Kabanata 32- Siya pa rin

9.3K 340 69
                                    

Pagkatapos kong punasan ang mga luha ni Dyuswa ay lumayo na ako sa kanya. Palayo sa dance floor. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong makapagbitaw ng salita na sa huli ay pagsisisihan ko rin naman.

Bumalik ako sa cottage nila at kumuha ng isang boteng beer. Kaagad ko iyong tinungga. Uhaw na uhaw ako. Pero hindi ba at sana ay malamig na tubig ang inumin ko para malunasan ang pagkauhaw kong ito?

Umiling ako. Siguro ay beer talaga ang kailangan ko ngayon. Naglakad ako at lumapit sa bonfire na ngayon ay malapit nang mamatay. Umupo ako sa buhanginan dala-dala ang beer.

"Nandito ka lang pala."

Napalingon ako at nakita si Michelle na nakangiti sa akin. May hawak din siyang isang bote ng beer.

"Nasaan sila?"

"Hayon. Nagsasayawan pa rin. Your boyfriend is a good dancer," sabi niya at tumawa.

Umupo rin siya sa buhanginan katabi ko. I don't know kung bakit nandito siya. Hindi kaya nakita niya kami ni Dyuswa kaninang sumasayaw? Shit!

Kinalma ko ang sarili ko. Imposibleng makita niya kami roon. Ang daming tao eh.

"Ayaw mo nang sumayaw?" tanong ko sa kanya.

"Napagod na ako sa kakasayaw. Ikaw? Hindi ka namin mahanap kanina ah. Saan ka galing?"

"Ah, eh..."

"Naisip ko na magkasama kayo ni Josh dahil wala rin siya. Pero hindi rin pala kayo magkasama," sabi niya at tumungga ng beer.

"Hindi ko kayo mahanap eh. Saka, hindi ko nakita si Dyuswa," pagsisinungaling ko.

Ayokong malaman niya na magkasama kami.

"Close ba kayo rati ni Josh noong high school?"

"Hmmm, hindi naman. Suplado kasi 'yon," sabi ko at binigyan siya ng ngiti.

"Sobrang suplado nga," sang-ayon niya at nakatingin na sa kay Dyuswa kasama ang mga kaibigan at pinipilit nila itong sumayaw.

"He doesn't know how to dance. I mean, he really hates it," wala sa sarili niyang sabi habang nakangiting nakatingin sa mga ito sa malayo.

"Kilalang-kilala mo na siya ano," sabi ko.

Ngayon ay nasa akin na ang atensiyon na. Ngumiti siya sa akin.

"Isang taon pa kami naging magkaibigan bago niya ako naisipang ligawan. Hahaha."

Ngumisi na rin ako. Parang may kung anong bigat akong nararamdaman ngayon. Pero I should not feel this way. No. I don't have the right to feel it.

"Pa...paano nga pala kayo nagkakilala?"

"Unexpectedly. Sa hospital."

"Hospital?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

Mahina siyang tumango at tumingin sa malapit nang mamatay na apoy sa kahoy sa harapan namin.

"Nagkita kami sa garden ng hospital. Kaka-recover lang niya sa coma no'n that time "

Hindi ko napigilan ang mapanganga sa narinig. Ito ba 'yong sinasabi ni Diane na naaksidente siya? Akala ko minor lang. Pero na-coma siya. Ibig sabihin gano'n kaseryosong aksidente ang nangyari sa kanya! Parang gusto kong umiyak pero walang lumalabas sa mga mata ko.

"B-bakit daw siya na-coma?"

Hindi ko matanong-tanong kay Dyuswa ito dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka magalit siyang lalo sa akin.

"Ang kuwento niya, nahulog daw siya sa mataas na pader ng school nila. He had a serious spinal injury at nabagok din ang ulo niya. Milagro na nga rin na pagkagising niya, hind siya nagka-amnesia. Temporary black-out lang daw."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon