Part 2

33K 1.1K 194
                                    

***

Naiinis pa din si Joshua dahil hindi pa rin niya kilala kung sino si Purita. Buong kaklase na niya ang naghahanap dito pero may sa pagka.palos pala ang babaeng iyon. Napahawak siya ng kanyang batok.

"Pare!"

Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Mario.

"Oh bakit?"

"May panibago akong plano para mabulgar na yang Purita mo."

"Paano?"

Lumapit ito sa kanya at may ibinulong.

"Sa tingin mo eepekto ang ideyang ya n??" Dudang tanong niya.

"Positive pre!"

"Sige. Game," sa huli ay sang-ayon niya.

"Good. Tara. Lez do diz!"

###

"Hoy bakla! Maganda na ba 'tong damit ko?" tanong ni Purita sa kaibigan niyang bakla na si Florante. Flower nman kapag gabi.

"Girl, kahit ilabas mo pa yang pusod mo saka hamburger mo, pangit ka pa rin," inis na sabi ni Florante.

"Grabe ka nman. Madami kaya ang nagagandahan sa akin" nakanguso niyang sabi.

"Eh, bahala ka na nga. Bilisan mo na at late na tayo."

Ilang sandali pa ay nasa school na sila. Napahinto sila sa paglalakad sa hallway nang marinig ang boses sa speaker.

"Bakla, wait! Kay honeybee boses yan eh!" Awat niya sa kaibigan.

"Ehem! Goodmorning! This is Joshua Raymundo. Gusto ko lang sanang makilala si Purita. Kung naririnig mo man ako ngayon Purita, see me in the auditorium later at 3pm "

"Beshy! Narinig mo yun?? Bakit kinikilig ako??" masayang tanong niya.

"Eh kasi tanga ka at loka loka!"

"Omg! Its bout time na ba na magkita kami?"

###

Auditorium, 3pm

Palakad lakad si Joshua sa loob. Nag-iisip na siya sa kung anong magandang gawin sa babaeng iyon. Bibitayin niya ba ito patiwarik? O isasabit sa poste?

Natigil siya sa pag iisip nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang pangit na babae.

"Hello. Ako si Purita," nakangiti nitong sabi.

Huh! Masaya pa siya? Tignan lang natin.

"So ikaw pala ang nambubwisit sa akin?"

"Ah..eh..."

Lumapit siya dito at hinawakan ang kuwelyo ng uniporme nito.

"H-hindi ak...maka..hinga..."

Nanlilisik ang mga mata niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit ng babae.

"Heeeeelpp!!!" sigaw nito.

Sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang babae.

"Hi Josh. Ako nga pala si Purita," pagpapakilala nito.

Wala sa oras niyang binitawan ang hawak hawak na babae. Naguguluhan siya. Purita din daw ang pangalan nitong pangalawa. At may dumating pang isa pa. At isa pa at isa pa. What the?? Andaming Purita naman pala dito? Now what? Sino na sa kanila ngayon ang totoong Purita???

Kinuha niya ang phone at tinawagan si Mario.

"Wazzup?"

"May problema tayo."

"What?"

"Andaming Purita dito eh. Pumunta ka nga muna dito."

Ibinaba niya ang tawag saka tumingin sa mahigit kinseng Purita.

"Now tell me honestly, sino sa inyo ang tunay na Purita na stalker ko!"

Lahat sila ay nagsitaasan ng mga kamay. Wala sa oras siyang naihilamos ang mukha. Damn! Now, who's who??

**

Dear Joshua,

Sorry na at hindi mo ako nakita ngayon ha? Acshuli balak ko nman talagang magpakita sayo eh pero dumating ang bisita ko kaya ayun. Hindi mo nasilayan ang maganda kong imahe.

Di bale na, dinig ko maraming Purita ang nagpakita sayo ah? Im sure, ampapanget nila.

PS...ang ganda ng boses mo sa mic. Try mo kayang maging BJ. Hihihi.

Lubos na gumagalang

Charo

Joke.

PURITA RAYMUNDO, ihihihi

Galit na pinunit ni Joshua ang sulat na nakita niya sa bulletin board. Hindi talaga siya titigilan ng babaeng iyon. Siguradong iniinis lang siya nito. At nagtagumpay nga ito. Inis na inis siya dito. Na sa sobrang inis ay gusto niya itong gawing bola at ihagis hagis.

***

As usual palpak na naman ang plano ni Mario. They both believed na wala ang totoong Purita sa pumunta kahapon. Takot lang nun na ihagis ano. Wala na muna siyang magagawa sa ngayon dahil wala nman yata itong balak magpakita sa knya. Ipo focus na lng niya muna ang sarili sa nalalapit nilang laro. Papunta siya sa canteen nang makabangga niya ang isang babae. Napamaang siya kaagad sa angkin nitong kagandahan. Lalo pa siyang natulala nang ngumiti ito sa kanya. Damn.

"Hi."

Wow dude. Sobrang lamig din ng boses nito. Parang anghel.

"Hello," sagot niya.

Iyon lng at umalis na ito. Hinabol niya ito ng tingin at nabasa sa likod ng PE shirt nito ang pangalang Angel Ledesma. Sabi na nga ba eh. She's an angel.

###

Pagod na pagod si Puritang nagpalit ng kanyang uniform. Paano ba nman kasi, kapag pumunta sa kanya ang bola ay hindi na niya ito binibitawan at malakas itong hinahampas sa semento. Galit na ksi siya sa lahat ng balls. Except sa balls ni Joshua.

Balik tayo sa bolang sinasaktan niya. Ayun nga, sa sobrang inis niya ay hinampas nya ito sa semento kaya nag bounce nang pagkalakas lakas at tumama sa mukha niya. Kaya ayun, hindi na nakuntento sa stars ng Philippines, ginawa pang stars ng USA.

Buti na lang ay nasilayan niya ang gwapong mukha ni Joshua kanina. Nakangiti ito na para bang hindi aware na may naiihi sa ngiti nito.

Pagkatapos niyang magpalit ay dumiretso na siya sa canteen para mananghalian. Nagulat siya nang paghawak niya ng seradura ng pinto ay may humawak din nun. At mas lalo siyang nagulat kung mapagsino ito. Si Joshua! Ala eh! Naaamoy na niya ang pabango nitong Bambini baga o Ellipse?. Kinikilig siya sa naaamoy niya!

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now