Part 66

11.7K 333 28
                                    

Purita's POV

Napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Hindi pa man masyadong nakabukas ang aking mga mata eh kilala na agad ng puso ko kung sino ang humalik sa akin. Sino pa ba? Eh di si Dyuswa. Hihihi. Ewan ko ba. Hindi ko pa naman siya sinasagot pero hinahalikan niya na ako sa peshngi. Hindi ba dapat eh gawain lang yun ng mag dyowa?

Eh kasi nga malandi ka!, sigaw ng utak ko.

"Tumahimik ka," napalakas kong pagkakasabi na ikinagulat ni Dyuswa.

"Hindi naman ako nag iingay ah."

"Nako, hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh," nakangiti kong sabi sabay kamot ng ulo.

Napatingin siya sa paligid kapagka ay tumingin ulit sa akin.

"May kasama ka rito?"

"Ay hindi ganon. Kinakausap ko lang sarili ko. Yon lang."

Nagpatango tango na lang siya tapos ay ngumiti sa akin. Hala. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako kay Dyuswa. Ang sweet sweet kasi niya.

"Goodmorning," bati niya.

Bumangon na ako sa pagkakahiga.

"Goodmorning din. Ano nga palang ginagawa mo rito? Ke aga aga nanghahalik ka," seryoso kong pagkakasabi.

"Bakit? Ayaw mo ba? Kung ayaw mo isauli mo na lang."

"Asus. Lumang tugtugin na yan ano. Kung makapara-paraan ka d'yan ha."

Napakamot siya ng kanyang ulo na parang nahihiya. Ay. Ang kyot kyot talaga niya. Ang sarap niyang kurutin. Hihihi.

"Baka makalusot pa lang naman," sagot niya.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatiuna nang lumabas ng kwarto ko. Sumunod naman siya at sabay na kaming bumaba ng hagdan at dumiretso na ng kusina para mag agahan.

"Dyuswa, may sasabihin nga pala ako sayo mamaya ha?"

"Ano?"

"Mamaya nga di ba? Hirap intindihin?" nang aasar kong sabi sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni yaya Simang na naghahanda ng almusal namin.

"Eh sa gusto ko ngayon na eh."

"Hindi nga pwede," sabi ko sa kanya sabay nguso kay yaya.

"Tungkol ba saan? Sa nanliligaw sayo? Sasagutin mo na ba siya ngayon?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Asa! Wala namang nanliligaw sa akin eh."

"Meron kaya!" napalakas niyang sabi kaya naman saglit na napalingon si yaya.

Pinandilatan ko naman siya kaya para namanng bigla siyang natauhan.

"Kailangan ba sumigaw?" gusto ko nang matawa sa reaksiyon ng mukha niya.

"Eh sa wala naman talagang nanliligaw sa akin."

Inis niya na lang akong tiningnan at nagsimula na siyang kumain. Napapangiti naman akong dinampot ang isang baso ng kape at bigla iyong ininom. Wala sa oras akong napabuga dahil sa sobrang init nito. Jusme! Ambilis ng karma.

[<>]

Halos lumuwa ang mga mata ni Ginny nang makita niyang inihatid ako ni Dyuswa sa classroom ko. Magkalapit lang kasi classroom namin ni Ginny at nadadaanan ko ang classroom niya bago yung sa akin. Kaya kaagad niya akong sinugod sa classroom.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now