Part 43

13.8K 437 39
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 43

***

"Kahit anong gawin ko, kulang na kulang pa rin. Ginawa ko naman ang lahat di ba? Pero bakit parang wala pa rin sa'yo? Hindi mo ba talaga akong kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa'yo?" umiiyak na tanong ni Purita.

###

Latang-lata si Purita habang paakyat siya ng hagdan. Ang kati-kati ng lalamunan niya. Hindi niya inaasahan na gano'n pala kastrikto ang grandlolo niya sa pagbabasa. Bukod sa dapat ay malakas at bato-bato ang pagbabasa mo, kailangan ay may emosyon pa talaga habang binabasa ang bawat linya ng mga karakter sa kuwento.

"Kamusta?"

Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang tanong ni Joshua na nakangiti habang nakatingin sa kanya.

"Heto, masaya. Kakaibang experience 'to," namamaos niyang sagot.

"Magaling ka rin palang umarte ah," patango-tangong sagot nito habang sinundan siya sa kanyang kuwarto.

"Ganyan ba talaga si grandlolo bhe?" tanong niya at nilapag ang bag sa kanyang kama.

Umupo naman sa bakanteng upuan si Joshua saka nagkibit ng balikat.

"Siguro."

"Grabe naman. As in gabi-gabi ba siyang nagpapabasa?"

"Hindi naman. Depende sa mood niya."

Tumayo si Purita at dahan-dahang tinanggal ang butones ng kanyang uniform. Nagulat naman si Joshua sa ginawa niya kaya naman napatayo ito at tumalikod.

"Anong ginagawa mo?"

"Magpapalit ng damit. Hindi mo alam?" inosente niyang sagot.

Pinilit ni Joshua na kumalma dahil sa naramdamang inis.

"At magpapalit ka nang nandito ako?"

Iginala ni Purita ang kanyang paningin sa paligid. Still clueless sa pinangsasabi ni Joshua.

"Eh bakit sumunod ka rito eh alam mo namang magpapalit ako ng damit?"

Mahinang napamura si Joshua.

"I didn't expect na magpapalit ka kaagad ng damit mo. Pwede ba next time, magsabi ka muna kung magbibihis ka," sermon nito.

"Okay. Tapos na ako."

Pumihit ito paharap kay Purita na naka-damit pambahay na.

"Dinig ko bati na raw kayo ni Eileen?"

"Oo. Siya ang nakipagbati nang malaman niyang ampon lang talaga ako."

Bumalik si Joshua sa pagkakaupo. Umupo rin si Purita sa kanyang kama.

"Mabuti naman kung gano'n. Ayoko na kasing gumagawa pa kayo ng gulong dalawa eh. At dinadamay niyo pa ako. "

"May gusto ka na bas a akin bhe?"

Napamulagat si Joshua sa tanong niya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Kasi parang ang bait mo sa akin ngayon eh."

"I should treat you better from now on dahil kapatid na kita. Baka pagalitan pa ako nila mommy at lola kung masama akong kapatid sayo," paliwanag nito.

Kaagad namang napalis ang ngiti sa labi ni Purita.

"Dahil may mahal ka na bang iba?"

"You know what, ipagpahinga mo na 'yang boses mo. Siguradong ikaw na ang official storyteller ni lolo simula ngayon," sagot nito saka tumayo na at lumabas ng silid.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now