Part 77

8.4K 284 16
                                    

Pagkalabas ko ng school ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ayoko namang umuwi sa bahay nang ganito ang mukha ko. Ayoko namang mag-alala pa sila sa bahay.

Napapitlag ako nang tumunog ang phone sa bulsa ko. Si Ginny nagtext.

Ginny:
Girl, nasaan ka?

Kaagad akong nag-reply at gusto kong mainis dahil wala na pala akong load. Kaagad akong kumapa sa bulsa ko para tingnan kung may pera pa ako. May mga barya pa doon bente pesos na lang. Kapag nagpaload pa ako malamang hindi na ako makakauwi sa bahay.

Laglag ang balikat kong umupo na lang sa waiting shed kung saan dito ko sinabi kay Dyuswa na ampon lang ako. Umuulan pa noon. Baliw na baliw pa ako no'n sa kanya. Napailing ako. Hanggang ngayon pa rin naman di ba? Mahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya na ako. Pero ayokong ipakita sa kanya iyon dahil nang umalis na ako ng bahay nila ay pinangako ko nang kakalimutan ko na ang lahat. Kalakip na doon ang malalim kong pagmamahal sa kanya.

Nararamdaman ko na naman ang pagbadya ng luha sa aking mga mata. Shet naman. Nagiging iyakin na ako nitong mga huling araw. At iisa lang ang rason nito. Si Dyuswa. Damn Dyuswa! Ayan tuloy. Napamura ako ng English pa. May mga oras pala talaga na ang sarap magmura kapag English. Lalo na kapag hindi mo maipaliwanag ang ibig sabihin no'n.

"Purita?"

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. At nakita ko ang nagtatakang mukha ni Mario na ilang araw ko nang hindi nakikita. Nakaka-miss din pala ang mukha niya.

"Mario."

"Anong ginagawa mo rito? Anong nangyari sayo?"

Imbes na sagutin siya ay tumayo na lang ako at hinarap siya. Ayokong magsalita ng kung ano-ano dahil alam kong matalik silang magkaibigan ni Dyuswa.

"May load ka? Patext naman kay Ginny oh. Ayoko kasing umuwi na ganito itsura ko eh," naisabi ko na lang.

"Naiwan ko phone ko eh. Pero may extra tshirt ako rito. Isuot mo na lang muna ito," sabi niya sabay kuha sa bag niya ang kulay dilaw na v-neck shirt.

Nakakunot noo akong tumingin sa kanya

"Sumusuot ka ng ganitong kulay?"

"O-oo naman. Bakit hindi ba pwede?"

"Pwede kung maputi ka."

"And now you're being back sa pagiging mapanlait mo," naiinis niyang sabi.

Tinawanan ko siya. "Oy hindi yon panlalait ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Magkaiba yon."

"Fine. Just wear that. Papasok na ako sa loob."

Sinuot ko na nga ito nang hindi hinuhubad ang narumihang uniform ko. Alangan namang maghubad ako dito sa harapan niya di ba? Kahit broken hearted ako pero hinding hindi ko naman gagawin yun.

"Salamat."

May sasabihin pa sana siya kaso itinikom na lang niya ang kanyang bibig at nagpaalam na sa akin. Ayoko nang bumalik sa loob dahil baka ano na naman ang gawin nila sa akin. Marami nang masamang nangyari sa akin ngayong araw na ito. Ayoko nang dagdagan pa.

Nang makauwi ako ng bahay ay kaagad akong naligo. Pagkabihis ko ay lumabas ako ng kwarto at nabigla pa nang makitang nandoon sina Ginny at Eileen. At medyo magulo ang buhok? Nagtataka akong lumapit sa kanila.

"Ba't kayo nandito? Anong nangyari sa inyo?"

Itinirik ni Ginny ang kanyang mga mata at inagaw kay Eileen ang suklay.

"Nagsabunutan lang naman kami," sagot sa akin ni Eileen.

"Kayong dalawa? Anong pinag-awayan niyo?"

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now