Kabanata 35- Halaga

10.6K 359 77
                                    

"Gaga! Hindi closure 'yon Purita! Anong klaseng closure 'yon ha? Sinong nagsabi sayo no'n at babalatan ko gamit ang nailcutter na pinapagamit mo kay Bhebhe Qoh?!" nangagagalaiting sabi sa akin ni Eileen.

Nandito kami ngayon da rooftop ng apartment na tinutuluyan niya. Umiinom. Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Uh-oh. Hindi mo magagawa 'yan sa akin Eileen. Pinaplano mo pa lang 'yan sa akin eh nagawa ko na sa'yo," nakangising sambit naman ni Ginny habang nagtutuhog ng marshmallows sa stick.

"So ikaw? Ikaw ang nag-suggest nang gano'n?"

"Malamang! Sino pa ba?" sagot nito.

"Nako naman. Alam kong bobo ka Purita pero hindi mo man lang ba naisip na sa ating tatlo ay ang babaeng ito.."turo niya kay Ginny na dinuro naman pabalik ni Ginny gamit ang stick. "...ang hindi pa nagkaka-boyfriend? Sa kanya pa talaga ha? Eh tigang 'yan sa boyfriend!"

"Eileen, ang sakit mong magsalita," nakasimangot na sabi ni Ginny.

"Eh akala ko kasi alam niya eh. Dahil matalino siya," naisagot ko na lang.

"Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa talino. Kailangan may experience din," irap ni Eileen kay Ginny. "At bakit iyon naman ang sinabi mo sa kanya?"

"Eh kasi umaasa ako na kapag ginawa niya iyon ay magbabago ang isip ni Joshua. Na iiwan niya ang girlfriend niya para kay Purs. Pero anong ending? Wala pa rin!"

"Ginny, taken na si Joshua. Bakit iyon ang iniisip mo?"

"Kailangan ni Purs ng love life. At alam kong si Josh lang ang makakapagbigay no'n sa kanya."

"Okay na 'yon. Nasabi ko na sa kanya na hindi ko na siya mahal. Huwag na nga kayong mag-away," saway ko sa kanila sabay lagok ng RH.

"Pero hinalikan mo. Anong ending 'yon Purita? Nakakabanas naman yan. Sinabi mong hindi mo na siya mahal pero binigyan mo pa ng halik. Ano yon? Goodbye kiss?"

"Nah-ah. Landi kiss 'yon. Hahahahha."

Lasing na yata itong si Ginny. Pero kanina ko pa siya nahahalatang parang hyper ngayon ha.

"Ang importante ay sinabi ko na sa kanya ang dapat niyang marinig. Para tigilan na niya ako. At hindi na siya ma-confuse."

Kahit ano pang sabihin nila ay wala na iyon sa akin. Nasabi ko na. Saka alam kong nasaktan si Dyuswa sa sinabi ko. Minsan kasi kailangan nating masaktan na lang para ma-realize natin ang isang bagay.

I know hindi na niya ako kukulitin. Hindi siya gano'n ka-desperado para habulin ako. At hindi na rin ako makakapayag na gawin niya iyon. He's better with MMichelle. I'll just drag him down with me.

Saka hindi na rin naman ako magtatagal sa Campuestuhan. Ayoko nang magtagal pa rito. Tatapusin ko na lang ang pinapagawa sa akin ni Madam Gertrudes at aalis na ako. Baka balik ako ng Maynila o uuwi na lang ako ng Iloilo.

"Hoy, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Eileen.

Sumasayaw-sayaw na si Ginny sa music na pinapatunog niya sa kanyang phone. Hindi ako sure kung Dessert ba iyon o Trumpets. Nahihilo na rin ako dahil sa ilang RH na nainom ko.

"Oo, okay lang."

Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo at inakbayan ako.

"I feel you Purs. Masakit talaga 'yan. Mahal mo eh."

"Mahal na mahal ko siya Ei. Alam niyo 'yon. Pero hindi ko siya masisisi kung bakit may Michelle na siya. Ayoko siyang sisisihin dahil ginusto ko ang nangyari di ba? Iyon ang ginawa ko."

Napansin ni Ginny ang pagda-drama ko kaya pinalitan niya ang background music ng Someday ni Nina.

Tang-inang Ginny na 'to!

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon