Kabanata 12 (2)

8.5K 307 48
                                    

Purita's POV

Hawak-hawak ko na ang isang baldeng may lamang tubig  at isang mop. Nakakainis lang kasi kailangan kong maglinis sa loob lang ng opisina niya. Bakit hindi niya na lang ako hinayaang maglinis ng buong 26th floor para naman sulit ang pinapagawa niya sa akin!

"Tatayo ka na lang ba d'yan?" tanong ng walanghiyang Dyuswa sa akin.

Prente siyang nakaupo sa desk niya at para bang aliw na aliw siyang nakatingin sa akin. Siya kaya muna ang una kong linisin?

"Nagmamadali kamahalan?"

"Hindi naman," sabi niya sabay kibit ng balikat.

Inirapan ko lang siya saka nag-umpisa nang mag-mop ng sahig. Napahinto ako sa aking ginagawa. Bakit ba mopping ang una kong gagawin? Di ba mas mainam kung magpupunas muna ako ng dingding saka mga furnitures para naman hindi na ako umulit mamaya sa pag-mop? Tama. Ang bright ko na talaga ngayon.

Itinabi ko ang balde at isinandal ko sa dingding ang mop.

"Where are you going?" tanong niya nang akma akong lalabas ng opisina niya

"Kukuha ng pampunas at panlinis sa glass window kamahalan."

"Stay here. And don't go outside," sabi niya at lumabas ng office.

Sandali akong natulala. Anong nangyayari? Katulong na nga ako tapos gagawin pang bilanggo? Katulong na bilanggo?

I mean, magandang katulong na bilanggo?

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pinto at pumasok doon si Dyuswa na may bitbit na mga gamit para sa pamumunas at paglilinis ng glass wall and everything. Lumapit ako sa kanya at nag-aambang kunin iyon subalit inilayo niya ito sa akin.

"You do the mopping, I'll take care of this one."

Napamaang ako. "Weh? Marunong ka nang maglinis?"

Pinagtaasan niya ako ng kanang kilay. Ayan na naman siya. Baka matukso na naman ako at gayahin ang pagtaas ng kilay.

He rolled his sleeves hanggang sa siko niya. Kinuha niya ang pamunas saka isang spray at itinapat iyon sa glass wall. Aba, marunong na. Eh dati rati ni hindi nga niya alam magpunas ng muwebles sa bahay nila.

Well, that was years ago Purita. Lahat pwedeng magbago. Pwedeng matutunan.

"Are you gonna clean or what?" tanong niya.

"Syempre maglilinis. Siguro uunahin ko muna ang CR para pagkatapos mo d'yan ay ako naman ang magma-mop ng sahig. Mahirap namang paulit-ulit akong mag-mop dahil sa mga mahuhulog na alikabok sa pagpupunas mo ano," katwiran ko.

Ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa pagpupunas habang ako naman ay dumiretso sa CR para doon magsimulang maglinis.

***
Joshua's POV

"Aaaaaaah!"

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong pamunas nang marinig ang tili ni Purita sa CR. Buti na lang at sound proof itong office ko kaya hindi nila maririnig ang pinag-uusapan dito sa loob.

Mabilis ko siyang pinuntahan sa CR dahil baka nadulas siya o nauntog o may masamang nangyari sa kanya. Damn. Wala naman sana. Problema ko pa kung mangyari iyon. Kung bakit kasi hindi nag-iingat ang babaeng iyon eh.

Pagbukas ko ng pinto ay natagpuan ko siyang nakatingin sa full-length mirror. Gulat na gulat ang reaksiyon niya habang nakatingin doon.

"What happened?"

"N-nagsasalita ang salamin mo?" namimilog ang mga mata niyang tanong sa akin.

Pinigilan ko ang sarili na matawa sa tanong niya. It's not possible with the technology nowadays. Talking mirror, right.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon