Kabanata 49- Ang Sinturon

10K 352 97
                                    

(A/N! Ang mga susunod na eksena ay hindi angkop sa mga batang manonood..este, magbabasa, kaya patnubay ng magulang ay kailangan. Rated Medyo SPG. READ AT YOUR OWN RISK. Huehuehue!)

Ang Sinturon

GINNY'S POV

Umiiyak pa rin ako dahil sa nangyaring kasawian sa buhay ko. Pero okay na rin 'yon dahil at least nalaman ko na ang sagot. Bhon can't love me the way I love him. And with that, sana ay mabilis na akong makakapag-move on nito.

Keribels lang! Kaya ko ito. Pero shutanginabhe! Ang sakit-sakit pa rin talaga! Ang sarap mag-lasing toda maximum highest level! Nasaan na ba si Purita at bakit kay tagal niyang bumalik?

Lumabas lang siya ng condo para bumili nang maiinom namin eh. Mahigit 30 minutes na pero wala pa rin siya. Kaya heto ngayon at umiiyak na naman ako. Hindi ko yata kakayaning mag-isa ngayon.

Ang sakit pala talaga sa heart. Ramdam na ramdam ko na sina Purita at Eileen. Iyong parang pinipiga, hinihiwa, tinutusok ang puso mo. Akala ko ka-echusan lang lahat ng iyon. Pero the hell! Real na real pala talaga!

How I wish I could go back when I was still young. Iyong mga tsismis lang ang ginagawa ko. Kahit abutin ako ng gabi sa pakikipag-tsikahan sa mga kapit-bahay ko. Kahit na minumura ako noon ng mga matatanda kasi nakiki-join ako sa usapan nila at mas may alam pa aki kesa sa kanila.

Hindi ko kasalanan maging tsismosa. Masaya kaya 'yon! Hindi tulad ngayon. Ang sakit palang ma-inlove!

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang buzzer. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang aking mga luha dahil si Purita lang naman iyon. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako..."

Hindi na ako nakapagpatuloy ng aking sasabihin nang makitang hindi si Purita iyon. Isang matangkad na pogi na lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Literal siyang napanganga nang makita ako.

Machete naman! Sino bang hindi mapapanganga sa ayos ko ngayon! Nakakahiya! Kaagad kong sinara ang pinto at nagmamadaling pinunasan ang mukha ko.

Nakakahiya ka Ginny! Ano ber! Kahit broken hearted ako ayoko namang magmukhang basang kuting sa harap ng ibang tao ano.

Nang masiguradong ayos na ang mukha ko ay binuksan ko ulit ang pinto at saka nginitian na ang lalaki.

"Hi. How can I help you?" tanong ko sa kanya.

"Sino ka? Why are you here? Where are the people here?" sunod-sunod niyang tanong sa akin at pumasok na sa loob.

Nanlaki ang mga mata. Paano kung magnanakaw ito? Serial killer? Rapist? Delikado. Hindi pa naman akin ang condong ito. And you never let stranger get in the house lalo pa at hindi mo ito pagmamay-ari.

Walang pakundangan akong sumakay sa likod niya at sinakal-sakal ang leeg niya.

"What the hell?? Get off me!" nagpupumiglas niyang sabi.

Pa-English - English ka pa ha! Black belter yata ako! Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya kaya natumba kaming dalawa sa sahig. Napangiwi siya sa pagkakatumba habang ako naman ay sinakyan siya sa tiyan at patuloy na sinasakal.

"Modus ka! Akala mo maiisahan mo ako ha!" sabi ko sa kanya.

Nasa gano'n kaming posisyon nang pumasok si Purita hawak-hawak ang dalawang plastic bag na may lamang alak at chips.

"Purs! Tumawag ka ng pulis. Alertness and vigor na! Bago pa makatakas ang modus na ito!" utos ko sa kanya.

***
PURITA'S POV

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon