Kabanata 55

10.2K 301 67
                                    

Problem

"Ibig niyong sabihin dito na ulit kayo sa Manila for good? " hindi ko makapaniwalang tanong sa kanilang dalawa.

Sabay pa silang tumango sa akin. 

"Bakit?"

"Eh kasi rito na ako ni-assign ng big boss namin kaya hindi na ako kumontra.  Saka para maka-move on totally na ako kay Mario," paliwanag ni Eileen.

Sunod kong tiningnan si Ginny.

"I'm just bored there. Kasi naman wala na kayo ro'n.  Eh ano pang kwenta nang pag-stay ko roon di ba? Unfair na kayong dalawa lang ang naririto samantalang ako roon ay tinutubuan ng ugat mag-isa!"

Napatingin ako sa aking mga kuko sa kamay.  Kailangan ko nang magpa-pedicure

"Oh eh saan kayo tutuloy niyan? " tanong ko sa kanila.

"We are planning na kumuha ng isang unit.  Maghahati na lang sa lahat ng gastusin," sagot ni Ginny na tumingin din sa kanyang mga kuko sa kamay. 

"And we are also planning na isama ka roon.  Napaka-walanghiya mo na kasing nakikituloy rito kaya tigilan mo na ito. Live with us para hindi ka na nagkakaroon ng utang na loob sa ibang tao," dugtong ni Eileen at nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa ni Ginny.

"What?" tanong ko sa kanya. 

"Anong meron d'yan sa mga kuko niyo at kulang na lang ay sambahin niyo 'yan?"

"Nagagandahan lang kasi ako sa kuko ko, "natatawa kong sagot sa kanya.

Tiningnan niya si Ginny. "Why? Mas nakakagaan kaya ng loob tingnan ang mga kuko ko kesa sa'yo," pang-aasar nito sa kanya. 

Inismidan lang siya ni Eileen.  Tumayo naman ako nang biglang tumunog ang buzzer.  Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa aking harapan ang nakangising mukha ni Craig.  Gwapong-gwapo ito sa suot na suit and tie a yellow ribbon in the old oak tree. 

"Good morning! Pwedeng pumasok?" masigla niyang bati sa akin.

"Oo naman.  Bakit hindi? " niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. 

Nang tuluyan na siyang makapasok ay sinara ko na ang pinto.

"Oh you never told me na may visitor ka pala," sabi niya habang nakatingin kay Ginny na nakangiti. 

Inismidan lang siya ng pa-hard to get kong kaibigan.  Bigla umupo nang maayos si Eileen kaya nakita niya rin ito.  "Oh you never told me na may visitorssssss ka pala," natatawa na niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa kong kaibigan. 

"Why is that? You never listen to my told!" sabi ko at humahalakhak.

Sumalangit Nawa ang English ko. 

"Anong ginagawa mo rito?" nakasimangot na tanong ni Ginny sa kanya.

"Ay ang bakla kung makasimangot akala mo ikinaganda niyang tunay," puna sa kanya ni Eileen.

Tumawa lang si Craig sa kanilang dalawa.  Pero nagtataka nga rin ako eh.

The last time I checked ay okay na rin sila nitong si Craig. The last time I checked ay naghaharutan na ang mga ito.  And the last time I checked may panty pa akong suot pero ngayon.... UMOW! Cannot be!

Mayroon pa rin pala.  Thank God! 

Tiningnan ako ni Craig.  At alam ko ang ibig sabihin ng tinging iyon. 

"Ah siya nga pala.  Craig,  si Eileen. Eileen,  si Craig.  Katulad ko ay isa rin siyang model at sa iisang agency lang kami, " pagpapakilala ko sa isa't isa. 

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now