata saka naghikab. Tumayo siya sa kama at dumiretso sa banyo para magmumog at maghilamos.

"Ang ganda-ganda ko talaga," sabi niya habang nkaharap sa salamin.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo at bahagyang nagulat nang makitang nandoon na si Joshua. Kakagising lang yata nito dahil medyo magulo pa ang buhok nito.

"Bhe! Goodmorning!" masiglang bata niya. He smirked.

"Bilisan mo na d'yan at bumaba ka na."

Napangiti si Purita. Ito na kaya ang parusa niya? Naku naman. Excited na talaga siya.

"Yes boss," sabi niya sabay saludo dito.

###
Napanganga si Purita nang makita ang tambak-tambak na hugasan sa lababo.

"First punishment, do the dishes," sabi ni Joshua.

"Talaga??"

"Yeah."

Napapalakpak siya sa narinig.

"Ayos to ah. Basta ba may kiss ako sa lips mamaya?" sabi niya at kinindatan si Joshua.

"What?"

"Sige na nga. Sa cheeks na lang."

"Kay Swiss na lang."

"Sinong Swiss?"

"My dog. Don't worry. She doesnt bite like you," sabi nito saka umalis na.

###

Akala ni Joshua ay magagalit niya ang Purita na yun kapag pinaghugas niya ito ng sandamakmak na hugasan. Pero imbes na magalit ito ay tuwang tuwa pa ito. Parang nakakita ng mga inasal na manok.

Napaisip siya. Pano niya kaya ito maiinis?

Nang matapos si Puritang maghugas ng pinggan ay pinalinis din niya ito ng bahay. Kinuntsaba kasi niya ang kasambahay nila na umalia muna at mag day off. Nasa work din naman kasi ang parents at tita niya kaya ngayon ay siya ang boss sa bahay. At alila niya ang Purita na yun.

Pawis na pawis anh dalaga matapos itong maglinis ng bahay kaya naman binigyan niya ito ng malamig na juice.

"Ang sweet mo naman bhe. Thank you," sabi nito sabay kindat sa kanya.

"Tapusin mo na yan at didiligan mo ang mga pananim sa labas," utos niya saka lumabas na ng bahay.

####
Purita's POV

Ang bossy naman ng bhebhe ko. Pero kahit ganun siya, love na love ko pa rin siya. Feelinh ko kasi mag asawa na kami ngayon. Kulang na lang ay mag.honeymoon kami. Hihi. Kelan kaya mangyayari yun? Sana mamaya na. Hihihi. Ai ang landi ko. Napabungisngis ako sa aking naiisip.

Tumayo na ako saka lumabas na ng bahay para magdilig. Nasa kalagitnaan ako ng pahdidilig nang mahahip ng maganda kong mga mata si Dyuswa sa garahe at nililinis anh isang sasakyan. But wait, bakit...bakit nakahubo't-hubad siya????

Syempre joke ko lang yung naka hubot hubad ano. Baka ma-LTFRB tayo niyan. Hihi. Naka.ano lang siya, kuwan..half naked. Walang tshirt. Ganern. Hahaha. Shet ang hot ng Dyuswa ko. WALANG ABS. Hihihi. Yun ang tipo kong lalaki eh. Walang abs pero ang init pa ring tignan. Hay Dyuswa ko.

"Arf! Arf!"

Ha? Ba't may tumatahol?

"Arf! Arf!"

Napalingon ako sa harapan at natatamaan na pala ng tubig ang malaking puting aso kaya tahol nang tahol ito. Waaaaah. Takot ako sa aso!!! Binitawan ko ang hose saka kumaripas nang takbo papunta sa direksiyon ni Dyuswa. Malapit na sana ako nang madulas ako. Bang! Patihaya akong napahiga sa damuhan. Awww. Ang sakit ng likod at pwet ko. Huhuhu. Naramdaman ko na palapit na ang aso sa akin kaya napaiyak ako.

"Dyuswa help me!!! Huhuhu."

Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ni Dyuswa. Ohmeged. Ang tiyan niyang flat na walang abs nakadikit sa katawan ko. Kenekeleg ako to the highest sea level. Hihihi. Feeling ko nawala ang sakit sa katawan ko. Pero nanatili akong nakapikit. Arte lang, ganun. Pinasok niya ako sa kwarto namin. Ay sa guestroom lang pala saka pinahiga ako.

"Okay ka lang ba?"

"Ang sakit ng katawan ko. Huhuhu."

"Normal lang 'yan dahil nadulas ka. Ano pa bang ini.expek mong maramdaman?" inis niyang sabi.

"Eh ba't tinanong mo pa ako kung okay lang ako kung alam mo naman palang nasaktan ako? Ang bobo mo naman."

"Anong sabi mo?"

"Eh?"

"Sinabi mong bobo ako?"

"He he he. Ay hindi. Joke lang yun. Ako talaga yung bobo."

"Magpahinga ka na lang muna d'yan," sabi niya saka tumalikod na.

"Oy, hindi ka ba tatawag ng doktor para patignan kung may nabaling buto sa akin?"

"Ano sa palagay mo, nasa isang teleserye ka? Alam ko namang sanay na yang katawan mo sa mga ganung pangyayari. So why waste the time and money para tumawag ng doktor," sagot niya at tuluyan nang umalis.

"Kuripot!!!!!"

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now