Kabanata 63

9.4K 326 92
                                    

Problem

PURITA'S POV

Nagsimula na ang party at natapos na ang pagpapakilala sa akin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Dyuswa.  At escort ko pa!

May mga lumalapit sa akin at bumabati.  Hinahayaan na lang din ako ni daddy na makipaghalubilo sa kanila. 

"Where are you going?" tanong niya sa akin nang akmang aalis ako.

"Why do you care?" pagtataray ko. 

Tumawa siya kaya bigla akong nainis.  Anong karapatan niyang tumawa? Ang pagtawanan ako?

"Asking is far different from caring.  Alam mo ba 'yon?" nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin. 

Kumikislap ang kanyang mga mata na nanggagaling sa mga ilaw.  Hindi man sapat ang liwanag pero siguradong-sigurado ako na may nagbago sa hilatsa ng mukha niya. Mas lalong naging pulido ang jawline niya.  Mas na-depina ang tangos ng kanyang ilong,  ang hugis ng kanyang labi at ang umaalon niyang Adam's apple kapag lumulunok. 

Lihim kong kinastigo ang aking sarili.  Bago pa man maglakbay ang aking diwa sa daang pariwara ay tinalikuran ko na siya.  I heard him chuckle.  Bwisit siya!

Nakaka-pika!

Nakaka-jirits!

Imbes na pumasok ako sa loob ay sa may swimming pool area ako tumuloy.  May mangilan-ngilang tao rin doon.  Pumwesto ako malayo sa kanila para makapag-isip-isip. 

Naiinis ako kasi parang wala naman akong naiisip.  Para ano pa at pumunta ako rito di ba?

"Are you hiding yourself here?"

Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang nagsasalita sa likuran ko. Napasinghap ako. 

"Sinusundan mo ba ako?" hindi ko maitago ang pagkairita ko. 

"Bakit? Pagmamay-ari mo ba ang lugar na ito?"

Natahimik ako bigla.  Ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang pagtawa niya.

"My bad.  Pagmamay-ari mo nga pala talaga ang lugar na ito.  Ayissha Kyleigh Raymundo."

Pakiramdam ko ay nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Kakaiba kasi ang pagbanggit niya sa pangalan ko.  Nakakatawang isipin na ilang beses kong binanggit ang Ayissha Kyleigh Raymundo sa harap ng salamin pero wala akong makapang emosyon. 

Hindi tulad ngayon.  Hindi tulad nang pagkakasabi niya. Iba ang impact sa akin. Nakakapangilabot. Parang mina-massacre ang fallopian tube ko.

"I'm really wondering..."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili.  Nilingon ko siya.  Nakapamulsa siya at deretso ang tingin sa pool.  Malalim ang iniisip. 

"Bakit Sandoval pa rin ang dinadala mo? Ayaw mo pa rin bang dalhin ang apelyido ni daddy?"

"Wala ka na ro'n!" singhal ko sa kanya. 

"Or baka dahil..." pambibitin niya.

"Dahil ano?"

Imbes na sagutin ako ay nginisihan lang ako ng walanghiya! Inirapan ko siya.  Ilang sandali pa ay nabighani na kami ng katahimikan.  Ayokong magsalita. 

At ayoko siyang kausapin!

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga pero isinawalang-kibo ko na lang iyon.  Hindi ako interesado sa kung ano mang tumatakbo sa isipan mo. 

"Nandito lang pala kayo.  Kanina pa nila kayo hinahanap sa akin. Magsisimula na ang sayawan.  At hindi magsisimula iyon kung wala kayong dalawa!" sabi ng event organizer. 

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon