Kabanata 20- To The Rescue

10.7K 359 210
                                    

Pasalampak akong humiga sa kama. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Pabaling-baling ako sa aking higaan.

Kalma Purita. Wala kang may narinig. Ilusyon mo lang 'yon. Guni-guni.  Inis akong nagpagulong-gulong  sa aking higaan hanggang sa mahulog ako sa kama.

Nahihilo akong napatingin sa kisame. Yeah. Lasing lang ako. I'm so drunk with the idea that what I heard was real. But it's not. That was just a product of fabricated imagination.

Scary. Scary dahil alam kong magkakabukol ako nito dahil sa pagkakahulog ko.

Pero ang sakit-sakit talaga!

Mahina akong bumangon sa sahig at ramdam ko na ang pananakit ng katawan ko. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at ipinikit na ang aking mga mata.

Laking pasalamat ko na hindi ako nagka-hang over kinaumagahan. Mas nanakit ang katawan ko dahil sa pagkakahulog sa kama. Dumiretso ako ng banyo para makaligo na at makabihis.

After lunch daw kasi ay babalik na kami ng Campuestuhan. Iniisip ko pa lang ang walong oras na byahe ay naloloka na ako. To think na kasama ko sa byahe ang tatlong iyon.

Parang biglang nag-refresh sa memorya ko ang sinabi ni Dyuswa kagabi. Akala ko ba imahinasyon ko lang iyon? Pero bakit parang sariwa pa rin sa akin ang mukha niya habang sinasabi iyon kagabi.

Nakapikit siya at nakasandal sa upuan. Habang sinasabi niya iyon ay sinusundan ko ang bawat galaw ng mga labi niya.

Urgh Purita! Umayos ka nga. Binuhusan ko ng tubig ang buo kong katawan at nangaligkig ako sa lamig na naramdaman kaya binilisan ko na ang pag-shower.

Bandang alas onse ay lumabas na ako ng room dala ang bag ko. Ako na lang ang nag-check out dahil wala pa sila sa baba. Anong oras na ah. Bakit kaya wala pa sila?

Umupo na lang muna ako sa lobby at kumuha ng isang magazine sa mesa habang hinihintay sila.

"Hi miss!"

Napaangat ako ng tingin at nakita ang nakangiting mukha ng isang lalaki.

"Hello."

"Pwedeng umupo?"

Muntik ko nang maitirik ang aking mga mata sa tanong niya. Seriously? Sa akin ba itong upuan at kailangan pang magpaalam sa akin?

"Yeah, sure."

"May kasama ka ba?"

"Ah, oo. Hinihintay ko na nga sila eh. Ang tagal-tagal nga."

"Patience is a virtue miss. Minsan, kailangan talaga nating maghintay para sa taong importante sa atin. Kahit gaano pa katagal iyon," sabi niya at tipid na ngumiti sa akin.

Lakas namang maka-hugot ni koya! Hindi na lang ako umimik. Ilang sandali pa ay nakita ko na silang tatlo na papalapit sa akin kaya kinawayan ko na sila.

"Sino ba sa kanila d'yan ang hinihintay mo talaga?"

Na-shock ako sa tanong niya. May something dito kay koya eh. Hindi ko nga lang talaga matukoy kung ano.

Isa-isa ko silang tiningnan pero napatagal ang tingin ko kay Dyuswa na ngayon ay nakangiti habang kausap si Michelle.

"Silang tatlo koya," sabi ko at nginitian ko na lang siya.

Tumayo na ako at lumapit na sa kanila. Kaagad namang kinuha ni Luke ang bag ko.

"Bakit ang tagal niyo?" nakangiti kong tanong sa kanila.

"Ito kasing si Josh ayaw pang bumangon sa kama niya. Kung hindi ko pa pinagtulakan sa banyo ayaw pang maligo," tawang-tawa na paliwanag ni Michelle.

When Dyuswa Meets PuritaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt